Taguig City launches C5 Task Force


Highway sidewalk clearing ongoing

 “Public places are for public use.”

 Mayor Lani Cayetano said this as she revealed the creation of a task force mandated to conduct a thorough sidewalk clearing operation along C5 against illegal vendors and structures that tend to obstruct the proper use of these public areas.

 According to Mayor Lani, the C5 Task Force is made up of representatives from different city hall offices, and that its main objective is to clear the sidewalks of the said major thoroughfare of public nuisances.

 “We want to ensure that sidewalks are utilized by the public for its intended purpose. Also, we want to address traffic problems while improving the appearance of Taguig,” said Mayor Lani, saying that the clearing operations started early this month.

 The C5 Task Force is not only mandated to get rid of illegal structures and makeshift stalls, but is also responsible for clearing the areas along the C5 road of anything deemed as an obstruction, including vendors and garbage dumps, among others.

 Illegal structures like makeshift stalls, carinderias and stores tend to obstruct the steady flow of pedestrians in sidewalks, making them a nuisance to the community. They also cause minor traffic problems as people tend to use roads as walking paths when the sidewalks are filled with these structures.

 Mayor Lani added that the implementation is in accordance with Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) resolution No. 02-28 that authorizes local government units to clear the sidewalks, streets, avenues, alleys, bridges, parks, and other public places of all illegal structures and obstructions.

 The clearing process takes time, she said, because those operating makeshift stalls and other vendors tend to return after a period of time, delaying the clearing progress.

 However, Mayor Lani guarantees that the C5 Task Force is doing its best in conducting the clearing.

 “The clearing is still on its early stages but we are expecting positive results,” she added. ###

 

FILIPINO VERSION:

 

Highway sidewalk clearing, inilunsad

C5 Task Force, binuo ng Taguig

 Inilunsad kamakailan ng pamahalaang lokal ng Taguig ang isang task force na siyang nangunguna ngayon sa clearing operations sa kahabaan ng C5 road laban sa mga iligal na tindahan at istruktura na nakasasagabal sa paggamit ng mga pampublikong lugar at daanan.

 Ayon kay Mayor Lani Cayetano, ang C5 Task Force ay binubuo ng mga kinatawan galing sa iba’t-ibang tanggapan ng city hall na naglalayong alisin ang mga nakasasagabal sa mga bangketa ng nasabing kalsada.

 “Nais naming tiyakin na ang mga bangketa ay nagagamit ng publiko sa tamang pamamaraan. Isa pa, nais rin naming ayusin ang problema ng trapiko kasabay ng pagpapaganda sa lungsod ng Taguig,” ani Mayor Lani.

 Ang clearing operations ay nagsimula na nitong buwan, dagdag pa niya.

 Ang C5 Task Force ay hindi lamang namamahala sa pagtanggal ng mga iligal na imprastraktura kundi ito rin ang responsable sa pag-alis ng mga nakasasagabal sa kahabaan ng kalsada ng C5, katulad ng mga kainan, tindahan at mga basurahan.

 Ang mga iligal na imprastraktura katulad ng mga kariton, karinderya at mga tindahan ay nagiging abala sa dapat sana ay maluwag na daloy ng mga tao sa mga bangketa. Nagdudulot rin ito ng problema sa trapiko dahil sa kalsada na mismo naglalakad ang mga tao dahil puno na ang kanilang nararapat lakaran.

 Idinagdag pa ni Mayor Lani na ang implementasyon ay alinsunod sa resolution No. 02-28 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang nagbigay ng karapatan sa mga lokal na pamahalaan na linisin at alisin ang mga sagabal sa mga bangketa, lansangan, abenida, eskinita, tulay, parke at iba pang pampublikong lugar na mayroong iligal na imprastraktura at abala.

 Ang proseso ay hindi madalian dahil ang mga may-ari ng mga kariton at iba pang nagtitinda ay bumabalik rin matapos ang ilang araw na siyang nagpapatagal sa paglilinis ng mga bangketa.

 Gayunpaman, tinitiyak ni Mayor Lani na ang C5 Task Force ay ginagawa ang lahat sa abot ng kanilang makakaya na pangasiwaan ang clearing operations.

 “Nagsisimula pa lamang tayo sa pagtatanggal ng mga abala sa kalsada subalit asahan po natin ang positibong resulta ng operasyong ito,” dagdag pa niya. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854