Taguig boosts anti-rabies campaign this summer
Taguig City Mayor Lani Cayetano has ordered the concerned local departments to step up the campaign against rabies, particularly with the mass vaccination of pet dogs.
“Rabies is a grave concern for pets, their owners and the public in general. By having their pets vaccinated, they not only protect them from rabies but also contribute in preventing the spread of rabies-related incidents,” she said.
For this year, a six-man team from the City Agriculture Office is going to visit the 28 barangays to carry out the vaccination.
Mayor Cayetano said that the campaign is especially important this summer since lots of children become potential victims of rabies.
“Since there are no classes and it is summer, children are often playing outside their homes and are thus at risk to rabies because of the dogs around them. Parents will only have peace of mind if they know that their children are protected,“ said the 29-year-old local chief executive.
Based on the Rabies Vaccination Report submitted by Emelita Solis, chief of City Agricultural Office (CAO), some 5,295 dogs and cats have already been vaccinated between January and March this year.
Solis said the city government is targeting to vaccinate 24,000 dogs for this year for free.
“Our campaign is to raise awareness on rabies. We in CAO are not just providing free vaccination for pets in all 28 barangays of the city; we’ve also launched an information campaign detailing the risks caused by rabies,” Solis said.
Solis appealed to the residents to be responsible pet owners and to help out in the city’s campaign by voluntarily bringing in their dogs and other pets so they may be given the anti-rabies shots.
“If they cannot bring their pets on designated dates for vaccination, they can go directly to the CAO at the City Hall to have their pets vaccinated,” Solis said.
Meanwhile, Dr. Isaias Ramos, Officer-in-Charge of City Health Office, advised the public to immediately seek medical help if they get bitten by a dog or even a cat for threat of rabies infection, which could be fatal.
As a first aid against animal bites, Ramos said that it is best to wash the wound right away with soap and water.
“After cleaning the wound with soap and water, it is better to go to an animal bite center for vaccination against rabies to avoid imminent danger. It is also advised to consult a veterinary to observe the symptoms being shown by the dog or the cat,” Ramos said.
FILIPINO VERSION:
Iniutos ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa lahat ng mga lokal na departamento na paigtingin pang lalo ang kampanya laban sa rabis, partikular ang malawakang pagbabakuna sa lahat ng mga alagang aso sa lungsod.
“Ang rabis ay nagdudulot ng pangamba sa mga nag-aalaga ng aso gayundin din sa buong lungsod. Sa pamamagitan ng pagbabakuna sa kanilang mga alaga, maproprotektahan nito ang lahat gayundin ay makakaiwas pa tayo sa pagkalat ng sakit na may kinalaman dito,” saad pa ni Cayetano.
Para sa taong ito, bibisita sa 28 na barangay ang grupong binubuo ng anim na miyembro na nagmula sa City Agriculture Office (CAO)
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, mahalaga ang kampanyang ito lalo na ngayong bakasyon dahil maraming maaring maging biktimang bata ng rabis.
“Ngayon pong walang pasok sa paaralan, ang mga bata ay malimit na naglalaro sa labas ng kanilang mga tahanan. Ang mga bata ang lantad sa panganib ng rabis dahil sa mga nakapaligid sa kanilang mga aso. Ang kanilang mga magulang ay magkakaroon lamang ng “peace of mind” kung alam nilang ligtas sa ginagalawang komunidad ang
kanilang mga mahal sa buhay ,”giit ng 29-anyos na punong lokal ng Taguig.
Batay sa Rabies Vaccination Report na isinumite ni Emelita P. Solis, hepe ng Taguig City Agricultural Office(CAO), bago pumasok ang buwan ng Abril ay umabot na sa 4,438 ang bilang ng mga aso at pusa na kanilang nabakunahan.
“Puspusan po ang aming kampanya laban sa rabis. Kami sa CAO ay hindi lamang umiikot sa 28 barangay ng Taguig para magbigay ng libreng bakuna sa mga aso. Kami po ay nag-iikot din upang maglunsad ng information campaign kung paano mai-iwas ang ating mga mahal sa buhay sa panganib ng rabis,”pagbibigay diin ni Solis.
Kaugnay nito ay umaapela si Solis sa mga Taguigueno na maging responsableng mga pet owner at tulungan ang kampanya ng pamahalaan sa pamamagitan ng boluntaryong pagdadala ng kanilang mga alaga para mabigyan ng bakuna ng anti-rabies .
“Kung hindi ninyo madadala ang inyong mga aso sa mga itinakdang vaccination date ay maaari po kayong magtungo sa tanggapan mismo ng CAO sa city hall para doon bakunahan,” wika pa ni Solis.
Samantala, nananawagan si Dr. Isaias Ramos, Officer In Charge(OIC) City Health Office ng Taguig na huwag ipagwalang bahala ang kagat ng aso o di kaya naman ay pusa.
Kaugnay nito ay mahigpit na ipinagbibilin ni Dr. Ramos na matapos makagat ng aso o ng pusa ay dapat na agad na hugasan at linisin ang sugat sa pamamagitan ng sabon at tubig.
“Kapag nalinis na ang sugat ay agad pong magpakonsulta sa isang animal bite center. Kinakailangan pong magpabakuna ng panlaban sa rabis nang sa gayon ay makaiwas sa panganib na dulot nito.Kinakailangan din na kumonsulta sa isang
beterinaryo upang malaman kung paano babasahin ang mga ipapakitang senyales ng nakakagat na aso,”mariing paalala ni Dr. Ramos.