More 24/7 “Super Health Centers” soon to rise in Taguig City


In a bid to provide the best, the fastest, and the most efficient health services as possible to its citizens, the Taguig City government has set out to build three more of what it calls “Super Health Centers” in several strategic places in the city.

Taguig Mayor Lani Cayetano said these “Super Health Centers” will be open 24 hours a day, seven days a week and will provide free medical services to the people of Taguig.

“I believe that keeping our constituents healthy enables them to be more productive and as a result, allows them to enjoy a better quality life,” Mayor Lani said.

As of present, an operational one-story Super Health Center now stands in Barangay Ligid-Tipas and is run by a medical team composed of one doctor, a nurse, a midwife and two trained barangay health workers.

Another four-story Super Health Center has been completed in North Signal Village and is set to be inaugurated on the founding anniversary of Taguig on April 20.

Three more of these Super Health Centers are set to be built this year, to rise in Barangay Central Bicutan, North Daanghari and San Miguel, which are among the most populous barangays in the city.

Mayor Lani  said the project intends to decongest the Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) by focusing its services to primary health cases or those that are low-risk, less serious or uncomplicated cases, thereby leaving the city hospital free to concentrate on the more serious and complicated ones.

Mayor Lani said the Super Health Centers will offer the same services, although on a more limited scale, as any regular hospital thus leading authorities to call them “mini hospitals.”

Aside from being accessible to all needy patients 24-hours, 7-days  a week, the mini hospitals will be equipped with the most basic facilities and provide free laboratory, dental, breastfeeding, as well as birthing or child delivery and ambulance services, just like an ordinary hospital.

The Super Health Centers will provide the most it can for all residents of Taguig without resorting to any discount card similar to one distributed by the past administration just so they could avail of free medical attention.

Mayor Lani added that the services offered by the Super Health Centers will be felt more by working mothers or parents who have day jobs and are usually home by nightfall.

The Super Health Center has now three groups working on a daily rotation basis for rest and to enable them to deliver better service to the patients.

Quality healthcare is one of the priorities of Mayor Lani’s administration and is the main reason for the implementations of similar programs like medicine and wheelchairs distribution; Operation Alis Bukol; and the doctors-on-call program, free-immunization for pregnant mothers, anti-measles vaccine for children, anti-pneumonia vaccine for elderly, among others.

 

FILIPINO VERSION:

Para pagkalooban ng libre, mabilis at episyenteng serbisyong medikal ang mga matataong barangay ay dadagdagan pa ng tatlong “Super Health Center” sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Taguig.

Ang mga Super Health Centers na ito ay maghahatid ng serbisyong medical sa mga residente ng Taguig 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang lingo o 24/7 na serbisyo.

Sa kasalukuyan, mayron nang isang palapag na Super Health Center na nakatayo sa Barangay Ligid-Tipas at pinapatakbo ng isang medical team na binubuo ng isang doktor, isang nars, isang komadrona at dalawang barangay health worker.

Isa pang Super Health Center na may apat na palapag ang nakumpleto na at naitayo ang bubuksan at pasisinayahan sa North Signal Village sa anibersaryo ng Taguig sa April 20.

Ang tatlo pang mga susunod na Super Health Center, na pinondohan ng P5-milyon bawa’t isa, ay magkakaroon ng apat na palapag kagaya ng katatapos na building sa North Signal at itatayo sa taong ito sa Barangay Central Bicutan, North Daanghari, at San Miguel upang ibayong mapaglingkuran ang mga residente ng Taguig.

Ang proyektong ito ng administrasyong Cayetano ay naglalayong i-decongest ang Taguig Pateros District Hospital (TPDH).

Ang mga super health center ay mangangalaga sa mga kasong medikal na di-kabigatan (less severe and uncomplicated cases) upang di magsikip sa ospital ng Taguig at mapabayaan ang mga pasyente.

Ang mas kumplikado at kritikal na mga kaso ay tuluyan ng ipinauubaya sa TPDH.

Magsisilbi ang Super Health Center na maliit (mini) na ospital dahil bukod sa bukas ito 24-oras ay angkop din ang mga kagamitan at pasilidad nito para sa iba’t ibang pangangailangang medikal tulad ng laboratoryo, dental services, breastfeeding services, lying-in o panganganak at ambulansiya.

Libre ang serbisyong medikal para sa lahat ng residente ng Taguig at hindi na mangangailangan ng card tulad nang iniisyu noon ng dating administrasyon para makakuha ng serbisyo at atensiyong medikal.

Naniniwala si Mayor Lani Cayetano na ang mamamayang pinangangalagaan ang kalusugan ay magiging mas produktibo at magkakaroon ng mas mataas na antas ng pamumuhay.

Ang serbisyo ng mga super health center na bukas sa lahat ng Taguigeno 24-oras araw-araw (24/7) ay damang-dama lalo na ng mga magulang na nagtatrabaho o nag-oopisina sa umaga.

Bukas ang kanilang serbisyo 24/7 sa lahat, lalo na sa mga working mom na ginagabi na ng uwi pagkatapos ng maghapong trabaho.

Tatlong grupo ang naghahalinhinan sa isang araw para sa mas mabilis na serbisyo. Sila ay nakatutok sa outpatient primary health care services o mga di-mabigat na medical cases kagaya ng uncomplicated na panganganak o normal delivery.

Sila ay nakahanda rin para sa mga in-patient na mga low risk o less severe cases at mga emergency case bago ilipat sa ospital na may angkop na mga kagamitan o pasilidad.

Isa ring naipagkakaloob na serbisyo ng naturang health center ay ang gamutan para sa mga pasyenteng may tuberculosis dahil nagbibigay ito ng TB-DOTS (Directly-Observed Treatment Short-Course Chemotherapy).

Prayoridad ng administrasyon ni Mayor Lani ang kalusugan ng mga Taguigenos at ito ay ipinapakita sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba’t ibang programa tulad ng “Oplan Ligtas Buntis” kung saan may libreng bakuna sa 2,300 na buntis.

Nagkaroon din ng libreng bakuna laban sa H1N1 virus at human papilloma virus na sanhi ng cervical cancer.

Namigay din ng libreng wheelchair para sa mga nangangailangan ang pamahalaang local ng Taguig at nagkaroon din ng “Oplan Alis Bukol” at iba pang mga programang pangmedikal.


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854