Mayor Lino: ‘Katiwalian walang puwang sa Taguig’


Binigyang papuri ni Taguig Mayor Lino Cayetano ang pulisya sa pagsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkahuli sa umano’y tiwaling inspektor ng City Assessor’s Office.

 

Inihayag ito ng alkalde matapos madampot ang suspect na si John Paul Mabilin, 32, na huli sa akto ng pagtanggap ng lagay sa isang entrapment operation sa isang fastfood restaurant sa Barangay Ususan.

 

Ayon pa kay Mayor Lino, hindi binibigyang puwang ang mga tiwaling tao sa ano mang departamento sa pamahalaang lungsod ng Taguig.

 

Ayon sa ulat ng pulisya, kasama sa modus ni Mabilin ang pagpapa-lobo ng halaga ng buwis na sinisingil sa mga kliyente at magpapanggap umano ito na tutulong kunwari upang mapa-baba ang halagang babayaran.

 

“Masaya po tayo na nahuli ang mga ganitong tiwali sa lungsod. Isa itong paraan upang malinis natin ang mga departamento at maibalik natin ang tiwala ng tao,” wika pa ni Mayor Lino.

 

Dagdag pa ng alkalde na walang puwang sa Taguig ang katiwalian lalo pa at malaking bahagi ng kanyang 10-point agenda ang good governance o maayos na pamamahala sa Taguig. Binigyan din niya ng babala ang mga nagbabalak na gumawa ng kalokohan na haharap sa mabigat na parusa ng batas ang sino mang mahuhuli.

 

Sa kanyang unang araw ng opisina bilang mayor, inilabas ni Mayor Lino ang isang memorandum sa lahat ng opisyal at empleyado ng lungsod at ipinapaalala sa lahat na bawal at may kaukulang parusa ang sino mang gagawa ng katiwalian sa ilalim ng Republic Act No. 3019 o ang “Anti-Graft and Corrupt Practices Act.”

 

Iniatas din ni Mayor Lino ang mga kawani na isuplong sa Office of the City Mayor at sa Human Resource Management Office ang sino mang alam nila na gumagawa ng mg iligal na transaksyon sa lokal na pamahalaan.

 

Hinimok din ni Mayor Lino ang mga residente na i-report sa city hall ang lahat na makita nilang sangkot sa katiwalian.

 

“Makasisiguro po kayo na ang city government ay hindi pinahihintulutan ang mga iligal na aktibidades sa lungsod. Makatitiyak din po kayo na mananagot sa batas ang mga taong ito,” wika pa ni mayor. ###

 

English Version

Mayor Lino: ‘No place for corruption in Taguig’

 

Taguig Mayor Lino Cayetano on Friday lauded the police for their entrapment operation that resulted in the arrest of a corrupt inspector of the City Assessor’s Office.

 

The mayor issued the statement as he denounced the activity of John Paul Mabilin, who was arrested in the entrapment operation inside a fastfood establishment in Barangay Ususan.

 

Police said Mabilin’s modus consisted in bloating the tax amount to be paid by his client, after which he would offer to “help reduce” the amount.

 

“We are happy we conducted the operation. It’s a way of removing the few rotten eggs,” Mayor Lino said.

 

The mayor reiterated corruption has no place in Taguig noting that one of the major priorities of his administration’s 10-point agenda is good governance. Mayor Lino added that those who may be engaged in corrupt activities will surely face the full force of the law.

 

During his first day in office, Mayor Lino issued a memorandum to all officials and employees of the city reminding them of the prohibition against graft and corrupt practices as stated in Republic Act No. 3019 or the “Anti-Graft and Corrupt Practices Act.”

 

The mayor directed all personnel to inform the Office of the City Mayor or the Human Resource Management Office of any personnel conducting these kinds of activities.

 

Mayor Lino also urged residents to report to the city government anyone they believe to be engaged in corruption.

 

“Rest assured your city government will not tolerate any of these activities. They will be held accountable,” the mayor added. ###

 

 


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854