‘New homes’ sought for Taguig pets


Looking for something to spice up your life a little bit? Try getting a dog.
With its newly launched adopt-a-dog program, the city government of Taguig is on the lookout for new pet parents who will provide a home for rescued dogs currently housed at the Taguig City pound.
Nine of the 45 rescued dogs staying at the city-run animal shelter are now up for adoption.
Taguig City Veterinary Office Head Dr. Alexis Siblag assured the public that the dogs they offer for adoption have already been assessed and found to be free from any contagious disease. They are not aggressive, making them ideal even for children. They have also gotten used to the daily interaction with their caretakers who have been looking after the animals at the pound 24 hours a day.
“These dogs have been spayed and neutered to avoid reproduction since one of the program’s purposes is to also control animal population,” Dr. Siblag added.
Asked where these dogs came from, the Taguig City Veterinary Office head said they were either surrendered by the barangays who caught them as stray dogs or came from owners who could not take care of them anymore.
Though most of these rescued dogs do not have names, Dr. Siblag said they tagged them based on their colors and the dates they were rescued.
Because of the increasing number of rescued dogs at the city pound and with the local government’s goal to find real homes for these pets, the City Veterinary Office released a clear set of guidelines for the dog adoption process in March. However, Dr. Siblag stressed that they had been preparing the dogs for adoption since last year.
“The whole adoption process is free and open to all Taguigeños. Interested city residents need only to visit the Taguig City Veterinary Office, fill-out an application form, choose their desired dog, and submit themselves for a background check prior to the release of the animals,” Dr. Siblag explained.
He also pointed out that they are requiring all applicants to visit the pound at least three times to help them and the dog familiarize with each other.
Siblag also said that only the applicants who will meet the adoption criteria will be given the animals.
Background investigation is very significant to the adoption process because some of the previous adopted dogs were butchered for meat.
The free adoption process in the city is part of the local government unit’s mission to promote animal welfare. “These rescued dogs deserve new homes with caring families. This initiative expresses the intention of the city that every ‘bantay’ has a right to be taken care of,” Taguig City Mayor Lani Cayetano said.
As of June 2017, the Taguig City Veterinary Office has rehomed 14 dogs and 12 cats. The Taguig City pound also has a wide range of dog breeds – Dalmatian, Japanese Spitz, Shar Pei mix, Belgian Malinois mix, Rottweiler, and “aspins” or asong pinoy which make up 80 percent of the dog population in the pound.
Not all dogs in the shelter will be offered for adoption, however. Dr. Siblag said the sick dogs brought to their animal control facility would be treated first and assessed if they are healthy enough to be offered to the residents.
Interested applicants for the adoption of dogs should visit the Taguig City Veterinary Office located at the city’s Model House along Cayetano Boulevard in Barangay Ususan, Taguig City. For more information about their other services, please call the Taguig City Veterinary Office at 811-8919.
As mandated by the law to protect the animal welfare, the Taguig City Veterinary Office is also making house-to-house visits in all 28 barangays in the city to vaccinate pets and make life easier for their owners since 2014. The Taguig City Anti-Rabies Drive (TCARD) was also launched to intensify the city’s aim to eradicate rabies.
Aside from this, the city veterinary is also offering free spaying and neutering for dogs and cats as a way to control the population of these animals. ###
FILIPINO VERSION
‘Bagong tahanan’ para sa mga alagang hayop sa Taguig
Naghahanap ng bagay na makakapagpasaya sa buhay mo? Subukang mag-alaga ng aso.
Dahil sa bago nitong inilunsad na adopt-a-dog program, ang lokal na pamahalaan ng Taguig ay naghahanap ng mga bagong may-ari na magbibigay ng tahanan sa mga asong kanilang na-rescue sa Taguig City Pound.
Siyam sa apatnapu’t limang (45) rescued dogs na kasalukuyang naninirahan sa animal shelter ng lungsod ang handa na para sa adoption.
Tiniyak ni Taguig City Veterinary Office Head Dr. Alexis Siblag sa publiko na ang mga asong kanilang pinapa-adopt ay kanila nang na-assess at ligtas sa anumang nakahahawang sakit. Hindi sila agresibo, kaya angkop rin sila para sa mga bata. Nakasanayan na rin nila ang araw-araw na interaksyon sa kanilang mga tagapangalaga na nagbabantay sa kanila bente-kwatro oras.
“Lahat ng aso rito ay kinapon na upang maiwasan ang pagdami nila bilang isa sa mga layunin ng programa ay mapababa ang populasyon ng mga hayop,” dagdag ni Dr. Siblag.
Nang tanungin kung saan nanggaling ang mga aso, sinabi ng Taguig City Veterinary Office head na sila ay galing sa mga barangay na nakahuli sa kanila na pagala-gala o kaya naman ay ibinigay ng kanilang mga amo dahil sa hindi na sila kaya pang alagaan.
Kahit karamihan sa mga asong ito ay walang pangalan, sinabi ni Dr. Siblag na pinapangalanan nila ang mga ito batay sa kanilang mga kulay at petsa kung kelan sila na-rescue.
Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga asong nare-rescue at sa layon ng lokal na pamahalaan na makahanap ng totoong tahanan para sa mga alagang ito, naglabas ng malinaw na palatuntunan ang City Veterinary Office noong Marso tungkol sa proseso ng adoption. Ngunit, binigyang-diin ni Dr. Siblag na mula pa noong nakaraang taon ay inihahanda na nila ang mga aso para sa adoption.
“Ang buong proseso sa pag-aadopt ay bukas at libre para sa lahat ng Taguigeño. Ang mga interesadong residente ay kailangan lamang na bumisita sa Taguig City Veterinary Office, magfill-out ng application form, piliin ang asong ibig ampunin, at dumaan sa isang background check bago ipagkaloob sa kanila ang nasabing hayop,” paliwanag ni Siblag.
Mariin rin niyang sinabi na nire-require nila ang lahat ng mga aplikante na bumisita sa pound ng tatlong beses para matulungan sila at ang aso na maging pamilyar sa isa’t-isa.
Sinabi rin ni Siblag na tanging sa mga aplikanteng nakapasa lamang sa adoption criteria nila ipagkakaloob ang mga hayop.
Mahalaga ang background investigation sa proseso ng adoption dahil ilan sa mga naampong aso noon ay kinakatay ng mga kumukuha sa kanila.
Ang libreng adoption process ay bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan upang itaguyod ang kapakanan ng mga hayop, “Karapatan ng mga rescued dogs na makahanap ng mga bagong tirahan at pamilya na mag-aalaga sa kanila. Ito’y nagpapakita lamang ng intensyon ng ating bayan na ang bawat ‘bantay’ ay may karapatan na maalagaan,” sabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Ngayong Hunyo 2017, labing-apat (14) na aso at labing-dalawang (12) pusa na ang nabigyan ng bagong tahanan ng Taguig City Veterinary Office. Mayroon ring iba’t-ibang dog breeds ang Taguig City pound – Dalmatian, Japanese Spitz, Shar Pei mix, Belgian Malinois mix, Rottweiler, at “aspins” o asong pinoy na siyang bumubuo sa walumpung porsyento (80%) ng populasyon ng aso sa pound.
Ngunit hindi lahat ng aso na nasa shelter ay maaring ampunin. Ayon kay Siblag, ang mga asong may sakit na dinala sa kanilang animal control facility ay kailangan munang gamutin at obserbahan kung ito ba’y malusog bago i-alok na ampunin sa mga residente.
Maaring pumunta ang mga interesadong aplikante sa Taguig City Veterinary Office na matatagpuan sa Cayetano Boulevard Model House sa Barangay Ususan, Taguig City.
Para sa mga impormasyon ukol sa iba pa nilang serbisyo, maaring tawagan ang Taguig City Veterinary Office sa kanilang numero na 811-8919.
Dahil sa itinakda ng batas na maproteksyunan ang kapakanan ng mga hayop, nagsasagawa rin ng house-to-house visits simula pa noong 2014 ang Taguig City Veterinary Office sa dalawampu’t-walong (28) barangay sa lungsod upang mabakunahan ang mga alagang hayop at mapadali ang buhay ng mga may-ari. Inilunsad rin ang Taguig City Anti-Rabies Drive (TCARD) para pa-igtingin ang layunin ng lungsod na mawala ang rabies.
Maliban dito, ang Taguig City Veterinary Office ay nag-aalok din ng libreng pagkakapon sa mga aso at pusa upang makontrol ang populasyon ng mga hayop.###
‘New homes’ sought for Taguig pets

Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854