10 of Top 10 drug hotlist now behind bars
After fall of 3rd ‘Most Wanted’ drug dealer in Taguig
On the evening of Oct. 1 this year, Taguig police apprehended the last remaining person in the list of the Top 10 Target Drug Personalities who has yet to be taken off the streets and stopped from supplying illegal drugs to communities in Taguig.
The arrest of Alfonso A. Dacquel – No. 3 in the drug hotlist and a former member of the Philippine Marines – is another laurel on the Taguig police’s list of achievements this year as all of the ten biggest drug traffickers in the city are now behind bars.
Receiving the official report from PNP, Mayor Lani Cayetano has nothing but praises for the police for this latest development.
“This is extremely good news. Everyone in the Top 10 has been barred from flooding our streets with drugs. This means our citizens, especially our children, will now have decreased exposure to this menace,” Mayor Lani said.
“Again, I commend the police for this very outstanding work. You all have our gratitude.”
Taguig Police chief Senior Superintendent Arthur Felix Asis said Dacquel, alias Otoy, and his wife Siena Joyce Dacquel, alias Shen, of barangay Central Signal Village, Taguig City, were arrested during a buy-bust operation conducted by the agents of the Taguig City Police Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG).
Chief Inspector Jerry Amindalan, SAID-SOTG head, said the couple yielded six plastic sachets containing white crystalline substance suspected to be shabu with a street value of P150,000.
Amindalan said his agents were very careful during the operation knowing that the suspect was a former Marine described as armed and dangerous.
Already arrested earlier were the Top 1 and 2 drug personalities identified as Michael Butch Tan and Sancho Espiritu, who were captured on August 21 and September 23, respectively.
Aside from Tan and Espiritu, the Taguig police also apprehended earlier this year Richard Silvestre, Isidro Llagas, MardieTalampas, Jackie Abone, Adonis Venus, Bags Malay and Rawie Castro, who were all in the Top 10 most wanted drug suspects.
Mayor Lani also received from the police the 2015 Third Quarter Report containing the names of the 183 individuals arrested by authorities for involvement in the illegal drug trade.
Since Mayor Lani took the helm in Taguig, an all-out war was declared against illegal drugs.
In the past, prominent members of the Tinga Drug Syndicate, which included Joana Tinga and Henry Tinga, and key member Elisa “Ely” Tinga, were put behind bars. ###
[su_divider top=”no”][su_divider][/su_divider]
FILIPINO VERSION:
Matapos madakip ang “3rd most wanted drug dealer…”
MGA NASA ‘TOP 10 DRUG LIST’ NG TAGUIG, PASOK NA SA BILANGGUAN
Naaresto ng Taguig Police noong gabi ng Oktubre 1 ang natitira sa nasa listahan nito ng ‘Top 10 Target Drug Personalities sa lunsod.
Ang pagkakadakip kay Alfonso A. Dacquel, na ikatlo sa ‘drug hotlist’ ng Taguig at isang dating miyembro ng Philippine Marines, ang nagkumpleto sa talaan ng sampung pinakamalalaking drug traffickers sa lunsod na nasakote ng Taguig Police.
“Ito ay tunay na magandang balita. Ang lahat ng nasa Top 10 ay napigilan na sa pagpapakalat ng droga sa mga lansangan. Nangangahulugan ito na ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan ay mababawasan ang exposure sa salot na droga,” ang sabi ni Mayor Lani Cayetano bilang reakayon.
“Muli, pinupuri ko ang ating mga pulis sa napakahusay nilang trabaho. Nagpapa salamat kami sa inyo,” dugtong pa ni Mayor Lani.
Ayon kay Taguig Police chief Senior Superintendent Arthur Felix Asis, si Dacquel, alias Otoy at misis na si Siena Joyce Dacquel, alias Shen, ng Brgy. Central Signal Village ay magkasamang nahuli sa buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Taguig City Police Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG).
Sa report ni Police Chief Inspector Jerry Amindalan, ang hepe ng SAID-SOTG, narekober sa mag-asawa ang anim na plastic sachet na naglalaman ng ‘white crystalline substance’ na pinaghihinalaang shabu, at may street value na P150,000.
Sinabi ni Amindalan na naging maingat sila sa inilunsad na operasyon laban kay ‘Otoy’ dahil batid nilang isa itong dating Marine at itinuturing nilang “armed and dangerous.”
Bago ang matagumpay na pagkakasakote sa mag-asawang Dacquel, una nang nalaglag sa kamay ng Taguig Police ang itinuturing nilang “Top 1 at 2 drug personalities” na sina Michael Butch Tan at Sancho Espiritu, na nadakip noong August 21 at September 23, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Bukod kina Tan at Espiritu, bumagsak na rin sa anti-illegal drugs operations ng Taguig police sina Richard Silvestre, Isidro Llagas, MardieTalampas, Jackie Abone, Adonis Venus, Bags Malay at Rawie Castro, na pawang nasa “Top 10 most wanted drug suspects” ng lungsod.
Samantala, ipinaabot din kay Mayor Lani ng Taguig Police ang 2015 Third Quarter Report nito kung saan nakasaad na umaabot sa 183 indibidwal ang kanilang naaresto, na mga sangkot sa illegal drug trade.
Sapul ng manungkulan si Mayor Lani, idineklara nito ang paglulunsad ng “all-out war” laban sa mga nasa likod nang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot sa Taguig.
Bago nito ay namamayag sa kanilang ‘modus operandi’ ang mga prominenteng lider ng Tinga Drug Syndicate, na kinabibilangan nina Joana Tinga,Henry Tinga, at Ely Tinga.#
Subalit sa direktiba na rin ni Mayor Lani sa lokal na pulisya, ang lahat ng mga nasabing drug suspects ay nagawang maaresto at pawang nakakulong na rin. ###