Taguig City intensifies preparations for the New Year
Local government designates firecracker zones in barangays
Taguigeños can welcome the new year with less worries as the local government heightens its security and safety preparations.
The local Bureau of Fire Protection (BFP) continues to implement its “Oplan Paalala – Iwas Paputok” campaign, where five (5) fire trucks go around the city while playing a recording reminding the residents of the do’s and don’ts in welcoming the New Year. Oplan Paalala is an all-year round activity led by the BFP.
According to Taguig City Fire Marshal Supt. Flor-ian A. Guerrero, they have been boosting their information campaign drive since Dec. 16 to continue to remind Taguigeños about the safe celebration of the holidays.
“These fire trucks run on a daily basis and their first shift starts at 10 a.m. while the second shift starts at 4 p.m. At the same time, we also provide flyers to the residents,” he added.
The flyers contain reminders about buying products that bear marks that they passed safety inspection and quality standards.They also advise everyone to familiarize themselves with their own fire escape plan inside their homes.
Complementing these safety and security measures, the Taguig City Police Station has also been conducting symposia in all 28 barangays starting December 7.
The symposium is an information campaign for the prevention of crime and incidents. Participants include police officers, barangay leaders and other community members.
Led by Taguig City Police Station – Police Community Relations (PCR), the symposium also served as a venue for reminding the public about the penalties for individuals who manufacture, sell, distribute or use firecrackers and pyrotechnic devices in violation of the implementing rules and regulations of Republic Act No. 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices); and for individuals who will unlawfully discharge a firearm.
The authorities also warned everyone to veer away from using banned firecrackers like piccolo, super lolo, whistle bomb, atomic big trianggulo, goodbye earth, judas’ belt and watusi.
“Iwas Akyat-Bahay Safety Tips” and safety reminders when riding a cab were also discussed.
The City Government also imposed a total ban on the use of unauthorized firecrackers and limited the conduct of mere “community fireworks display” in designated areas of certain barangays, in compliance with Executive Order No. 28 series of 2017.
Seven of the 28 barangays in Taguig – Ibayo-Tipas, Maharlika, Central Bicutan, North Signal, Western Bicutan, Upper Bicutan and North Daang Hari — have implemented a total ban on unauthorized firecrackers while the rest have designated the following areas as their firecracker zones:
District 1
• Calzada – In front of Calzada barangay hall
• Palingon
– Pk 1 F. Dingguin Bayan Open Court
– Pk 2 Bantayan
• Ligid-Tipas
– Plaza Bonifacio
– Open space parking area near barangay hall
• Sta. Ana – Plaza Quezon
• Tuktukan
– Bagong Calzada in front of cemetery
– Vacant lot (Mabini Street)
• Bambang – Vacant lot near barangay hall
• Wawa – Open area beside barangay hall (vacant lot)
• San Miguel – Open space near barangay health center Bay Breeze
• Lower Bicutan – Lakeshore Hall parking area
• Bagumbayan – Paso Park and at the back of Cayetano Complex
• Hagonoy – Hagonoy Complex
• New Lower Bicutan – C6 Highway
• Ususan – Baseball Stadium
• Napindan – Samama (Dulo)
District 2
• South Daang Hari
– Hapay Half court P14
– Extension of P10 and P11 main road
– P13 near outpost
• Central Signal
– Zone 8 corner Ballecer Street in front of Em’s Elementary School
– Zone 9 corner Ballecer Street in front of Signal Village National High School
• Katuparan – Open space of Materials Recovery Facility (MRF)
• Fort Bonifacio – Bonifacio High Street
The EO said that because of firecracker-related injuries and deaths, “the promulgation of stricter national standards, rules and regulations is warranted.
Further, any community fireworks display should be “conducted under the supervision of a trained person duly licensed by the Philippine National Police.”
Taguigeños are also invited to join the New Year’s Eve countdown and celebrations at the Bonifacio High Street, Bonifacio Global City.
“We want to make these holiday celebrations peaceful, orderly and safe for all Taguigeños who will be spending quality time with their families, so rest assured that we will double our efforts in providing assistance to them, as well as go after anyone violating RA 7183 and EO 28,” Taguig City Mayor Lani Cayetano said.
In case of emergency, residents can reach the Taguig City Police Station at 642-3582 and Bureau of Fire Protection – Taguig at 837-0740, 837-4496, 812-4411, 0906-211-0919 and 0905-857-7710. ###
FILIPINO VERSION
Paghahanda ng Taguig City sa Bagong Taon pinaigting
Lokal na pamahalaan nagtalaga ng ‘firecraker zones’ sa mga barangay
Inaasahang magiging ligtas ang pagsalubong ng mga Taguigeño sa Bagong Taon sa pinaigting na seguridad at kaligtasang ipinapatupad ng lokal na pamahalaan sa buong lungsod.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Taguig, patuloy ang pagpapatupad ng “Oplan Paalala – Iwas Paputok” sa buong syudad kung saan may limang (5) fire trucks na lumilibot sa lungsod at nag-aanunsyo sa Public Address System ukol sa mga pwede at hindi pwedeng gawin sa pagsalubong ng Bagong Taon. Ang Oplan Paalala ay taunang actibidades na ipinapatupad ng pamahalaan sa pangunguna ng Taguig-BFP.
Ayon kay Taguig City Fire Marshal Supt. Flor-ian A. Guerrero, pinalakas at pinalawig pa nila ang information campaign drive na nagsimula pa noong Dec. 16 upang mapaalalahanan ang mga Taguigeño sa kaligtasan ng pagsalubong sa Bagong Taon.
“Ang mga truck ng bumbero ay araw-araw na umiikot sa Taguig simula 10 a.m. at ang pangalawang shift ay 4 p.m. upang sa gayon ay magpamigay na rin ng mga paalala sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Guerrero.
Kasama sa paalala ang pagbibigay ng mga pulyeto o flyers na naglalaman ng paalala sa ligtas na selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Tinatalakay din sa pulyeto ang pagbigay ng mensahe sa mga pamilya kung paano manatiling ligtas sa loob at labas ng kanilang bahay.
Kasama rin sa paalala ang patuloy na isinasagawang meeting ng Taguig City Police Station sa mga residente ng 28 na barangay, na nagsimula pa noong December 7, ukol sa mga kaligtasan at seguridad.
Ang meeting ng pulisya ay bahagi ng information campaign kung paano makaiwas sa mga sakuna, aksidente at pati na rin ang crime prevention.
Kasama na dumadalo sa mga meeting na ito ang mga police officers, barangay leaders at mga community member.
Ang symposium, na pinangunahan ng Taguig City Police Station – Police Community Relations (PCR), ay nagsilbi rin bilang paalala sa mga tao ukol sa mga parusa na makukuha sa pagbenta, pagbili, at paglaganap ng mga ipinagbabawal na paputok sa ilalim ng batas Republic Act No. 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices); kasama na ang bawal magpaputok ng baril o unlawfully discharge of firearm.
Pinaalalahanan din ng pamahalaan ang kababayan na iwasan ang pagsindi ng mga bawal na paputok kagaya ng piccolo, super lolo, whistle bomb, atomic big trianggulo, goodbye earth, judas’ belt at watusi.
“Iwas Akyat-Bahay Safety Tips” at ilang safety reminders din ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga kababayan na sasakay ng taxi sa panahon ng Pasko at Bagong Taon.
Ang lokal na pamahalaan ng Taguig ay nagpaalala rin na patuloy pa rin ang total ban sa mga unauthorized firecrackers kaya naman merong nakalaan na “community fireworks display” areas sa mga piling barangay, alinsunod sa pagpapatupad ng Executive Order 28 series of 2017.
Pito sa 28 na barangay ng Taguig – Ibayo-Tipas, Maharlika, Central Bicutan, North Signal, Western Bicutan, Upper Bicutan at North Daang Hari — ang patuloy na nagpapatupad ng total ban sa unauthorized firecrackers samantalang ang iba ay nagpatupad ng designated areas kung saan lamang pwede gumamit ng mga legal na firecracker.
Ang mga firecracker zones ay ang mga sumusunod:
District 1
• Calzada – In front of Calzada barangay hall
• Palingon
– Pk 1 F. Dingguin Bayan Open Court
– Pk 2 Bantayan
• Ligid-Tipas
– Plaza Bonifacio
– Open space parking area near barangay hall
• Sta. Ana – Plaza Quezon
• Tuktukan
– Bagong Calzada in front of cemetery
– Vacant lot (Mabini Street)
• Bambang – Vacant lot near barangay hall
• Wawa – Open area beside barangay hall (vacant lot)
• San Miguel – Open space near barangay health center Bay Breeze
• Lower Bicutan – Lakeshore Hall parking area
• Bagumbayan – Paso Park and at the back of Cayetano Complex
• Hagonoy – Hagonoy Complex
• New Lower Bicutan – C6 Highway
• Ususan – Baseball Stadium
• Napindan – Samama (Dulo)
District 2
• South Daang Hari
– Hapay Half court P14
– Extension of P10 and P11 main road
– P13 near outpost
• Central Signal
– Zone 8 corner Ballecer Street in front of Em’s Elementary School
– Zone 9 corner Ballecer Street in front of Signal Village National High School
• Katuparan – Open space of Materials Recovery Facility (MRF)
• Fort Bonifacio – Bonifacio High Street
Ang EO ay nagsasaad din ng pagsampa ng kaso sa mga mahuhuling lumabag dito kasama na ang mahuhuling may sala sa mga firecracker-related injuries and deaths.
Alinsunod pa nito, ang mga community fireworks display ay nararapat lamang na nasa ilalim ng supervision ng mga itinalagang tao na lisensyado o trained ng Philippine National Police.
Ang mga Taguigeño ay inaanyayahan din na lumahok sa New Year’s Eve countdown at celebrations sa Bonifacio High Street, Bonifacio Global City.
“Nais natin na ang ating holiday celebration ay maging ligtas, maayos at mapayapa para sa lahat ng Taguigeño upang maging masaya ang ating panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon kasama ang ating pamilya at ibang mahal sa buhay. Kaya naman ang pamahalaan ay patuloy na magpapatupad ng batas, partikular na ang RA 7183 at EO 28,” ayon pa kay Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Sa mga emergency at sumbong, pwedeng tumawag sa Taguig City Police Station sa numerong 642-3582 at Bureau of Fire Protection – Taguig sa numerong 837-0740, 837-4496, 812-4411, 0906-211-0919 at 0905-857-7710. ###