Free Concert in Taguig a Hit!
AIZA SEGUERRA, PAOLO SANTOS, LUKE MEJARES TOP BILL IN “GIG SA TAGUIG”
Hundreds of Taguig residents on Tuesday night trooped to the “Gig Sa Taguig 2012”, a free simultaneous concerts held in two districts of the city, to witness the performances of some of the country’s top caliber singers.
The simultaneous concerts, which were both free for all Taguig residents, are among the many gifts of Mayor Lani Cayetano to the city residents as part of this year’s celebration of the 425th Foundation Anniversary of Taguig.
Among the top performers in these concerts were Aiza Seguerra, Paolo Santos, and Luke Mejares.
The Gig for residents of District 1 was held at the vacant lot beside the Barangay Hall of Lower Bicutan, while the concert for the District 2 was held inside the campus of Technological University of the Philippines (TUP).
The concerts, which kicked off around 6:00 in the evening, also featured Taguig-based music bands such as “Freeway Band” and “6 or 7.”
Aside from Aiza, Paolo, and Luke, other top-notch musical talents performed in the concert, such as Frenchie Dy, the ‘ultimate champion’ of Star in a Million singing contest of giant network ABS-CBN. Dy is also known as the “Big Time Belter” of the Philippines.
‘Gig sa Taguig’ is not just a night of Filipino music performers as it included the performance from the “XB Gen San Dancers,” the grand champion in ABS-CBN’s “Showtime.”
Among those who played a key role in helping Mayor Lani to stage the twin concerts include Zaida Ignacio, head of the City Tourism and Trade Office, as well as Brgy. Lower Bicutan Chairman Ricardo “Ading” Cruz Jr., Brgy. Western Bicutan Chairman Nicky Supan, and Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Ricardo “Goma” Cruz III.
Meanwhile, Public Information Office chief Atty. Darwin Icay said Mayor Lani also sponsored another free concert last night, April 25, this time for the city hall officials and employees, public school principals and teachers, and barangay staff.
The concert, which started around 7:00 p.m. at EMS Signal Village Elementary School, featured the Hotdog band of the 70’s and 80’s.
Also invited for the Hotdog concert are staff and members of the Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) and other national agencies who have been helping the Cayetano administration in its public service for the people of Taguig.
Atty. Icay also said that during the concerts, Mayor Lani gave recognition to all volunteer doctors from the private sector who took part in the city government’s “Operation Bukol,” recently.
TAGALOG VERSION
Concert Patok sa Taguigeno!
AIZA SEGUERRA, PAOLO SANTOS, LUKE MEJARES AT IBA, HUMATAW SA ‘GIG SA TAGUIG”
PATOK na patok sa mga Taguigueno ang “Gig sa Taguig 2012”, o sabayang libreng concert na ginanap sa dalawang distrito ng lungsod noong Martes ng gabi.
Ang “Gig sa Taguig 2012” ay kabilang sa mga handog ni Mayor Lani Cayetano sa kanyang mga kababayan kaugnay sa pagdiriwang ng ika-425 Foundation Anniversary ng Taguig.
Kabilang sa mga nagpasaya sa mga residente ng lungsod ang paghataw ng mga de-kalibreng performers katulad nina Aiza Seguerra, Paolo Santos, Luke Mejares at iba pang sikat na mang-aawit na nagtanghal sa “Gig Sa Taguig 2012”.
Para sa mga residente ng District 1 ginanap ang concert sa malawak na lote sa tabi ng barangay hall ng Lower Bicutan, samantalang sa school campus naman ng Technological University of the Philippines (TUP) ginawa ang concert para sa mga taga-District 2.
Ganap na alas-6:00 ng gabi sinimulan ang sabayang ‘free for all concert’ kung saan itinampok din ang Taguig-based music groups na “Freeway Band” at “6 or 7”.
Bukod kina Aiza, Paolo, at Luke, kabilang din sa hanay ng nagbigay kasiyahan sa mga Taguigeno si Frenchie Dy, ang hinirang na ‘ultimate champion’ ng Star in a Million singing contest ng giant network ABS-CBN at tinaguriang “Big Time Belter” ng Pilipinas.
Hindi lamang gabi ng musika kundi todo kasiyahan ang hatid ng “Gig sa Taguig,” na handog ni Mayor Lani Cayetano para sa mga Taguigeno dahil nagpamalas din ng kanilang galing ang grupong “XB Gen San Dancers” na naging Grand Champion sa programang Show Time.
Katuwang ni Mayor Lani para maisakatuparan ang libreng concert project na ito ang City Tourism and Trade Office, na pinamumunuan ni Zaida Ignacio; at maging sina Brgy. Lower Bicutan Chairman Ricardo “Ading” Cruz Jr.; Brgy. Western Bicutan Chairman Nicky Supan;, Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Ricardo “Goma” Cruz III at maraming iba pa.
Samantala, nabatid kay Atty. Darwin Icay, chief ng Public Information Office (PIO), na nagkaloob din ng hiwalay na libreng concert si Mayor Lani para sa city hall officials at employees, principals at mga guro sa lahat ng pampublikong eskuwelahan, gayundin sa mga opisyal at kawani ng mga barangay sa lungsod.
Sa EMS Signal Village Elementary School ang lugar ng concert na ginanap simula alas-7:00 kagabi (Abril 25) kung saan tampok ang grupong Hotdog na namayagpag sa kasikatan noong dekada 70 at 80.
Ilang banda mula sa Taguig ang nagsilbing ‘front act’ sa Hotdog concert, kung saan imbitado rin ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba pang national agencies, na katuwang ng administrasyon ni Mayor Cayetano sa pagsisilbi sa mga Taguigeno.
Dagdag ni Atty. Icay, bahagi ng programang ito ang personal na pagkakaloob ni Mayor Lani ng pagkilala sa mga ‘volunteer doctor’ mula sa private sector na nakibahagi sa “Operation Bukol,” na isinagawa sa Taguig kamakailan.