Mayor Lino Cayetano lauds PDEA for arrest of 4 drug suspects
Taguig is a safe city
Taguig Mayor Lino Cayetano lauded the Philippine Drug Enforcement Agency following its successful arrest of four notorious drug suspects in the city.
Authorities said the suspects were nabbed in front of the CP Sta. Teresa Elementary School on Wednesday without any shots fired nor casualties. Students were kept safe owing to the alert reaction of the PDEA agents as well as the blue guards and members of the Taguig Public Order and Safety Office.
The incident report revealed that PDEA agents arrested a woman and three men involved in a drug trafficking following a brief chase in Bagumbayan, Taguig around noon on Wednesday.
The four suspects were reportedly on board a Honda CRV during the chase with PDEA agents when the woman suspect alighted the vehicle near the school to elude arrest.
PDEA agents drew their firearms and ran after the woman suspect, getting the attention of students going out of the school gate. The authorities with the help of the school guards and POSO members quickly herded the students back inside the school and immediately closed the gate, securing the school as well as the students and faculty.
The three other suspects were cornered in front of the fire station.
The arrest operation was conducted without anyone getting hurt.
Taguig Mayor Lino Cayetano commended PDEA’s efforts in tracking down and arresting drug personalities in the city. He also recognized the POSO personnel and the guards for securing the students and the school.
The arrest of the suspects is in line with Mayor Lino’s thrust to further promote Taguig as a safe city.
“Taguig City is a safe city… We must also consistently improve public perception of the city as a safe place to live, work, and visit,” Mayor Lino said.
The newly-elected mayor said it is an everyday challenge to keep the city safe, which is his administration’s prime agenda in consonance with the flagship program of President Rodrigo Roa Duterte, which is peace and order.
He also pointed out that the safety of people in the city depends on multiple services, programs, projects, and activities through all the agencies working together under a singular purpose and a common objective, and purpose of building stakeholdership. ###
Filipino Version
Ligtas na siyudad ang Taguig
Pinuri ni Mayor Lino Cayetano ang PDEA sa pagkakahuli ng apat na suspek sa droga
Pinuri ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang Philippine Drug Enforcement Agency matapos ang matagumpay nitong pagkaaresto sa apat na notorius drug suspects sa lungsod.
Sinabi ng mga awtoridad na ang mga suspek ay nahuli sa harap ng CP Sta. Teresa Elementary School noong Miyerkules kung saan walang nagpaputok ng baril o nasawi sa engkwentro. Ligtas ang mga mag-aaral ng paaralan dahil na rin sa mabilis na pag-askyon ng mga ahente ng PDEA gayundin ang blue guards at miyembro ng Taguig Public Order and Safety Office.
Lumabas sa incident report na naaresto ng mga ahente ng PDEA ang isang babae at tatlong lalaki na sangkot sa isang drug trafficking matapos ang isang maiksing habulan sa Bagumbayan, Taguig bandang tanghali noong Miyerkules.
Napabalitang sakay ng isang Honda CRV ang apat na suspek habang nakikipaghabulan sa mga ahente ng PDEA nang bumaba sa sasakyan ang babaeng suspek malapit sa nasabing paaralan para makatakas.
Nakuha naman ang atensyon ng mga estudyanteng palabas ng gate ng paaralan nang inilabas ng PDEA ang kanilang mga armas habang hinahabol ang babaeng suspek. Sa tulong ng mga guwardya ng paaralan at mga miyembro ng POSO ay agad namang napabalik sa paaralan ang mga estudyante at naisara ang gate, kaya naging ligtas ang eskwelahan.
Ang tatlo pang suspek ay nakorner naman sa tapat ng himpilan ng mga bumbero.
Naisagawa ang arrest operation nang walang ibang nadamay at nasaktan.
Hinangaan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang pagsisikap ng PDEA sa paghahanap at paghuli sa mga personalidad na sangkot sa iligal na droga sa lungsod. Kinilala niya rin ang mga tauhan ng POSO at ang mga guwardya ng paaralan dahil sa kanilang pag-secure sa eskwelahan at sa mga mag-aaral.
Ang pagkahuli ng mga suspek ay alinsunod sa layunin ni Mayor Lino na kilalanin ang Taguig bilang isang ligtas na lungsod.
“Taguig City is a safe city… We must also consistently improve public perception of the city as a safe place to live, work, and visit,” saad ng alkalde.
Sinabi ng bagong halal na punong lungsod na araw-araw na hamon sa kanya ang mapanatiling ligtas ang lungsod, na siya namang pangunahing agenda ng kanyang administrasyon alinsunod sa programang pangkapayapaan at pangkaayusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Binigyang-diin rin niya na ang kaligtasan ng mga residente sa Taguig ay nakadepende sa mga serbisyo, programa, proyekto, at aktibidad na isinasagawa ng mga ahensyang nagtutulong-tulong at nagtatrabaho sa ilalim ng iisang layunin at parehong adhikain, at ang hangarin na makapagtayo ng stakeholdership. ###