New fire truck to boost Taguig firefighting capabilities


The Taguig City government has recently acquired a world-class, top-of-the-line fire truck that is seen to boost the local fire department’s firefighting capabilities and greatly enhance its ability to respond to fire emergencies.
“This latest addition to our inventory of firefighting arsenal will certainly reinforce our preparedness not only in responding to fires, but also to other disasters. Most importantly, it will allow our citizens to feel safer as they take comfort in the fact that their local fire bureau is more ready and equipped,” said Mayor Lani Cayetano.
The new equipment, an Austrian-made Rosenbauer TLF 4000 fire truck, was turned over by the
Department of Interior and Local Government (DILG) last Wednesday to the city government of Taguig in a simple ceremony held at Camp Crame in Quezon City.
“Now we have five functioning fire trucks, complemented by a professional staff at the Bureau of Fire and Protection, as well as other state-of-the-art equipment,” Mayor Lani said.
She thanked DILG Secretary Mar Roxas for the prompt turnover of the fire truck, saying it was made in perfect timing as the city is set to celebrate Fire Prevention Month this March.
“Napakalaking tulong nito sa isang lungsod na katulad namin at nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa suporta ng DILG dahil sa inambag para sa Bureau of Fire and Protection (BFP),” Mayor Lani said.
The Rosenbauer TLF 4000 fire truck is especially built to respond to fire incidents in highly urbanized areas. It has the capacity to discharge 2,400 liters of water per minute. Its water cannon can push water to up to 62 meters horizontally and 24 meters vertically – equivalent to an eight-storey building.
It also has a powerful water cannon mounted on top plus two quick response hoses and two regular hoses–a total of five firefighting weapons that can be used simultaneously for faster and better fire control action.
Mayor Lani said she will continue to support the BFP by stepping up fire prevention programs and also keep the public aware on how to prevent fire, especially with the onset of summer.
The city government and local BFP under Fire Marshall Junito Maslang will engage the public in various activities dealing with issues on fire safety and prevention during the yearly observation of “Fire Prevention Month” this March.
TAGALOG VERSION:
Ang Taguig City ay mayroong bago at makabagong fire truck na magpapaigting sa kakayahan ng lungsod kontra sa sunog at magpapatibay sa kahandaan nitong rumesponde sa mga ganitong uri ng sakuna.
“Isa itong magandang balita para sa ating mga mamamayan. Makakadagdag ito sa ‘peace of mind’ ng mga taga-Taguig at makakatulog tayo ng mahimbing dahil alam natin na ang ating fire department ay laging handa at kumpleto sa makabagong gamit,” ani Mayor Lani Cayetano.
Ang bagong fire truck ay isang Austrian-made Rosenbauer TLF 4000 fire truck na ibinigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lokal na pamahalaan ng Taguig nitong Miyerkules sa isang simpleng turn-over ceremony sa Camp Crame sa Quezon City.
“Ngayon, mayroon na tayong limang gumaganang fire truck. Sa tulong ng mga magagaling na kawani ng Taguig Bureau of Fire Protection at ilan pang mga modernong kagamitan, mas umiigting ang ating kakayahan laban sa sunog at iba pang sakuna,” dagdag ni Mayor Lani.
Pinasalamatan din niya si DILG Secretary Mar Roxas para sa pagbibigay ng fire truck sa lungsod ng Taguig.
Ayon kay Mayor Lani, “good timing” o tamang-tama ang pagdating ng bago at modernong fire truck lalo na’t Fire Prevention Month sa buwan ng Marso.
“Napakalaking tulong nito sa isang lungsod na katulad namin at nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa suporta ng DILG dahil sa inambag para sa BFP,” ani mayora, na nagsabing sa kasalukuyan ay binibigyang ayuda rin ng pamahalaang lungsod ang mga bumbero nito.
Ang bagong trak ng BFP ay may kakayahang magbuga ng 2,400 litro ng tubig kada minuto. Ang water cannon nito ay umaabot sa habang 62 metro at taas na 24 metro, katumbas ng isang walong-palapag na gusali.
Bukod sa water cannon ay mayroon pang dalawang quick response hose at dalawang regular hose ang trak na ito—nangangahulugang limang lahat ang kagamitang kontra-sunog na pwede pang sabay-sabay gamitin upang mas mabilis maapula ang apoy.
Nangako naman si Mayor Lani na patuloy niyang susuportahan ang BFP sa pamamagitan ng mga programang magpapalawak sa kaalaman ng publiko sa pag-iwas sa sunog lalo sa sa panahon ng tag-init.
Ngayon buwan ng Marso na siyang tinaguriang Fire Prevention Month magtutulungan ang pamahalaang lungsod at lokal na BFP sa ilalim ni Fire Marshall Junito Maslang upang maturuan ng fire safety and prevention ang publiko sa pamamagitan ng ilang mga aktibidad.
Ang tema ng Fire Prevention Month ngayong taon ay “Sunog at Sakuna Paghandaan, Kalikasan ay Pangalagaan nang Matamasa ang Pag-unlad ng Bayan.”
“Tulad ng mga nakaraang pagdiriwang ng Fire Prevention Month ay nais nating magpamahagi ng kaalaman sa ating mga kababayan patungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin tuwing may sunog. Ngunit ang kaalaman ito ay talo ng pagkakaroon ng disiplina tungo sa pag-iwas sa sunog,” wika ng alkalde.

Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854