Lungsod ng Taguig sinimulan na ang pamamahagi ng Emergency Relief Assistance mula sa Pamahalaang Nasyonal Inbox


 

Sisimulan ngayong araw ng Pamahalaang Lungsod ang pamamahagi ng emergency relief assistance mula sa Pamahalaang Nasyonal. Narito ang mga dapat tandaan:

 

  1. Ang distribusyon ng emergency relief assistance ay batay sa nakatakdang prayoridad ng Joint Memorandum Circular No. 1 ng DSWD, DILG, at DND. Ayon sa kautusan mauuna ang:

 

a.) Beneficiaries ng Social Amelioration Program sa ilalim ng

Bayanihan Act 1 at karagdagang beneficiaries ng emergency

subsidy batay sa Section 4, (f) 3 ng Bayanihan Act 2;

 

b.) SAP wait-listed beneficiaries;

 

c.) Mga kabilang sa vulnerable groups kagaya ng mga

low-income individuals na walang kasama, PWDs, solo

parents at iba pa;

 

d.) Iba pang indibidwal na apektado ng ECQ na matutukoy ng

LGU kung meron pang natitirang pondo.

 

  1. Alinsunod sa direktiba ng pamahalaang nasyonal, ang emergency assistance ay nagkakahalaga ng P1,000 bawat tao ngunit hindi lalagpas sa P4,000 bawat pamilya na may apat na miyembro pataas.

 

  1. Ipapaskil sa inyong barangay website, barangay social media page at barangay hall ang listahan ng mga kwalipikadong benipisyaryo ng emergency relief assistance. Muli, uunahin ang SAP-registered recipients.

 

  1. May nakatakdang iskedyul ang inyong pagkuha ng emergency relief assistance. Kung maaari ay sundin ang inyong nakatakdang schedule at oras. Magdala ng ID bilang katibayan ng inyong pagkakakilanlan.

 

  1. Panatilihin ang minimum health standards: Magsuot ng face mask at face shield at alalahaning mag social distancing.

 

Narito ang nakatakdang schedule ng distribusyon ng ayuda sa mga SAP beneficiaries. Ang listahan ay ipapaskil ng inyong barangay bago ang takdang araw ng distribusyon:

 

April 7

-Brgy Ligid-Tipas – Tipas Elementary School Main

-Brgy. North Daang Hari  – Upper Bicutan Elementary School

 

April 8

– Tuktukan – Taguig Integrated School

– Fort Bonifacio – Gat Andres Bonifacio Elementary School

 

April 10

–  Ususan – Ususan Elementary School

– Bambang – Taguig Integrated School

– Katuparan – Diosdado Macapagal High School

– South Signal – Signal Village National High School

 

April 11

– Wawa – Taguig Integrated School

– Tanyag – Bagong Tanyag Integrated School

– Calzada – Tipas Elementary School (Main)

– Central Bicutan – Upper Bicutan Elementary School

 

April 12

– Bagumbayan – CP Sta. Teresa Elementary School

– Sta. Ana – Taguig Integrated School

– Central Signal – Signal Village National High School

– Upper Bicutan – Upper Bicutan Elementary School

 

April 13

– Lower Bicutan – RP Cruz Elementary School

– Palingon – Tipas Elementary School

– North Signal – Signal Village National High School

– Maharlika – Silangan Elementary School

 

April 14

– Napindan – Napindan Integrated School

– Hagonoy – CP Tinga Elementary School

– Pinagsama – Kapt. Eddie Reyes Integrated School

– South Daang Hari – Bagong Tanyag Elementary School (Annex A)

 

April 15

– Ibayo – Tipas Elementary School

– New Lower Bicutan – RP Cruz Elementary School

– Western Bicutan – Tenement Elementary School

– San Miguel – EC Santos Elementary School

 

Antabayanan ang mga susunod na anunsiyo patungkol sa mga susunod na iskedyul ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

 

https://web.facebook.com/taguigcity/posts/4309988969033560

 


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854