DFA’s ‘Passport on Wheels’ rolling to Taguig
1,800 residents to apply for and renew passports
After going to 12 cities, 8 municipalities and serving more than 25,000 passport applicants all around the country, the Department of Foreign Affairs’ (DFA) Passport on Wheels (POW) is coming to Taguig on March 10, Saturday.
Under the program done in partnership with the Taguig City Civil Registry Office, DFA personnel will personally come to the city to assist its residents in securing appointment slots, and in processing their passports.
The POW will be conducted at the Lakeshore Hall in Barangay Lower Bicutan on Saturday.
“We are aware of the high demand of online passport appointments, that’s why we think that the Passport on Wheels will surely bring convenience to the residents,” Taguig City Civil Registry Office officer-in-charge Cynthia Ignacio explained.
She noted that the DFA has four POW vehicles which can process 500 passports each. According to Ignacio, the POW in Taguig will cater to 1,800 residents who earlier filed their requirements with the city’s Civil Registry Office during the application period that ran from January 23 to February 23, 2018.
The final approval of these pre-registered applicants will be done by DFA personnel on March 10. Once approved, the data capture process — picture taking, biometrics, and signing — of the applicant will take place. The applicant’s passport will then be delivered straight to their houses.
While waiting for their turn, applicants will be offered free snacks, refreshments and medical services to ensure their comfort and safety.
“We are very happy to have this opportunity from the Department of Foreign Affairs because it allows the community to experience a breezy procedure in processing their passports. In return, the city will continue to do its part in assisting and making this activity a success,” Ignacio added.
The POW is a continuation of the city’s annual Mobile Passport Services which catered to Taguigeños since 2011. Apart from this, the CRO organizes mass weddings, provides free birth registration services, and even issues, for free, certified true copies of birth certificates. ###
FILIPINO VERSION
‘Passport on Wheels’ ng DFA aarangkada sa Taguig
Mahigit 1,800 residente nakatakdang mag-apply at mag-renew ng passports
Matapos bumisita sa 12 lungsod, 8 munisipalidad at nagbigay serbisyo sa mahigit 25,000 aplikante para sa passport sa buong bansa, ang Passport on Wheels ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay nakatakdang magtungo sa Taguig sa Marso 10, Sabado.
Sa ilalim ng programa na pinagtulungang ipatupad ng Taguig City Civil Registry Office, ang mga kawani ng DFA ay personal na darating sa Taguig para tulungang maproseso ang pagkuha ng appointment slots, maging ang pag-renew ng kanilang passport.
Ang POW ay gaganapin sa Lakeshore Hall sa Barangay Lower Bicutan nitong darating na Sabado.
“Nadarama namin ang mataas na pangangailangan ng aming mga residente sa pagkuha o pagrenew ng pasaporte. Kaya naman ang Passport on Wheels ay siguradong makakatulong sa maginhawang pagkuha ng passport,” wika ni Taguig City Civil Registry Office officer-in-charge Cynthia Ignacio.
Dagdag pa ni Ignacio na ang DFA ay may apat na POW vehicles na kayang magproseso ng 500 passports kada isang sasakyan.
Ayon pa kay Ignacio, ang POW sa Taguig ay magbibigay-tulong sa 1,800 residente na nagsumite ng kanilang requirements sa Taguig City Civil Registry Office sa nagdaang application period noong January 23 hanggang February 23, 2018.
Ang pag-apruba sa mga pre-registered applicants ay gagawin ng DFA personnel sa Marso 10. Kapag naapruba na, ang data capture process kagaya ng picture taking, biometrics, at signing ng aplikante ay gagawin na rin. Ang passport ng mga aplikante ay ipapadala mismo sa kani-kanilang bahay.
Ang mga nag-aantay na mga aplikante ay makakakuha naman ng libreng meryenda at inumin pati na rin ang libreng medical services para masiguro ang kanilang maayos na kalagayan at kaligtasan.
“Masaya po kami na magkaroon ng ganitong pagkakataon na ibinigay sa amin ng Department of Foreign Affairs para sa mabilis na pagproseso ng pasaporte ng aming mga kababayan. Sa pagtanaw ng utang na loob, sisiguruhin ng pamahalaan ng Taguig na ang event na ito ay magiging ligtas at matagumpay,” saad pa ni Ignacio.
Ang POW ay patuloy lamang ng taunang Mobile Passport Services para sa mga Taguigeños simula pa noong 2011. Sa kabila nito, ang CRO ay nag-oorganisa rin ng mass weddings, nagbibigay ng free birth registration services, at mga pagbigay ng kopya ng birth certificates. ###