Taguig dengue cases down by 15 percent


The city government of Taguig through its City Health Department and the Sanitation Office have devoted the entire month of November to misting and larviciding operations.

 

City Health Officer Dr. Isaias Ramos said the activity is part of their year-round Dengue Prevention and Control Program at the same time a preventive approach against the Zika Virus and the Chikungunya Virus.

 

Per City Health Department, dengue cases this year have been down by 15 percent (-15 percent). In 2015, there were 474 cases reported compared to this year’s 403 cases. The reported cases this year were also lower by 15 percent than the previous three-year average (2013-2015).

 

“We are thankful as dengue incidents have been low in Taguig this year and we have zero Zika Virus and Chikungunya Virus. The mayor wants to keep the numbers down, thus, we will exert more effort to achieve it,” Dr. Ramos explains.

 

Earlier this year, Mayor Lani Cayetano issued a directive to execute an information campaign and a massive clean-up drive to destroy potential breeding sites of dengue, Chikungunya and Zika virus-carrying mosquitoes.

 

Mayor Lani is happy with the negative 15 percent drop in dengue cases but not satisfied due to the two deaths reported this year.

 

“I am happy with the result, the dengue incidents are down as well as the flooding. I have directed the City Health Office; Liga ng mga Barangay; CENRO, City Engineering Office; and the Solid Waste Management Office to continue what they have been doing.  Although the numbers are down, there were fatalities. We need to do something about it. I also would like to appeal to my constituents to do your share by being responsible and cleaning your surroundings.”

 

The misting and larviciding operations had started and it will continue on until the 29th of November. The priority areas are schools and high population areas in the city.

 

A lecture on Dengue Prevention and Control will be conducted on November 21 with the Philippine Coast Guard personnel stationed in the city as beneficiaries. ###.

 

 

FILIPINO VERSION:

 

Kaso ng Dengue sa Taguig, bumaba ng 15 porsyento

 

Inilaan ng gobyerno ng Taguig, sa tulong ng kanilang City Health Department, ang buong buwan ng Nobyembre sa pagpapausok at pagpatay sa mga itlog ng lamok.

 

Ayon kay City Health Officer Dr. Isaias Ramos, ang aktibidad ay bahagi ng tuluy-tuloy na Dengue Prevention and Control Program at isa ring paraan ng pag-iwas laban sa Zika at Chikungunya Viruses.

 

Bumaba ng 15 porsyento ang bilang ng kaso ng dengue sa lungsod ayon sa datos ng City Health Department. Noong 2015, mayroong 474 na kaso ang naireport kumpara sa 403 na kaso ngayong taon. Bumaba rin ng 15 porsyento ang kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa average ng nakaraang tatlong taon (2013-2015).

 

“Nagpapasalamat kami dahil napakababa ng insidente ng dengue ngayong taon sa Taguig at walang naitalang kaso ng Zika at Chikungunya Viruses. Nais ng ating punong lungsod na panatilihing mababa ang bilang nito, kaya naman pagsusumikapan namin itong mapanatili,” paliwanag ni Dr. Ramos.

 

Sa mga unang buwan ng taon, nagpalabas ng direktiba si Mayor Lani Cayetano na magsagawa ng information campaign at malaking clean-up drive upang wasakin ang mga posibleng tirahan ng lamok na may dalang dengue, Chikungunya at Zika virus.

Masaya si Mayor Lani sa 15  porsyentong pagbaba ng kaso ng dengue sa Taguig pero hindi pa siya kuntento dahil sa dalawang kaso ng naireport na namatay ngayong taon.

 

“Natutuwa ako sa naging resulta dahil bumaba ang mga insidente ng dengue pati na rin ang pagbaha. Sinabihan ko na ang City Health Office; Liga ng mga barangay; CENRO; City Engineering Office; at Solid Waste Management Office na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa. Kahit bumaba na ang bilang ng kaso ng dengue, mayroon pa ring mga namatay. Kailangang may gawin tayo tungkol dito. Nais ko ring umapela sa aking mga nasasakupan na gawin ninyo ang inyong bahagi sa pamamagitan ng pagiging responsable at paglilinis ng inyong kapaligiran.”

 

Nagsimula na ang operasyon sa pagpapausok at pagpatay ng itlog ng lamok; at magpapatuloy ito hanggang sa ika-29 ng Nobyembre. Prayoridad ang mga paaralan at mga lugar na may mataas na bilang ng populasyon sa lungsod.

 

Gagawin sa ika-21 ng Nobyembre ang information drive tungkol sa Dengue Prevention and Control sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na nakadestino sa Taguig.###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854