Taguig bags its 1st Year CROWN Maintenance Award for quality nutrition programs


Taguig bags its 1st Year CROWN Maintenance Award for quality nutrition programs

Taguig City again proved that the continuous implementation of excellent nutrition programs is possible as it was named one of the 1st Year Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Maintenance Awardees during the 2017 Nutrition Awarding Ceremony held at the Philippine International Convention Center, Pasay City on December 12, 2017.

 

“We are very ecstatic to receive this award because it shows that we are very committed in providing good public service to our community,” Taguig City Mayor Lani Cayetano said.

 

A CROWN trophy and P100,000 cash prize were conferred by the National Nutrition Council to Taguig City Mayor Lani Cayetano, City Health Office officer-in-charge Dr. Erlinda Rayos Del Sol, Councilor Rodil “Tikboy” Marcelino, Taguig City’s Dr. Marie Irene Sy and City Nutrition Action Officer Julie Bernabe during the awarding ceremony.

 

Taguig City is one of the nine (9) local government units (LGUs) which was handed its 1st Year CROWN Maintenance Award. The recognition is awarded to an LGU for maintaining an outstanding and consistent implementation of its nutrition action plan. Taguig City is the sole recipient from the National Capital Region.

 

The said award stemmed from the 4-day validation visit led by the National Evaluation Team (NET) last April 18-21, 2017 where Taguig proudly presented its nutritional programs and highlighted the innovative and unique nutrition interventions done only in Taguig.

 

To ensure the success of its nutrition programs, Taguig City extends their agenda to mothers-to-be by conducting the congress “Laging Alagaan Nutrisyon ni Inay” where pregnant women especially those still in their teenage years are taught of proper diet and lifestyle to ensure safe and healthy pregnancy.

 

Taguig City also includes exclusive breastfeeding promotion for infants from 0-6 months and appropriate complementary feeding, and the Food Assistance program under which undernourished children in the city are fed for 90 days to help them get the nutrition their bodies need.

 

Aside from this, the city also encourages families with children to establish their own urban community vegetable gardens by providing seedlings and planting materials through the City Agriculture Office.

 

Mayor Lani Cayetano lauded the various efforts of all the department involved in making this achievement possible.

 

“It is truly a collaborative effort of all those involved that we have achieved this prestigious recognition. Rest assured that we will continue to strive and work even harder to maintain the efficiency and sustainability of our programs in order to achieve the National Nutrition Council’s top award – the Nutrition Honor Award,” the lady mayor concluded. ###

 

 

FILIPINO VERSION

 

Dekalidad na programang pangnutrisyon

1st Year CROWN Maintenance Award nasungkit ng Taguig

 

Pinatunayang muli ng Lungsod ng Taguig na merong gantimpalang aanihin ang masugid na pagpapatupad ng mga dekalidad na programang pangnutrisyon ang syudad.

 

Ito ay matapos mapangalanan ang lokal na pamahalaan ng Taguig bilang isa sa 1st Year Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Maintenance Awardees sa katatapos lamang na 2017 Nutrition Awarding Ceremony na ginawa sa Philippine International Convention Center, Pasay City noong ika-12 ng Disyembre 2017.

 

“Malugod naming tinatanggap ang gantimpalang ito dahil pinapatunayan lamang nito na seryoso ang Lungsod ng Taguig na mabigyan ng maayos at dekalidad na serbisyo publiko ang aming mga komunidad,” wika ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.

 

Isang CROWN trophy at tumataginting na P100,000 cash prize ang iginawad ng National Nutrition Council sa Taguig local government sa pangunguna ni Mayor Lani, kasama sina City Health Office officer-in-charge Dr. Erlinda Rayos Del Sol, Councilor Rodil “Tikboy” Marcelino, Dr. Marie Irene Sy at City Nutrition Action Officer Julie Bernabe.

 

Ang Taguig City ay isa sa siyam (9) na local government units (LGUs) na nabigyan ng 1st Year CROWN Maintenance Award. Ang gantimpalang ito ay ibinibigay sa mga LGU na patuloy na nagpapatupad ng maayos at epektibong nutrition action plan. Sa buong Metro Manila, ang Taguig City lamang ang nabiyayaan ng award na ito.

 

Ang gantimpala para sa Taguig ay iginawad matapos ang apat na araw na validation visit sa pangunguna ng National Evaluation Team (NET) noong ika-18 hanggang 21 ng Abril 2017, kung saan ang Taguig ay naglahad ng sarili nitong nutritional programs at kaugnay rito ang mga kakaiba at epektibong nutrition interventions sa syudad.

 

Upang masiguro ang matagumpay na pagpapatupad ng programang pangnutrisyon, idinadagdag din ang mga kababaihang malapit nang maging ina sa programa sa pamamagitan ng ginanap na congress na “Laging Alagaan Nutrisyon ni Inay” kung saan ang mga buntis na pawang mga nasa edad na teenager ay binibigyan ng kaalaman sa tamang diet at pag-aalaga sa katawan habang nagbubuntis.

 

Isinama rin ng Taguig City ang exclusive breastfeeding promotion ng mga sanggol na may edad 0-6 buwan, ang kaukulang complementary feeding, at ang Food Assistance program upang matulungang lumusog muli ang mga undernourished children na pinapakain ng masusustansyang pagkain ng 90 araw upang manumbalik ang sigla.

 

Sa kabila pa nito, hinihikayat din ng Taguig City ang mga pamilya na may kabataan na maglagay ng kanilang sariling urban community vegetable garden at ang mga punla o buto ng mga gulay ay libreng ipamamahagi ng pamahalaan sa pangunguna ng City Agriculture Office.

 

Pinapurihan din ni Mayor Lani ang pagtutulungan ng iba’t-ibang departamento sa city hall upang maging matagumpay ang programa.

 

“Ito ay tunay na halimbawa ng pagtutulungan ng bawat ahensya sa syudad at lokal na pamahalaan upang maging masigla at maayos ang ating mga programa, sa benepisyo ng mga kapwa natin Taguigeño. Asahan pa po ng ating mga kababayan na itataguyod natin ang programa na kinikilala at nabigyan pa ng top award ng National Nutrition Council — ang Nutrition Honor Award,” ayon pa kay Mayor Lani. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854