Social Amelioration Program and Taguig Amelioration Program
Patuloy ang distribution ng Social Amelioration Program sa iba’t ibang barangay sa Taguig City ngayong araw.
Ang lokal na pamahalaan ay tinutulungan ang DSWD sa pagbababa ng programang ito ng national government upang masiguro na maayos at may sinusunod na social distancing at iba pang health measures ang mga beneficiaries ng bawat barangay.
Para sa lahat ng beneficiaries ng SAP kasama na din ang Taguig Amelioration Program, narito ang mahahalagang paalala mula sa Taguig City government:
(1) Para sa mga naglagay ng phone number sa kanilang form para sa Social Amelioration Program (SAP) mula sa national government, makakatanggap kayo ng text na naglalaman ng oras, petsa at lugar kung saan ninyo make-claim ang SAP.
(2) Para sa mga hindi naglagay ng contact number sa SAP form, pupuntahan kayo ng mga empleyado ng City Social Welfare and Development Office upang ibigay sa inyo ang oras, petsa at lugar upang mag-claim ng SAP.
(3) Sa lahat ng makakatanggap ng impormasyon tungkol sa pag-claim ng SAP, siguruhing naroon kayo sa lugar ng releasing sa tamang oras at petsa.
Hinihikayat po namin ang lahat na magpunta lang sa venue ng distribution sa oras na naitakda para sainyong kaligtasan. Siguruhin ding magsuot ng face mask at susunod sa social distancing protocols.
(4) Para naman sa Taguig Amelioration Program, unang mabibigyan lahat ng nasa master list ng Taguig City Integrated Survey System. Ipagbibigay alam naman ang distribution nito sa pamamahitan ng mga barangay.
(5) Sa lahat nang hindi napasama sa listahan ng TAP dahil hindi sila nakapanayam ng mga enumerator, magpapalista po kayo sa barangay para sa evaluation.
(6) Huwag maniniwala sa fake news. Sumangguni sa I Love Taguig para sa opisyal na impormasyon ukol sa SAP. Ang City Hall ng Taguig ang pangunahing magco-coordinate sa programang ito ng pambansang pamahalaan.