Taguig police prepares early security measures for Christmas
This early, the Taguig City police is rolling out measures that will ensure a safe and peaceful Christmas season for the people in Taguig.
In a command conference conducted by the Taguig police officials headed by Senior Supt. Arthur Felix Asis, safety and security measures will be put in place to make sure the holiday season will be trouble-free for anyone.
Mayor Lani Cayetano has directed the Taguig police to lay out plans that will prepare the city for the Christmas season, including the security of local residents, students and people working in the city.
The police plan will include the security of shopping areas in Taguig including the Bonifacio Global City where thousands of people visit daily for work and play.
Mayor Lani also ordered the police to heighten the security at the city’s business districts to make sure workers including those in the business process outsourcing companies are secured even during at night.
“Dito po sa atin may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko kaya’t minabuti naming ngayon pa lamang ay ilatag na ang planong panseguridad ng lungsod. Magkatuwang po ang lokal na pamahalaan at ang pulisya sa adhikaing gawing ligtas at masaya ang panahon ng kapaskuhan dito sa Taguig,” Mayor Lani added.
“Bilang tugon sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa shopping malls at iba pang commercial establishments, maglalagay po kami ng Police Assistance Desks sa mga department stores sa Taguig kabilang ang Market! Market!, SM Aura at All Home,” Asis said.
The police officials said police patrol will also be in regular operations in the city to increase visibility in public places and preempt crime from happening.
The Taguig police also met with officials of banks, money remittances and money changing shops, pawnshops and other financial institutions to discuss ways on how to prevent being victims of crime heists.
The Taguig police asked the city stakeholders to dial the hotline number (02) 642-3582, aside from the PNP Patrol 117, for police assistance.
The Taguig police also encouraged people to use “I-Text Mo kay Chief” mobile number 0929-8072893 for complaints and other police-related assistance. ###
[su_divider top=”no”][su_divider][/su_divider]
FILIPINO VERSION:
Taguig Police naglatag na ng seguridad sa kapaskuhan
NAGHAHANDA na ngayon ang Taguig City Police kaugnay sa ipatutupad na mga hakbangin para masiguro ang ligtas at mapayapang pagdiriwang ng mga mamamayan nito sa nalalapit na panahon ng kapaskuhan.
Sa isinagawang command conference ng mga opisyal ng lokal na pulisya, sa pangunguna ni Senior Supt. Arthur Felix Asis, sinabi nitong layunin nilang maging maayos at tunay na kasiya-siya para sa lahat ang panahon ng kapaskuhan.
Nabatid na isa sa mga masusing babantayan ng Taguig police ang shopping areas sa lungsod kabilang ang Bonifacio Global City kung saan libong katao ang nagtutungo araw-araw.
Nauna rito, inatasan ni Mayor Lani Cayetano ang pulisya na higpitan ang seguridad sa pangunahing business district na ito ng Taguig lalo na sa pagsisigurong ligtas ang mga empleyadong pumapasok sa iba’t-ibang pribadong tanggapan kabilang ang business process outsourcing companies, sa gabi man o sa araw.
“Dito po sa atin may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko kaya’t minabuti naming ngayon pa lamang ay ilatag na ang planong panseguridad ng lungsod. Magkatuwang po ang lokal na pamahalaan at ang pulisya sa adhikaing gawing ligtas at masaya ang panahon ng kapaskuhan dito sa Taguig,” ayon kay Mayor Lani.
“Bilang tugon sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa shopping malls at iba pang commercial establishments, maglalagay po kami ng police assistance desks sa mga department store sa Taguig kabilang ang Market! Market!, SM Aura at All Home,” sabi ni Asis.
Dagdag pa ng Taguig Police chief, magiging regular ang pagpapatrolya ng kanyang mga tauhan sa mga lugar sa lungsod at palalakasin din nila ang police visibility sa pampublikong mga lugar upang mapigilan ang anumang krimen.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga opisyal o tagapamahala ng mga bangko, money remittances at money changing shops, pawnshops at iba pang financial institutions para pag-usapan ang paraan sa pag-iwas na maging biktima ng mga kawatan.
Nawagan naman ang Taguig police sa mga mamamayan ng lungsod na makipagtulungan sa kanila sa hakbanging sugpuin ang kriminalidad at sa pagpapanatili ng peace and order kung saan may itinalaga silang hotline number (02) 642-3582, bukod pa sa PNP Patrol 117 para sa pagbibigay ng police assistance.
Gayundin, hinimok ang lahat na gamitin ang “I-Text Mo kay Chief” mobile number 0929-8072893 kung may nais na maipaabot na sumbong o reklamo at iba pang impormasyon at tinitiyak na magiging confidential ang mga ito. ###