Taguig completes CCTV installation to curb bullying in schools


The Taguig city government has completed the installation of Closed-circuit television (CCTV) cameras in all of the city’s public schools to strengthen its anti-bullying campaign.

The CCTVs, which started installation last year, will complement the existing Students’ Anti-Bullying Action Center (SABAC), one of pillars of the Department of Education and Mayor Lani Cayetano’s program against bullying in schools.

“With the completion of the CCTV camera installation, we expect to deter the bullying situation in schools,” Mayor Lani said.

Meanwhile, Mayor Lani added that the SABAC, which takes the form of an information desk to be run and manned by students everyday, will provide a more comfortable venue for pupils to come out in the open before their problems with so-called bullies get any worse.

“We aim to have a ‘student-friendly’ environment in our public schools. With the SABAC and CCTV in place, bullies will be wary of their actions and at the same time, victims will no longer have that fear of going to school,” said Mayor Lani.

According to Dr. George Tizon, DepEd Taguig-Pateros administrator, children tend not to reveal or share their bullying problem to their parents or even teachers for fear of getting reprimanded.

Taguig’s anti-bullying campaign aims to change this by also urging witnesses of bullying among students to report an incident on the behalf of the victim, which could be their friend.

The program also provides an opportunity to determine whether the students have any problems at home that contribute to their attitude in school.

The CCTV cameras and anti-bullying desks are tools not only to know the gravity of bullying in schools but also to prevent it.###

FILIPINO VERSION:

Anti-bullying campaign, pinalakas

CCTV sa lahat ng public school sa Taguig, kumpleto na

Nakumpleto na ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang Closed-circuit television (CCTV) camera na inilagay sa lahat ng mga pampublikong paaralan ng lungsod para mapaigting ang kampanya laban sa bullying.

Sinimulang ilagay ang mga CCTV noong nakaraang taon bilang suporta sa Students’ Anti-Bullying Action Center (SABAC), isa sa mga pangunahing programa ng Department of Education (DepEd)at ni Mayor Lani Cayetano laban sa bullying sa mga paaralan.

“Dahil atin nang nakumpleto ang pagkakabit ng mga CCTV camera, inaasahan natin na mababawasan ang insidenteng tulad nito sa ating mga paaralan,” sabi ni Mayor Lani.

Ayon pa kay Mayor Lani, dahil ang SABAC ay isang information desk na pamamahalaan ng mga estudyante araw-araw, mas magiging madali sa mga estudyante na biktima ng bullying na magsabi ng kanilang mga problema bago pa ito lumala.

“Nais naming magkaroon ng isang ‘student-friendly environment’ sa ating mga pampublikong paaralan. Sa tulong ng SABAC at mga CCTV camera, mababawasan ang mga insidente ng bullying at hindi matatakot pumasok sa paaralan ang mga biktima,” sabi ni Mayor Lani.

Ayon kay Dr. George Tizon, DepEd Taguig-Pateros Division administrator, kadalasang itinatago ng mga bata ang kanilang problema sa bullying dahil sa takot na mapagalitan ng kanilang mga guro o mga magulang.

Ang kampanyang ito ay naglalayon na baguhin ang ganitong pananaw sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga nakasaksi ng insidente na magsumbong upang matulungan ang biktima, na maaaring isa sa kanilang mga kaibigan.

Ang programa ay isa ring oportunidad para malaman kung ang mga estudyante ay may problema sa kanilang tahanan na nakakaapekto sa kanilang pag-uugali sa paaralan.

Ang mga CCTV camera at anti-bullying desks ay mga instrumento hindi lamang upang malaman ang bigat ng problema ng bullying sa mga paaralan, kundi para rin maiwasan ito. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854