Taguig celebrates the birth of a freedom fighter
In line with the 150th anniversary of the birth of Andres Bonifacio, Taguig City in partnership with Bonifacio Global City will be holding an array of activities from November 29 to December 1 to celebrate the life of one of the greatest heroes in Philippine history.
Entitled “BGC Passionfest 2013,” the celebration will kick off with a play presentation by Gantimpala Theater Foundation entitled “Katipunan,” which is directed by Jun Pablo and Joel Lamangan on November 29 at Bonifacio Global City High Street Amphitheater at 7:00 p.m.
“The showing of the play is one of the highlights of the celebration. It is aimed at educating the young and the young at heart of the life of a hero that helped shape Philippine history,” said Mayor Lani Cayetano.
Bonifacio has a special place in the hearts of Taguigenos as his family traces its roots in Tipas, Taguig where, according to historical accounts, he spent a great part of his childhood. In fact, the lighthouse in Napindan was where Katipuneros hold clandestine meetings prior to the revolution.
The play is expected to be seen by students from Polytechnic University of the Philippines-Taguig Campus (PUP), Technological University of the Philippines (TUP), and Taguig City University (TCU).
“Katipunan” will also be shown on Bonifacio Day itself at the Cayetano Sports Complex at 7:00 p.m. for high school students in public schools all over Taguig City.
On the same day, the city government will be sponsoring “Palarong Pinoy” to be held at BGC from 8am to 5pm, where 150 children from Fort Bonifacio and Western Bicutan will be introduced to traditional games such as Tumbang Preso.
A “Parada de Calesa” will wrap up the celebration on December 1, where beautifully adorned kalesas will tour BGC starting 2:00 p.m.
In addition, this year’s celebration is more special as it will also serve as a fundraiser for the rehabilitation of calamity-hit areas in the Visayas.
A BoniFiesta Passport, which could be availed by purchasing Php 1,500 pesos worth of single receipt purchase from any retail stores or restaurants in Bonifacio High Street, One Parkade, Two Parkade, Bonifacio Stopover, Crossroads, and The Fort Entertainment Complex from November 29 to December 1, 2013, will allow those who purchased free food and participation in three giant games, one kalesa ride (Sunday only), and parol-making (Saturday only) during the Passionfest event.
Mayor Lani said all of the activities during the three-day celebration of Bonifacio Day is open to the public. ###
FILIPINO VERSION:
Buhay ni Bonifacio, ipinagdiriwang sa Taguig
Bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, magkakaroon ng iba’t-ibang programa ang lokal na pamahalaan ng Taguig, katuwang ang Bonifacio Global City (BGC) simula ika-29 ng Nobyembre hanggang sa unang araw ng Disyembre upang ipagdiwang ang naging buhay ng isa sa pinaka-tanyag na bayani sa ating kasaysayan.
Ang “BGC Passionfest 2013” ay sisimulan ng isang pagsasadula ng Gantimpala Theater Foundation na pinamagatang “Katipunan” sa direksyon nina Jun Pablo at Joel Lamangan sa ika-29 ng Nobyembre sa Bonifacio Global City High Street Ampitheather sa ganap na ika-pito ng gabi.
“Ang dulang ito ay isa sa mga pangunahing atraksyon ng selebrasyon. Ito ay naglalayon na magbigay-aral sa lahat tungkol sa buhay ng isa sa mga bayaning humubog ng ating kasaysayan,” sabi ni Mayor Lani Cayetano.
Si Gat Andres Bonifacio ay malapit sa puso ng mga Taguigeno sapagkat ang kanyang pamilya ay tubong Tipas, Taguig na siyang naging bahagi ng kanyang kabataan, ayon sa kasaysayan. Sa katunayan, ang parola sa Napindan ay ang lugar kung saan nagkaroon ng mga lihim na pagpupulong ang mga Katipunero bago ang rebolusyon.
Ang naturang dula ay itatanghal sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines-Taguig Campus (PUP), Technological University of the Philippines (TUP) at Taguig City University (TCU).
Ang “Katipunan” ay itatanghal din sa Araw ng Kagitingan sa Cayetano Sports Complex sa ganap na ika-pito ng gabi. Ito ay panonoorin ng mga estudyante ng hayskul sa mga pampublikong paaralan sa Taguig.
Sa araw ding yaon, gaganapin ang “Palarong Pinoy” sa BGC mula ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon kung saan ang 150 mga batang galing sa Fort Bonifacio at Western Bicutan ang makikilahok sa mga tradisyunal na larong Pilipino katulad ng Tumbang Preso.
Magtatapos ang selebrasyon sa isang “Parada de Calesa” na gaganapin sa unang araw ng Disyembre kung saan ang mga kalesang nilagyan ng iba’t-ibang palamuti ay mag-iikot sa BGC sa ganap na ika-dalawa ng hapon.
Ang selebrasyon ngayong taon ay mas makabuluhan sapagkat ito rin ay magsisilbing isang “fundraiser”para makatulong sa mga biktima ng mga kalamidad sa Visayas.
Ang BoniFiesta Passport ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagbili ng anumang produkto na nagkakahalaga ng P1,500 sa anumang tindahan o restawran sa Bonifacio High Street, One Parkade, Two Parkade, Bonifacio Stopover, Crossroads, at sa The Fort Entertainment Complex mula ika- 29 ng Nobyembre hanggang ika-isa ng Disyembre. Sinumang bumili ay makakukuha ng libreng pagkain at mabibigyan ng pagkakataong lumahok sa tatlong malalaking palaro, isang libreng sakay sa kalesa (Linggo) at paggawa ng parol (Sabado).
Ang lahat ng mga programa sa tatlong-araw na selebrasyon ay bukas sa lahat, ayon pa kay Mayor Lani. ###