State of the City Children Address
Tiniyak ni Taguig Mayor Lani Cayetano na magtutuluy-tuloy ang mga ipinatutupad na reporma sa sektor ng edukasyon upang lalong maisulong ang kapakanan at interes ng kabataan.
Ito ang naging tugon ni Mayor Lani sa mga alalahanin at hinaing ng mga mag-aaral na kumatawan sa kabataang Taguigueño sa katatapos na State of the City Children’s Address na may temang “Komunidad at Pamahalaan Magkaisa, Pang-aabuso sa Bata Wakasan na!” na ginawa sa The Lakeshore Tent sa Lower Bicutan Taguig.
Kabilang ang pang-aabuso, pagmamalabis, at paglabag sa kanilang mga karapatan ang mga bagay na nais matuldukan ng kabataan .
Sa kanyang talumpati inisa-isa ni Mayor Lani ang mga matagumpay na programa sa sektor ng edukasyon sa pangunguna ng L.A.N.I. Scholarship Program na bumago sa buhay ng maraming pamilyang Taguigueño.
Inilahad din ng alkalde ang mahusay na ugnayan ng pamahalaang lokal at ng Department of EducationTaguig and Pateros dahilan kung bakit nagkaroon ng matibay na programa kontra bullying at ang pagkopo ng Taguig sa titulong No. 1 sa National Achievement Test sa National Capital Region.
Kasabay nito, ibinalita rin ni Mayor Lani na mas ligtas na ang mga lansangan ngayon dahil naaresto na ng Taguig Police ang Top 10 Most Wanted Drug Personalities ng lungsod na itinuturing na malaking tagumpay laban sa salot na droga.
Taun-taong ginagawa ang State of the City Children’s Address alinsunod sa mandato ng Republic Act 10661 na kilala rin bilang National Children’s Month Act.
SEE PHOTOS HERE: State of the City Children’s Address