Mutya ng Taguig 2011 candidates take it to the next level as coronation nears, winners to enter national and international pageants


The “Mutya ng Taguig,” which for over 40 years has been the most prestigious pageant for pretty and witty young women in the city, takes an exciting turn this week as all 27 candidates brace for what is expected to be a glittering coronation night on April 30.

Taguig Mayor Lani Cayetano, one of only two lady mayors in Metro Manila, sees the excitement surrounding Mutya ng Taguig 2011 reaching fever-pitch with the all the activities lined up for the young beauties going into the big event as one of the highlights of the 424th founding anniversary of the city.

Aside from the beauty pageant, city-wide activities such as dance contests, youth games, mass wedding and lake seeding are lined up for Taguig’s foundation week spectacle.

“We are anticipating a colorful and unforgettable grand coronation night for all Taguigeños to see. I congratulate all our candidates for making it this far and representing their respective barangays to the best of their abilities,” said the 29-year-old mayor.

The candidate who will win the crown as “Mutya ng Taguig International” will get the chance to represent the city in the “Miss Princess of the World 2011” competition in Czech Republic.  Other winners will join competitions including Bb. Pilipinas, Mutya, Ms. International, Ms. World, and Ms. Earth.

A huge motorcade featuring numerous floats, the candidates and Taguig officials led by Mayor Cayetano herself kicked off the hectic week last Monday, April 25.

The proud residents from different barangays in the city will get their chance to see their own Mutya representatives and wish them good luck.

Later on the same day, the candidates showed their wares in the pre-pageant show at the Market! Market! Mall in The Fort.

The pre-pageant will showcase the talent portion of the contest, as well as a “sample” of the sizzling hot swimsuit competition.

On Tuesday, April 26, the lucky candidates from all over Taguig will be pushed further into the limelight during their official press presentation.

The particular event, which is sure to test the Mutya contestants’ poise and charisma, will take place at 11 a.m. at Rosewood subdivision and will be witnessed by members of the media.

After that, the Mutya candidates dive into another glamour-filled activity with the “Balik Bayong” Fashion Show to be conducted at 5 p.m. Wednesday, April 27 within the Taguig City Hall grounds.

All of these lead to the Mutya ng Taguig 2011 Grand Coronation Night at the Technological University of the Philippines (TUP)-Taguig on Saturday, April 30.

Lawyer Darwin Icay, Mayor Cayetano’s spokesperson and a former city councilor, said that the current local administration strives hard to come up with activities that empower the women of Taguig, and holding the pageant is no exception.

“With the assumption of the new administration of Mayor Cayetano came a renewed vigor in empowering the women and the youth in general in its vital role in making Taguig the admirable city that it is,” Icay said. ###

FILIPINO VERSION:

Aandar na patungo sa “next level” ang kumpetisyon ng “Mutya ng Taguig” habang nalalapit ang kapana-panabik na grand coronation night para sa 27 na kandidata na sumali sa pinaka-prestiyosong patimpalak para sa magaganda at matatalinong mga dilag sa lungsod.

Inaasahan ni Taguig Mayor Lani Cayetano—isa sa dalawang babaeng mayor sa buong Metro Manila—na aapaw ang pananabik sa Mutya ng Taguig 2011 dahil na rin sa mga aktibidad na nakalinya para sa mga naggagandagang dilag bago ang “big event” na isa mga tampok ng lungsod para sa ika-424 founding anniversary nito.

Bukod sa beauty pageant na 40 taon nang idinaraos sa lungsod, nakakasa na rin ang mga paligsahan sa pagsayaw, palarong pambata, mass wedding at lake seeding na siyang lalong magbibigay buhay sa foundation week ng Taguig.

“Isang makulay at di makakalimutang grand coronation night ang masasaksihan ng lahat ng mga Taguigeño. Ngayon pa lang ay binabati ko na ang ating mga candidates sa kapuri-puri nilang pagdadala sa kani-kanilang mga barangay,” pahayag ng 29-taong gulang na mayor.

Ang kandidata na mag-uuwi ng korona bilang “Mutya ng Taguig International” ay bibigyang pagkakataon na dalhin ang pangalan ng lungsod sa “Miss Princess of the World 2011” competition sa Czech Republic. Ang iba pang mananalo ay ipapadala sa mga patimpalak tulad ng Bb. Pilipinas, Mutya, Ms. International, Ms. World, at Ms. Earth.

Nagsimula ang linggong ito sa pamamagitan ng isang engrandeng motorcade na kinatampukan ng maraming floats, mga kandidata at mga opisyal ng Taguig na pinangunahan ni Mayor Cayetano noong Lunes, Abril 25.

Dahil dito ay nabigyan ng pagkakataon ang mga residente sa iba’t ibang barangay sa lungsod na masilayan at mabigyang-swerte at kani-kanilang mga pambato.

Noong araw ding iyon ay nagpakitang gilas ang mga kandidata sa isang pre-pageant show sa Market! Market! Mall sa The Fort.

Sa naturang pre-pageant idinaos ang talent portion ng Mutya ng Taguig at dito rin nagbigay ng konting “sample” ang mga contestants para sa kanilang swimsuit competition.

Lalo pang naging sentro ng atensyon ang mga masuwerteng kababaihan kaninang  hapon, Martes, Abril 26, kung saan idinaos ang kanilang official press presentation.

Nagsimula ang nasabing aktibidad dakong alas-1 ng hapon sa Rosewood subdivision kung saan sinukat ng mga dumalong miyembro ng media ang “poise” at “charisma” ng mga contestants.

Matapos iyon ay susuong ang mga Mutya candidates sa “Balik Bayong” Fashion Show na gaganapin bukas, dakong alas-5 ng  hapon, Miyerkules, Abril 27 sa loob ng Taguig City Hall grounds.

Ang lahat ng ito ay pawang pampagana lamang para sa Mutya ng Taguig 2011 Grand Coronation night sa Technological University of the Philippines (TUP)-Taguig sa Sabado, Abril 30.

Ayon kay Atty. Darwin Icay, tagapagsalita ni Mayor Cayetano at dating konsehal ng lungsod, kasama ang pagdaraos ng beauty pageant sa layunin ng kasalukuyang lokal na administrasyon na lalo pang bigyang lakas ang mga kababaihan ng Taguig.

“Sa pag-upo ng bagong administrasyon ni Mayor Cayetano ay nabigyan ng prayoridad ang pagpapalakas sa mga kababaihan at pati na rin sa mga kabataan lalo sa kanilang papel na pag-ibayuhin ang kaaya-ayang imahe ng Taguig,” sinabi ni Icay.


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854