Paghahanda sa Pagpapatupad ng ECQ sa Taguig City
Bilang paghahanda ng Taguig sa muling implementation ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila at mga karatig na probinsya ng Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal, pinulong ni Mayor Lino Cayetano katuwang ang Safe City Task Force, City Councilors, Chairman of Committee on Peace and Order Councilor Noel Dizon, at SK Federation President Beng Maximo, ang mga pinuno ng iba’t-ibang departamento at ang lahat ng mga punong barangay upang ibahagi ang mga gabay at protocols na ipapatupad sa lungsod.
Kasabay nito ay ang patuloy na pagpapa-alala sa mga Taguigeño na sumunod sa mga health and safety protocols upang makontrol ang bilang ng kaso sa ating lungsod.