2,700 seedlings planted in Taguig
Over 2,700 seedlings of different plants and trees have found a home along C5 Road in Barangay Western Bicutan, Taguig City.
The tree-planting activity was carried out jointly by Toshiba Asia Pacific, the local government of Taguig, other government agencies and non-government organizations (NGOs).
The said project, dubbed Toshiba Asia-Oceania Tree Planting, saw the planting of Palawan cherry, yakal, African tulip, banaba and acacia rain tree seedlings on a patch of land along the road. Taguig would no doubt go a long way in “greening” the area.
Lawyer Darwin Icay, spokesperson of Taguig Mayor Lani Cayetano, said that the project goes well with the local chief executive’s proactive stance on environmental preservation and protection.
“Even before her days as Taguig-Pateros congresswoman, Ate Lani has a staunch advocacy of caring for the environment as a means of looking after our own future and that of our children’s. Needless to say, an activity like this is toward that direction,” Icay said.
Toshiba Asia Pacific chose Taguig City as the first recipient of its tree-planting project. The electronics giant said it aims to plant 1.5 million trees all over the world by 2025, coinciding with the company’s 150th foundation anniversary.
Taguig Administrator Atty. Jose Luis Montales, appearing on behalf of Mayor Cayetano during the activity, thanked Toshiba officials for bringing over the seedlings to the city.
“Taguig is indeed honored to host this tree-planting activity. It’s heart-warming to know that while other corporations are exploiting the environment, Toshiba is fighting to save it,” Montales said.
A significant partner in the C5 Road tree-planting is the Metro Manila Development Authority (MMDA), which was tasked to create a landscape plan for the spot. In turn, the local government will shoulder the maintenance work needed for the plants to flourish.
At least 150 volunteers composed of members from Taguig’s City Environmental and Natural Resources Office (CENRO), officials from the city government, MMDA and Toshiba participated in the tree-planting.
Winners of Ms. Earth Philippines 2011 also got their hands dirty by taking part in the activity.
Also attending the event were Shoji Yoshioka, corporate senior vice president of Toshiba Corp.; Yoshiyuki Yano, president of Toshiba Info and Corazon Jimenez, MMDA general manager.
FILIPINO VERSION:
Mahigit sa 2,700 na mga binhi ng iba’t ibang halaman at puno ang naitanim sa kahabaan ng C5 Road sa bahagi ng Barangay Western Bicutan, Taguig City
Nagsilbing magkatambal sa pagtatanim na ginanap noong Huwebes, 21 Hulyo 2011 ang Toshiba Asia Pacific, lokal na pamahalaan ng Taguig, kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno pati na mga non-government organization (NGO).
Ang nasabing proyekto na tinaguriang Toshiba Asia-Oceania Tree Planting ang nagbigay daan sa pagkakatanim ng mga binhi tulad ng Palawan cherry, yakal, African tulip, banaba at acacia rain tree na tiyak na magbibigay ng luntiang kulay sa naturang lugar.
Ayon kay Darwin Icay, tagapagsalita ni Taguig Mayor Lani Cayetano, swak na swak ang proyektong ito sa paninindigan ng alkalde ukol sa pagprotekta at pangangalaga sa kalikasan.
“Bago pa siya naging kinatawan ng Taguig-Pateros ay malakas na ang adbokasiya ni Ate Lani ukol sa pangangalaga ng kalikasan tungo ang magandang kinabukasan. Ang mga proyektong tulad nito ay papunta sa direksyong iyon,” pahayag ni Icay.
Nagpasalamat naman si Taguig City Administrator Atty. Jose Luis Montales, na dumalo sa ngalan ni Mayor Cayetano, sa mga opisyales ng Toshiba para sa mga butong ibinigay nito sa lungsod.
“Ikinararangal ng Taguig na maging kaagapay ng Toshiba sa aktibidad na ito. Nakatutuwang malaman na habang ang ibang kompanya ay pinagsasamantalahan ang kalikasan, gumagawa ang toshiba ng paraan para masagip ito,” sinabi ni Montales.
Kabalikat rin sa proyektong ito ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na siyang inatasang gumagawa ng “landscape plan” para sa pinagtamnam habang ang lokal na pamahalaan naman ang magmimintina nito.
Halos 150 katao na binubuo ng miyembro ng Taguig City Environmental and Natural Resources Office (CENRO), opisyales ng lungsod, MMDA, at Toshiba ang nagtulong-tulong sa pagtatanim.
Pati ang mga naggagandahang dilag na nanalo sa Ms. Earth Philippines 2011 ay nakisali sa aktibidad na ito.
Dumalo rin dito sina Shoji Yoshioka, corporate senior vice president of Toshiba Corp; Yoshiyuki Yano, pangulo ng Toshiba Info at Corazon Jimenez, general manager ng MMDA.