Mayor Lani laudes drug buy-bust operation in Taguig


Taguig City Mayor Lani Cayetano lauded the successful drug buy-bust operations conducted by the Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (PNP-AIDSOFT) in a parking area of a mall in Taguig recently.

Mayor Lani said that it was a major accomplishment for the PNP-AIDSOFT seizing and preventing the sale of 2 kilos first grade cocaine. She added that the same can be considered a great achievement for both the PNP and her administration’s anti-illegal drugs campaign.

“This anti-illegal drug operation of AIDSOFT has definitely saved so many innocent lives. We, in Taguig have waged an all out war against illegal drugs thus, we are in full support of Taguig City police’s anti drug drive and likewise the Philippine Drug Enforcement Agency’s (PDEA) mandate of combating the sale of dangerous drugs in order to achieve a drug-free Philippines,” the 29-year old Taguig City Chief Executive said.

To strengthen Taguig City’s anti-illegal drug drive, the Cayetano administration paved the way for the rebirth of Taguig Anti-Drug Abuse Council (TADAC) with 3.5 million pesos funding. The City government likewise earmarked 10 million pesos for the construction of a rehabilitation center for drug dependents.

“We wanted to give another chance and hope for a new life to drug users and dependents that’s why it is our primary concern to build our own rehabilitation center. Instead of condemning them, the City government of Taguig shall provide them with a place wherein they can truly reform themselves and emerge as a better person anew,” Mayor Lani added.

Mayor Lani is particularly known for being a staunch supporter of the PNP in its anti-crime campaigns. She was a recipient of the PNP Special Award for Local Executive for the Best of the Best Practices Program on the 16th Police Community Relations Month. The award was given in recognition of the Lady Executive’s huge support to the PNP, specifically the Taguig Police Force who received 13 brand new pick-up trucks worth 12 million pesos from the Cayetano administration upon assumption of office.

According to Mayor Cayetano’s spokesman Atty. Darwin Icay, the Cayetano administration is seriously taking its campaign against illegal and dangerous drugs mainly because the lady executive truly understand and is very much aware of its bad and negative effects not only to the drug users and their respective families but to the community as well.

Mayor Cayetano assured the PNP of full cooperation from Taguig City government in order to win its war against illegal drugs.

FILIPINO VERSION:

Pinapurihan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang matagumpay na drug buy bust operation na inIlunsad ng Philippine National Police Anti Ilegal Drugs Special Operation Task Force (PNP-AIDSOTF) sa parking area ng isang mall sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay Mayor Cayetano, isang malaking achievement ito ng PNP-AIDSOTF lalo’t 2-kilo ng first grade cocaine ang nakumpiska nito at napigilang maibenta sa kalsada. Para sa alkalde ay isa itong tagumpay para sa all out war sa droga ng PNP at maging ng kanyang administrasyon.

“Marami ang naisalba ng operasyong ito ng AIDSOTF dahil sa dami ng cocaine na nakupimska ay maraming buhay at kinabukasan ang nailayo sa panganib. Kami sa Taguig ay galit sa droga kaya’t ganun na lamang ang aming suporta sa Taguig Police at maging sa Philippine Drug
Enforcement agency (PDEA) sa tungkulin ng mga itong mapahinto ang pagbe-benta ng bawal na gamot, ” pahayag ng 29-anyos na alkalde.

Sa ilalim ng Cayetano Administration ay binuhay ang Taguig Anti-Drug Abuse Council (TADAC) na pinondohan ng P3.5 milyon. Bukod dito ay naglaan din ang city government ng P10 milyon para sa pagtatayo ng rehabilitation center ng mga drug dependent.

“Bibigyan natin ng pag-asa ang mga drug addict na makapagbagong-buhay. Kailangan nila ng isang lugar na magpapaunawa sa kanila na hindi droga ang sagot sa kanilang problema. Ipararamdam natin sa kanila na ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay tutulong sa kanilang pagbangon at pagbabago,” giit ni Mayor Cayetano.

Kilala si Mayor Cayetano bilang isang masugid na katuwang ng PNP sa paglaban nito sa krimen. Kamakailan lamang, ginawaran ito ng PNP ng Special Award for Local Executive para sa Best of the Best Practices Program sa 16th Police Community Relations Month. Ang parangal ay bilang pagkilala sa napakalaking suportang naipagkaloob ng alkalde sa PNP, partikular sa Taguig Police na sa pagkaupong-pagkaupo pa lamang sa puwesto ay nabiyayaan kaagad ng 13 brand new pick-up trucks na nagkakahalaga ng P12 milyon. Ayon naman sa tagapagsalita ni Mayor Cayetano na si Atty. Darwin Icay, seryoso ang Cayetano administration sa paglaban nito sa droga dahil nauunawaan ng alkalde na ang droga ay sumisira sa isang komunidad. Nag-uumpisang sinisira ng droga ang indibidwal, matapos nito ay ang kanyang pamilya at pagkatapos ay ang komunidad.

Kasabay nito, tiniyak ni Mayor Cayetano na makakaasa ang PNP sa kooperasyon ng Taguig City Government upang lalong magtagumpay ang kanilang all out war laban sa ipinagbabawal na gamot.


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854