Taguig re-routing for Undas 2014


Provides 24-hr security, medical, traffic assistance

 In line with the nation’s observance of All Saints’ day and All Souls’ day, the city government of Taguig will implement a traffic re-routing, round-the-clock security, medical services and traffic assistance to ensure that no untoward incident occurs come Undas.

 With thousands of people expected to flock cemeteries to visit their departed ones, motorists are advised to take alternate routes at Ususan, General Luna Street going to Sta. Ana and Manuel L. Quezon Street to Bagumbayan from 6 A.M of November 1 until 5 PM of the following day, November 2.

 The stretch of Bagong Calzada-Tuktukan road will be closed to traffic to lessen the congestion of vehicles.

 This is in addition to the round -the-clock security, medical services and traffic assistance in all of the cemeteries on November 1.

 Mayor Lani Cayetano earlier announced that several offices within the local government and the Taguig Police had collaborated to secure and provide the necessary assistance to nine cemeteries within the city.

 Taguig’s head for Social Welfare and Development Office (CSWDO) Evelyn Arago said  helpdesks and first-aid tents will also be strategically placed in all of the cemeteries in order to address any concern or respond to any medical emergencies.

 The local government also has ensured that all areas in all of the cemeteries and all streets leading to them are well-lit.

 Personnel from the Public Order and Safety Office (POSO) and the Taguig-PNP are deployed to the cemeteries starting today to secure the areas.

 There will also be Motorists Assistance Centers along C-5 road manned by members of the Traffic Management Office (TMO), Taguig Rescue, POSO and Taguig-PNP.

 The TMO will also be present to manage the traffic of vehicles expected to congest the roads near cemeteries.

Liquor, deadly weapons not allowed

 Meanwhile, Mayor Lani warned citizens that liquor and deadly weapons are strictly prohibited in cemeteries on November 1. ###

 

FILIPINO VERSION:

Taguig magpapatupad ng traffic re-routing sa Undas
Mahigpit na seguridad, medical at traffic assistance kasado na rin

Bilang paghahanda sa pagdagsa ng tao sa mga sementeryo sa Undas ay magpapatupad ang  Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng traffic re-routing, 24-oras na seguridad, serbisyong medikal at traffic assistance.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga motoristang magtutungo sa mga sementeryo sa lungsod na gamitin ang mga itinakdang alternate route sa Ususan, General Luna St. Patungong Sta. Ana at Manuel L. Quezon St. Patungong Bagumbayan simula alas 6 ng umaga  ng Nobyembre 1 hanggang alas 5  ng hapon ng Nobyembre 2..

Samantala, ang kahabaan ng Bagong Calzada-Tuktukan Road ay isasarado sa trapiko upang mapagaan ang inaasahang pagbibigat sa  daloy ng mga sasakyan.

Bukod sa pangangasiwa sa trapiko ay magkakaroon din ng round-the-clock security at medical services sa lahat ng sementeryo sa Nobyembre 1.

Una rito ay inihayag ni Mayor Lani Cayetano na magtutulungan ang ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan sa Taguig Police upang matiyak ang maayos at ligtas na paggunita ng mga Taguigueno sa mga namayapa nilang mahal sa buhay.

Kabilang sa mga sementeryong babantayan ay ang mga sumusunod:

  • Bagumbayan Cemetery
  • Hagonoy Cemetery
  • Tuktukan Cemetery
  • Ligid Catholic Cemetery
  • Aglipay Cemetery
  • Libingan ng mga Bayani
  • Garden of Memories
  • Maharlika Cemetery
  • Serenity Park Cemetery

Sinabi ni Evelyn Arago, hepe ng Taguig Social Welfare and Development Office (CSWDO) na magkakaroon ng mga helpdesk at first-aid tents sa lahat ng sementeryo upang matugunan ang mga pangangailangan ng publiko gayundin ang anumang medical emergency.

 Tiniyak din ng Taguig City Government na ang lahat ng mga daan patungo sa lahat ng sementeryo ay maliwanag at may sapat na ilaw.

 Simula naman sa araw na ito ay magtatalaga ng mga elemento ng Public Order and Safety Office (POSO) at Taguig-PNP sa mga sementeryo.

 Samantala, magkakaroon din ng Motorists Assistance Centers sa C-5 Road na pangangasiwaan ng mga miyembro ng Traffic Management Office (TMO), Taguig Rescue, POSO at Taguig PNP.

 Ang TMO ang tututok sa pag-aayos ng trapiko na inaasahang magsisikip sa mga lugar na malapit sa mga sementeryo.

Mahigpit din ang paalala ni Mayor Lani Cayetano na ipinagbabawal ang pagdadala ng alak at deadly weapons sa lahat ng sementeryo.


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854