More public school students to be transferred to private schools in Taguig


Another 1,000 high school students from the public school system will be benefiting from the Taguig Learner’s Certificate (TLC) Program, which allows them to transfer to private schools paid for by the city government of Taguig.

The TLC is considered an enhanced version of the Department of Education’s (DepEd) Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASPE), a national government program aimed at decongesting public schools by funding the transfer of students to private schools.

Like the first two years of its implementation, the TLC scholars will receive financial assistance amounting to P15,000 compared to P10,000 received by GASPE recipients.

Under the TLC program, P10,000 of the P15,000 will be used to pay for the student’s tuition fees while the remaining amount can be utilized either as allowance or  payment for books and school supplies.

“This is the third year that the city has been implementing the TLC, one of our important education programs here in Taguig. I am happy that under this program, our students are given quality education while we help in decongesting our public school system,” Mayor Lani Cayetano said.

To date, a total of 2,700 TLC scholars are studying in different private high schools in Taguig.

Under the TLC program, even private schools stand to benefit from the transfer of students from the public school system.

Education has always been the priority of the Cayetano administration since it came to power in 2010.

Aside from having a scholarship fund of P300 million, the city government under Mayor Lani has also made sure that education is free in the public school system.

Students in Taguig public schools enjoy free head-to-toe school uniforms, shoes and other school supplies.

 

FILIPINO VERSION:

Nadagdagan pa ng 1,000 ang slot para sa Taguig Learner’s Certificate (TLC) Program na itinuturing na pinagbuting bersyon ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASPE) ng Department of Education (DepEd).

Sa ilalim ng TLC, inililipat sa mga pribadong paaralan ang mga estudyante ng public school sa layuning maibsan ang problema sa pagsisiksikan sa mga eskuwelahan.

Tulad sa unang dalawang taon ng programa, ang TLC scholars ay makatatanggap ng P15,000 sa bawat taon kumpara sa P10,000 na natatanggap ng GASPE scholars.

Sa TLC, ang P10,000 ay mapupunta sa matrikula habang ang P5,000 ay sa allowance na magagamit pambili ng aklat at iba pang gamit pang-eskwela.

“Pangatlong taon na ito ng TLC na isa sa mahahalagang programang pang-edukasyon ng aking administrasyon. Ako’y natutuwa dahil nabibigyan nito ng mahusay at de-kalibreng edukasyon ang bawat bata sa Taguig kasabay ng pagresolba sa pagsisiksikan sa mga paaralan,” giit ni Mayor Lani Cayetano.

May 2,700 TLC scholars ngayon ang pamahalaang lungsod na nakakalat sa iba’t ibang private high school sa Taguig.

Hindi lamang mga estudyante ang nakikinabang sa TLC, pati na rin ang mga pribadong paaralan sa Taguig.

Sapul maluklok sa puwesto ay nagpatupad ng maraming reporma sa edukasyon si Mayor Lani.

Bukod sa taun-taong pagbibigay ng kumpletong uniporme, sapatos at gamit pang eskwela ay  pinakikinabangan na ngayon ng libu-libong Taguigueno ang P300 million Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship Program na nagbibigay ng oportunidad sa mga nais makatapos ng kolehiyo, tuluy-tuloy din ang pagpapatayo ng school building para masolusyunan ang pagsisiksikan ng mga estudyante sa mga paaralan.

Nagpatupad din ng Cyber Education Program gamit ang Computer-Assisted Learning (CAL) technology mula Singapore na magbibigay ng bentahe sa mga estudyante sa larangan ng information technology.


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854