River Fest celebrates Taguig’s timeless sense of community
The City of Taguig bustles with celebration as it commemorates the annual Taguig River Festival this week.
“This is a weeklong thanksgiving,” Mayor Lani Cayetano said. “We would like people to see a testament to the spirituality in Taguig.”
The festivities take off from the Santa Anang Banak Festival, which is centered on the Taguig River and St. Anne, mother of the Virgin Mary and patroness of the city.
Folk legend says that in 1587, Taguig, then known as “pook mg mga taga-giik,” plunged into crisis after farmers lost all their harvests. Amid their despair, Saint Anne and the little girl Mary appeared and then led them to the river suddenly teeming with “banak” (mullet).
The occurrence has been celebrated every July of the years to follow, concluding in a fluvial parade on the 26th, the feast of the saint.
The fluvial parade, “Pagodahan,” fills the river with around 200 fishing boats, in a procession with the image of St. Anne.
Giving thanks for the past year’s harvest, the fishers would throw their harvest — from santol and ponkan to chocolates and more — at the crowds along the riverbank. Some spectators would bring baseball gloves and umbrellas to catch them. Pagodahan also features the “pasubo” or the exchange of traditional food and other goodies among boat riders and local residents.
Even as the fisher-farmer community has turned into one of the most vibrant economic hubs in the country, Taguig City has deliberately kept with the tradition.
“The spirit of the festival from centuries ago must inspire us now,” said the mayor. “Even as we aim high, we must always go back to that sense of community. With that interconnectedness in mind, we would leave no one behind.”
The other events want to celebrate that heritage.
This year, the merrymaking was spread out in two weeks, beginning with a kickoff motorcade on July 15.
On July 22, Taguigenos joined “Isang Araw, Isang Ilog, Isang Malasakit sa Kalunsuran,” a cleanup drive. In the evening of July 23, the city hosted a talent search at St. Anne Patio.
Folk dance competitions for high and elementary schools were held at the same venue all-day on July 24. July 25 will see the Santa Ana River filled with spectators even before the sun shines. The city also hosted the annual “Regatta,” or boat race early Tuesday then followed by the battle of the barangays in the”Pagandahan ng Bangkang Lunday.”
The Pagodahan will be sandwiched with an extravaganza of talents in Poblacion village with the “Pasayo” at 6 am and the concluding fireworks display at St. Anne Patio, 7 pm.
“All these activities affirm that we are truly a ‘probinsiyudad,'” noted Mayor Lani. “It sends the message that a place like ours is possible — a place where heritage and development, rural and urban living can coexist.” ###
FILIPINO VERSION
Taguig River Fest ipinagdiriwang ang walang-kupas na pagpapahalaga sa komunidad
Nag-uumapaw sa selebrasyon ang lungsod ng Taguig habang kanilang ipinagdiriwang ang taunang River Festival ngayong linggo.
“Ito po ay isang linggong pagdiriwang,“ sabi ni Mayor Lani Cayetano. “Gusto namin ipakita ang testamento ng kabanalan dito sa Taguig.”
Nagsimula ang pagdiriwang sa Santa Anang Banak Festival, na nakasentro sa Taguig River at kay St. Anne, ina ng Birheng Maria at patron ng lungsod.
Ayon sa folk legend noong 1587, ang Taguig o mas kilala noon bilang “pook ng mga taga-giik,” ay dumanas ng krisis matapos mawala ang lahat ng ani ng mga magsasaka. Sa gitna ng kanilang dinaranas, nagpakita si Santa Ana at ang batang babae na si Maria na nagdala sa kanila sa ilog na punong-puno ng “banak” (mullet).
Ang pangyayaring ito ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo ng mga sumunod na taon, na nagtatapos sa isang fluvial parade sa ika-26, pista ng santa.
Aabot sa 200 bangka ang nakikiisa sa fluvial parade o “Pagodahan”, isang prusisyon na may kasamang imahe ni Santa Ana.
Bilang pasasalamat sa masaganang ani noong nakaraang taon, maghahagis ang mga mangingisda ng kanilang mga ani – mula santol at ponkan hanggang tsokolate at marami pang iba. Ilan rin sa mga manunuod ay nagdadala ng mga baseball glove at payong upang gamitin pangsalo. Tampok rin ng “Pagodahan” ang “pasubo” o ang pagpapalitan ng mga tradisyonal na pagkain at iba pang goodies sa pagitan ng mga nakasakay sa bangka at lokal na residente.
Kahit na ang komunidad ng mangigisda at magsasaka ay naging isa sa sentro ng pinakamasiglang ekonomiya ng bansa, ipinagpatuloy ng lungsod ng Taguig ang kanilang tradisyon.
“Yung spirit ng festival na nagmula pa noong matagal na panahon ang nagbibigay inspirasyon sa amin ngayon,” wika ni Mayor. “Kahit na gaano pa kataas ang ating inaabot, dapat ay lagi nating isinasaisip ang kahalagahan ng komunidad. Kung ating isasaisip ang ating pagkakaugnay, siguradong walang maiiwan.”
Isinasagawa ang iba pang mga aktibidad upang ipagdiwang ang kulturang ito.
Ngayong taon, ang selebrasyon ay isinagawa sa loob ng dalawang linggo, na sinimulan sa isang kickoff motorcade noong ika-15 ng Hulyo.
Noong ika-22 ng Hulyo, sumali ang mga Taguigeño sa isang cleanup drive na tinawag na “Isang Araw, Isang Ilog, Isang Malasakit sa Kalunsuran.” Noong kinagabihan naman ng ika-23 ng Hulyo, isang talent search ang isinagawa ng bayan sa St. Anne Patio.
Nagkaroon ng mga folk dance competition para sa elementarya at sekondarya sa parehas na lugar noong ika-24 ng Hulyo. Bago pa man sumikat ang araw sa ika-25 ng Hulyo ay makikita ang ilog ng Santa Ana na puno ng mga manunuod. Idinaos din ng lungsod ang taunang “Regatta,” o ang paligsahan ng mga bangka noong Martes ng umaga at sinundan ng paglalaban-laban ng mga barangay para sa “Pagandahan ng Bangkang Lunday.”
Paggigitnaan naman ang Pagodahan ng mga naggagandahan at naggagalingan na mga talento mula sa Poblacion village sa “Pasayo” na gaganapin ng ala-sais ng umaga at magtatapos sa fireworks display sa St. Anne Patio ng ala-7 ng gabi.
“Lahat po ng ating aktibidad ay nagpapatunay na tayo ay isang “‘probinsiyudad,'” wika ni Mayor Lani. “Ipinararating natin ang mensahe na ang lugar na tulad ng sa atin ay posible – lugar kung saan ang pamana at pag-unlad, rural at urban na pamumuhay ay maaring magsama.” ###