Kampeon ng Wika 2015 Award
Pinarangalan ng Komisyon sa Wikang Filipino si Mayor Lani Cayetano ng Taguig bilang Kampeon ng Wika 2015.
Napili ng Komisyon sa Wikang Filipino na gawaran ng pagkilala si Mayor Lani dahil ang Taguig ang kauna-unahang lokal na pamahalaan na tumalima sa itinatadhana ng saligang batas na gamitin ang wikang Filipino bilang wika sa mga transaksiyon sa gobyerno.
Iginawad kay Mayor Lani ang parangal nuong Agosto 3, kasabay sa Pagtataas ng Watawat sa Taguig City Hall na sinaksihan ng National Artist na si Virgilio Almario, Vice Mayor Ricardo Cruz Jr., mga konsehal ng lungsod, mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni city administrator Atty. Jose Luis Montales, at mga kawani ng pamahalaang lungsod.
Nuong ika-27 ng Hulyo ay pinagtibay ng konseho ng Lungsod ng Taguig ang isang resolusyon na humihikayat sa lahat ng tanggapan na nasa pamamahala ng lungsod ng at lahat ng mamamayan ng lungsod na gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksiyon at korespondensiya.