Cat-loving probinsyudad offers free services for ‘muning’
Need to have your cats spayed or neutered? No worries, Taguig City has got you covered!
Taguig cat owners like you can avail of the City Veterinary Office’s (CVO) free services aimed at fighting rabies, controlling their population and ensuring a safe neighborhood.
“We included spaying and neutering in our program against rabies because one of the ways in eliminating rabies in our city is to control the population of our pets,” City Veterinary Office (CVO) officer-in-charge Dr. Alexis Siblag said.
According to Dr. Siblag, neutering takes only 3-5 minutes, and spaying only between 8 and 10 minutes.
Residents who avail of the program are also given long-lasting injectable antibiotics and pain relievers for their cats — also free of charge.
Interested Taguigeños are welcome to visit the CVO at the city’s Model House on Cayetano Boulevard in Barangay Ususan.
You will only need to register and submit some requirements, including a barangay residency or voter’s ID proving you are a bona fide resident of Taguig City.
As soon as your documents are proven accurate and complete, personnel from the CVO will contact you to schedule the operation.
According to Dr. Siblag, they get to accommodate an average of 10 pets per day on weekdays, which is when the CVO is open.
The City of Taguig is encouraging its residents to take advantage of the free spaying and neutering services instead of going to a private clinic where the same services may cost them up to P5,000.
As of October 2018, 180 female cats had been spayed and 124 male cats had been neutered, a significant increase from the 207 such operations in 2017.
The free spaying and neutering programs are only two of many the city has been implementing for the benefit of Taguig pet lovers.
The CVO also conducts the annual Taguig City Anti-Rabies Drive (TCARD) program, which involves veterinarians conducting house-to-house visits throughout the city to administer vaccines on pets. A whopping 17,295 cats have already been vaccinated under the program.
There’s also the adopt-a-cat program for residents who wish to provide a home for rescued cats currently housed at the Taguig City Pound.
Residents who are bitten by rabies-exposed animals can also avail of free treatment and vaccination in the city’s five Animal Bite Treatment Centers (ABTC) in barangays Ibayo-Tipas, Old Lower Bicutan, Pinagsama, Upper Bicutan and North Signal.
“Here in Taguig, we don’t just treat ‘muning’ as our pets but also as members of our family and community. We continue doing our best to provide every Taguigeño a safe interaction with their pets by providing services geared towards a pet-friendly probinsiyudad,” Taguig City Mayor Lani Cayetano noted.
FILIPINO VERSION
Libreng serbisyo para kay ‘muning’ dito lamang sa probinsyudad ng Taguig
Kelangan niyo ba ng libreng kapon o patali sa mga alagang pusa? ‘Wag nang lumayo dahil dito sa Taguig City, kumpleto ang ganitong klaseng serbisyo.
Dito sa tinaguriang probinsyudad, mahal ng lungsod ng Taguig ang mga alaga ninyong pusa kaya naman ang City Veterinary Office (CVO) ay nagbibigay ng libreng pakapon at patali upang masiguro ang hindi inaasahang pagdami ng mga pusa sa kalye at maiwasan na rin ang banta ng rabies.
“We included spaying and neutering in our program against rabies because one of the ways in eliminating rabies in our city is to control the population of our pets,” wika ni City Veterinary Office (CVO) officer-in-charge Dr. Alexis Siblag.
Ayon pa kay Dr. Siblag, ang pagkakapon sa mga lalaking pusa ay ginagawa ng hanggang 3-5 minuto lamang habang ang pagtatali naman sa mga babaeng pusa ay umaabot sa 8 hanggang 10 minuto.
Ang bawat residente na maga-avail ng ganitong programa ay bibigyan din ng long-lasting injectable antibiotics ay pain relievers para sa kanilang pusa, libre at wala na kahit anong bayad.
Ang mga interesadong Taguigeño ay pwedeng bumisita sa CVO sa Model House na matatagpuan sa Cayetano Boulevard, Barangay Ususan.
Kailangan niyo lamang na magpa-rehistro at mag-sumite ng kaukulang requirements, kasama na ang barangay residency o voter’s ID bilang patunay na kayo ay residente ng Taguig City.
Kung kumpleto at papasa ang mga dokumentong ipinasa ninyo ay tatawagan kayo ng mga tauhan ng CVO upang mai-schedule na ang operasyon.
SInabi pa ni Dr. Siblag, kaya ng CVO na tumanggap ng average na 10 alagang hayop kada araw mula Lunes hanggang Biyernes, kung kelan bukas ang opisina ng CVO.
Hinihinkayat naman ng Taguig City ang mga residente na samantalahin na libreng pakapon at patali ng pamahalaang lungsod sa halip na magpunta pa kayo sa pribadong pet clinic kung saan aabot ang ganitong klase ng serbisyo sa halagang P5,000.
Sa pinakabagong bilang ngayong October 2018, umabot na sa 180 babaeng pusa ang natali na habang nasa 124 lalaking pusa naman ang nakapon na. Tumaas ang bilang na ito ng mahigit mula sa 207 noong 2017.
Ang libreng kapon at tali ay dalawa lamang sa mga programang itinataguyod at pinapalawig ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa kapakanan ng mga pet lover.
Nagsasagawa rin ang CVO ng taunang Taguig City Anti-Rabies Drive (TCARD) program, kung saan ang mga veterinarian ay nagpapatupad ng house-to-house visits sa buong Taguig at nagbibigay ng bakuna sa mga alagang hayop. Umabot na sa mahigit 17,295 na pusa ang nabakunahan na sa ilalim ng programa.
Meron din ang lungsod na adopt-a-cat program para sa mga residente na nagnanais na mag-ampon ng mga pusa na nakatira ngayon sa Taguig City Pound.
Ang mga residente naman na nakagat ng mga hayop na may rabies ay meron ding libreng gamot at serbisyo medikal sa limang Animal Bite Treatment Centers (ABTC) na matatagpuan sa barangays Ibayo-Tipas, Old Lower Bicutan, Pinagsama, Upper Bicutan at North Signal.
“Here in Taguig, we don’t just treat ‘muning’ as our pets but also as members of our family and community. We continue doing our best to provide every Taguigeño a safe interaction with their pets by providing services geared towards a pet-friendly probinsiyudad,” wika pa ni Taguig City Mayor Lani Cayetano. ###