Taguig cools schools
Provides aircon and generator units to 34 public schools
The local government of Taguig installed additional air conditioning units and new generators in the city’s 34 public schools, in time for this year’s school opening, to provide positive and comfortable learning environment for every public school student in the city.
According to Mayor Lani Cayetano, the decision to put aircon units in the schools was made because they want to create a condition in which the children could concentrate effectively, especially grade six and fourth year students who will be taking their national achievement tests.
“Classrooms with high temperature affect the learning capability of the students. Instead of focusing on the subject, they think of ways to cool down,” she said.
Department of Education Taguig-Pateros Division (DepEd TaPat) administrator Dr.George Tizon added that up to 40 units were allocated for the big schools, while 12 units will be placed in the smaller schools.
Furthermore, the city’s public schools were provided generators in preparation for possible power interruptions especially during the rainy season.
Tizon said that the generators will help prevent disruption of paper works and communication in the schools’ administration office.
Aside from these improvements, the local government has completed the installation of Closed-circuit television (CCTV) cameras in all of the city’s public schools in support to its anti-bullying campaign.
“We want to make sure that everything is ready before this year’s class opening. It is always our objective to provide a safe and conducive environment for learning in our schools thus we believe that there is always room for improvement in our public schools’ facilities,” the local executive said. ###
FILIPINO VERSION:
Pamahalaang lokal ng Taguig, binigyan ng aircon at generator ang 34 public schools ng lungsod
Nagdagdag ng mga bagong air conditioning unit at mga bagong generator ang lokal na pamahalaan sa 34 na pampublikong paaralan nito upang maging komportable ang pag-aaral ng bawat estudyante sa lungsod.
Ayon kay Mayor Lani Cayetano, sila ay nagdesisyon na maglagay ng aircon units sa mga eskwelahan dahil nais nilang mapabuti ang konsentrasyon ng mga estudyante, lalo na ang mga nasa grade six at fourth year na silang kukuha ng national achievement test.
“Nakaka-apekto sa kakayahang mag-aral ng estudyante ang temperatura sa loob ng isang silid-aralan. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang paksa, sila ay nag-iisip ng mga paraan para hindi na sila mainitan,” sabi ng punong lungsod.
Pahayag ni Dr.George Tizon, Department of Education Taguig-Pateros Division administrator, 40 units ang nilaan sa mga malalaking paaralan samantalang 12 naman sa mga maliliit na paaralan.
Bukod dito, ang mga pampublikong paaralan ng lungsod ay binigyan din ng generator bilang paghahanda sa maaring pagka-wala ng kuryente sa panahon ng tag-ulan.
Ani pa ni Tizon, ang mga generator ay makakatulong upang maiwasan ang pagka-antala ng mga gawain sa mga tanggapan sa eskwelahan.
Higit pa rito, nakumpleto na ng lokal na pamahalaan ang paglalagay ng mga Closed-circuit television (CCTV) sa mga pampublikong paaralan bilang suporta sa kampanya ng lungsod laban sa bullying.
“Nais namin na lahat ay nakahanda na bago pa man ang pagbubukas ng klase. At dahil na rin sa aming hangarin na maging ligtas at maayos ang pag-aaral ng bawat estudyante, naniniwala kami na laging may puwang para sa ‘improvement’,” sabi ni Mayor Lani. ###