Over 64,000 Taguig students given free comprehensive eye check-up and 20,000 free eyeglasses


Taguig’s strong health awareness and wellness programs for youth

The city government of Taguig is continuously addressing the need of young Taguigueños to maximize learning and reach their full potential.

 

The city government’s understanding of  various learning problems in schools  paved the way for the creation of  Oplan Linaw- a Taguig health awareness and wellness program for its youth.

 

Mayor Lani Cayetano said “Oplan Linaw” was initiated by the city government to eliminate one of the silent problems inside the classroom- poor eyesight.

 

“We know the problem exists, and we are doing something about it.  We are making sure that no student in Taguig gets left behind in school just because he or she has poor eyesight and cannot afford to have their eyes checked, much less buy their own prescription eyeglasses,” Mayor Lani stated.

 

Taguig’s Oplan Linaw provided free comprehensive eye check-up to about 64,000 students. Out of those screened, more than 20,000 students  were given free prescription glasses.

 

Dr. Isaias Ramos, officer-in-charge of Taguig City Health Office said that a group of optometrists conducted the eye check-up to all of Taguig’s 36 public schools.

 

“We are proud of this initiative. It is a service that you don’t see being provided by a local government unit,” said Dr. Ramos.

 

Lisa Cabal, a mother of one of the beneficiaries said that her child had been complaining of a frequent headache not knowing that it is caused by her child’s poor eyesight.

Dr. Ramos said that the prescription glasses provided by the city government resolved the usual headache experienced  by Cabal’s child.

 

Aside from Oplan Linaw, other city government’s health awareness and wellness programs include  the free fluoride varnish and pit and fissure sealants given  to 13,500 grade 1 pupils to prevent tooth decay.

 

“We hope that with the city government’s intervention, we can maximize their learning and help them reach their full potentials. They are the future of Taguig and our country. It is a must that we continue to invest in them, ” Mayor Lani said.

 

Last year, the Division of Taguig and Pateros bested all the other cities in Metro Manila for ranking first in 2015 National Achievement Test. ###

 

FILIPINO VERSION:

Taguig may malakas na health awareness and wellness programs para sa kabataan

 

Mahigit 64,000 estudyante sumalang sa free comprehensive eye check-up;  20,000 estudyante may libreng salamin sa mata

 

Patuloy na tinutugunan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang mga pangangailangan ng mga estudyanteng Taguigueño sa kanilang pag-aaral sa layuning maabot ang kanilang mga pangarap.

 

Dahil nauunawaan ng pamahalaang lokal ang mga problema at balakid ng mga estudyante sa pag-aaral ay ginawa nito ang programang Oplan Linaw na isa sa health awareness and wellness program ng Taguig para sa mga kaataan.

 

Binigyang diin ni Mayor Lani na ginawa ang ”Oplan Linaw” sa layuning solusyunan ang isa sa mga problema ng mga estudyante sa paaralan- ang  malabong paningin.

 

“Alam naming umiiral ang problemang ito, at gumagawa kami ng paraan para ito maitama. Tinitiyak namin na walang estudyanteng Taguigueño ang maiiwanan ng leksiyon dahil sa malabong paningin at kawalan ng pera para pambili ng salamin sa mata,” pahayag ni Mayor Lani.

 

Sa ilalim ng “Oplan Linaw” isinailalim sa comprehensive eye check-up ang nasa 64,000 na estudyante. Sa bilang na iyan, mahigit sa 20,000 estudyante ang napagkalooban ng libreng salamin sa mata.

 

Ayon sa hepe ng Taguig City Health Office na si Dr. Isaias Ramos, isang grupo ng mga optometrist ang siyang sumuri sa paningin ng mga estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan sa Taguig.

 

“Aming ipinagmamalaki ang inisyatibong ito. Ito po ay isang serbisyo na  pangkaraniwang hindi naipagkakaloob ng isang local government unit,” paliwanag  ni Dr. Ramos.

 

Si Lisa Cabal, ina ng isa sa mga nabigyan ng salamin sa mata ang nagkuwento na bago ang programang ito ng pamahalaang lokal ng Taguig ay palaging iniinda ng kanyang anak ang pananakit ng ulo. Kamakailan lamang niya napagtanto na ang sanhi ng problema ng kanyang anak ay ang pagkakaroon ng malabong paningin.

 

Sinabi ni Dr. Ramos na ang salamin sa mata ang naging solusyon para mawala ang pananakit ng ulo ng anak ni Ginang Cabal.

 

Bukod sa “Oplan Linaw”, ang isa pang health awareness and wellness program ng lungsod ay ang fluoride varnish at pit and fissure sealant na ibinibigay sa mga grade 1 pupil upang tumibay ang kanilang mga ngipin at maiwasan ang pagkasira nito.

 

“Umaasa kami na sa pamamagitan ng mga programang ganito ng pamahalaang lungsod ay matututo nang husto sa paaralan ang mga estudyante at makatulong sa pagpapahusay pa ng kanilang angking talino.  Sila ang bukas ng Taguig at ng ating bansa. Dapat lamang na ipagpatuloy natin ang pagtulong sa kanila,” wika ni Mayor Lani.

 

Noong nakaraang taon, ang dibisyon ng Taguig at Pateros ang nanguna at siyang numero uno sa 2015 National Achievement Test sa Metro Manila. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854