Taguig a city of opportunity
Hires another batch of deaf-mute encoders
“Taguig is a city of opportunity. Thus, we will continue to invest with Persons with Disabilities (PWDs) to give them a sporting chance in life,” Mayor Lani Cayetano on the city’s hiring of another batch of deaf-mutes.
Last year, the city hired 14 deaf-mute data encoders for the Taguig City Integrated Survey System (TCISS). The latest batch is comprised of 12 deaf-mute data encoders.
TCISS provides evidence-based information that the city government uses as a platform for planning and implementing programs and projects that are based on the actual situation of its constituents.
“The first batch served as an inspiration. When we were planning the program we have no idea if it will work. After a year since its implementation, we can’t be happier with the result,” Mayor Lani said.
Mr. Larry Supaz, Head of the Taguig City Persons with Disability Affairs Office (PDAO) said that the hiring of deaf-mutes presented new employment possibilities. “In Taguig City, we want to promote inclusive employment for the PWDs, to help them improve their living condition and boost their confidence as individuals.”
“You have to understand that most of the deaf-mute came from over-protective families. They have limited social skills. Their employment would give them an opportunity to experience what it’s like to be an ordinary employee. They are being taught to deal with conflicts; meet deadlines; and how to meet their quotas just like the rest of the team,” Supaz said.
This too also shows that the City of Taguig is compliant to R.A. 10524, which states that no person with a disability shall be denied access to opportunities for suitable employment.
Bringing PWDs to the mainstream has made regular encoders realize the difficulties that deaf-mutes must hurdle. Thus, some city hall employees have been encouraged to learn sign language. One of them is Mark Florendo, 24 years old and has been working with the local government under the TCISS since 2010. He felt that to be an effective coach and mentor to the deaf and mute encoders, he needed to understand them. Despite the difficulties, Mark has learned how to do sign language with the help of other deaf and mute encoders who taught him the rudiments of sign language. After four months, Mark has been an effective interpreter, especially during staff meetings. This allows the deaf and mute encoders to participate and engage in meetings and be able to express themselves and be understood.
The city government of Taguig under Mayor Lani has committed itself to providing opportunities to improve the lives of its constituents since its assumed office in 2010.
It is for this reason that it passed an ordinance that benefits poor students by giving them access to a college education through the now Php600 Million Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship Program. One in the seven type of scholarships under the program is for persons with disabilities. A PWD who in interested to avail the Priority Scholarship of the city should coordinate with the PDAO located at the city hall. ###
FILIPINO VERSION:
Taguig muling nag-empleyo ng mga bingi at pipi
“Ang Taguig ay lungsod ng oportunidad. Kaya’t patuloy naming pupuhunanan ang Persons with Disabilities (PWDs) nang sa gayon ay mabigyan sila ng pantay na oportunidad sa buhay,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano tungkol sa pagkuha muli ng Taguig City government sa serbisyo ng mga bingi at pipi.
Noong nagdaang taon, 14 na bingi at pipi ang kinuha ng pamahalaang lungsod upang magsilbing data encoders sa Taguig City Integrated Survey System (TCISS). Ang bagong batch ay mayroong 12 bingi at pipi.
Ang TCISS ang siyang responsable sa pagbibigay sa pamahalaang lungsod ng makatotohanang impormasyon na ginagamit nito sa pagpa-plano at implementasyon ng mga programa at proyekto.
“Ang unang batch ay nagsilbing inspirasyon. Nang pina-plano namin ang programa ay wala kaming ideya kung ito ba ay magiging matagumpay. Matapos ang isang taon nang pagpapatupad nito ay masaya kami sa naging resulta,” sabi pa ni Mayor Lani.
Ayon naman kay Larry Supaz, hepe ng Taguig City Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ang pag-empleyo ng mga bingi at pipi ay nagbibigay ng panibagong oportunidad sa mga PWD.
“Sa Taguig, isinusulong namin ang inclusive employment para sa mga PWD, para matulungan silang mapagbuti ang kanilang buhay at mapalakas ang pagtitiwala sa kanilang mga sarili.”
“Kailangan ninyong maunawaan na karamihan sa mga bingi at pipi ay galing sa mga over-protective na pamilya. Limitado ang kanilang interaksyon sa ibang tao. Ang trabahong ito ay magbibigay sa kanila ng pagkakataon na maranasan kung paano maging ordinaryong empleyado. Tinuturuan sila kung paano haharapin ang mga problema; paano tumugon sa deadline; at kung paano nila maaabot ang kanilang quota gaya ng kanilang mga kasamahan,” pahayag pa ni Supaz.
Ang hakbanging ito ay nagpapakita na sinusunod ng lungsod ng Taguig ang R.A. 10524 na nagsasabing dapat magkaroon ng access sa mga trabaho ang mga taong may kapansanan.
Ang pagkuha ng mga PWD at pagdadala sa kanila sa mainstream ang dahilan kung bakit nagawang maunawaan ng mga ordinaryong encoder ang hirap na dinaranas ng mga bingi at pipi. Ito rin ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga kawani ma walang kapansanan ay nahikayat na mag-aral ng sign language. Ang isa sa kanila ay si Mark Florendo, 24 anyos at nagtatrabaho sa TCISS sapul taong 2010. Naniniwala siyang para maging epektibong mentor sa mga kasamahan niyang bingi at pipi ay marapat na bumuti ang kaniyang komunikasyon sa kanila. Sa kabila ng mga pagsubok, natutunan ni Mark ang sign language sa tulong na rin ng ilang kasamahang bingi at pipi. Makalipas ang apat na buwan, ay naging epektibong interpreter na si Mark sa kanilang staff meetings. Ito ang dahilan kung bakit aktibong lumalahok sa kanilang mga pagpu-pulong ang mga kasamahang bingi at pipi.
Sapul mapuwesto noong taong 2010, ang Taguig sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lani ay patuloy sa pagkakaloob ng mga oportunidad sa kanilang mga mamamayan.
Ito ang dahilan kung bakit nagpasa ang lungsod ng ordinansa na tutulong sa mga mahihirap na estudyante na makapag-aral sa kolehiyo- ang Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship Program. Ang isa sa mga klase ng scholarship- ang Priority Scholarship ay nakalaan para sa mga PWD. Ang mga interesadong makakuha ng ganitong scholarship ay maaaring magpunta sa PDAO sa city hall. ###