Taguig City gears up for next Business One-Stop Shop
With still a month before the start of year 2017, Taguig City is already poised to run its annual Business One-Stop Shop (BOSS) scheduled from January 2 to 20, 2017. BOSS, which streamlines the process for renewing business licenses and registrations, will be extended on the weekend of January 14 and 15, 2017 to accommodate the growing population of business owners and entrepreneurs in Taguig.
Last January, Taguig City implemented the extended business processing until Saturdays and Sundays as part of the successful 2016 BOSS.
Taguig’s 2017 BOSS project will be held simultaneously at the Taguig City Hall Auditorium and at the 9th floor of the City Satellite Office in SM Aura, giving business owners two options for accessible venue.
Atty. Alvin Esmenda from the City Treasurer’s Office is encouraging business owners to take advantage of the new cashless transaction facility at the SM Aura Satellite Office. They can also use their VISA credit and debit cards for payment of business permits and other fees.
While the documents are being processed, business owners can enjoy a free massage, film showing and refreshments provided inside the venues. The first 100 customers will also be given token items like umbrellas and clocks.
“We have already achieved our goal of molding Taguig into a business-friendly community; our current task is to continue providing our commitment of efficient and transparent services while incorporating new innovations along the way,” Mayor Lani Cayetano said.
Taguig has been awarded a Blue Certification Award by the Office of the Ombudsman for its streamlined frontline services and was recognized by the Civil Service Commission (CSC) for having the highest rating in the Anti-Red Tape Act compliance measures among 46 first-class cities.
The City of Taguig is currently the home of top corporations, embassies and government offices. New hotels, educational institutions and shopping malls have also sprung up in recent years within the fast-growing business districts of Bonifacio Global City (BGC) and ARCA South. ###
FILIPINO VERSION:
Taguig naghahanda na para sa Business One-Stop Shop
Pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang taunang Business One-Stop Shop na gaganapin mula ika-2 hanggang ika-20 ng Enero ng susunod na taon. Sa pamamagitan ng BOSS, mas napabibilis ang proseso sa pag-renew ng mga business license at registration.
Dahil din sa patuloy na pagdami ng negosyo sa Taguig ay palalawigin ng pamahalaang lokal ang BOSS maging sa mga araw ng Sabado at Linggo- sa ika-14 at 15 ng Enero ng susunod na taon.
Gaganapin ang BOSS 2017 sa Taguig City Hall Auditorium at sa City Hall Satellite Office na nasa 9th floor ng SM Aura Tower sa Bonifacio Global City.
Kaugnay nito ay hinihikayat ni Atty. Alvin Esmenda ng City Treasurer’s Office ang mga negosyante, gayundin ang mga taxpayer na samantalahin ang cashless transaction sa SM Aura Satellite Office kung saan maaari nilang gamitin ang kanilang VISA credit at Visa debit card sa pagbabayad ng kani-kanilang business permit at iba pang bayarin sa city hall.
Gumawa rin ng mga paraan ang pamahalaang lungsod upang hindi mainip ang mga negosyante habang pino-proseso ang kanilang mga dokumento. Habang naghihintay ay maari silang magpamasahe nang libre; maaari ring manood ng mga pelikula sa mga naka-set-up na tv screen; at may libreng kape at inumin. Makatatanggap din ng mga token ang unang 100 na magpapa-renew ng kanilang mga business permit.
“Naihulma na na natin bilang business-friendly community ang ating lungsod. Umasa po kayo na lalo pa nating pagsusumikapan na magkaloob ng efficient at transparent services habang naghahanap ng makabagong pamamaraan,“ wika ni Mayor Lani Cayetano.
Minsan nang naigawad ng Office of the Ombudsman sa Taguig ang Blue Certification Award dahil sa mabilis at maasahang serbisyo na ibinibigay nito sa publiko. Kinilala rin ang Taguig ng Civil Service Commission (CSC) bilang may pinakamataas na rating sa Anti-Red Tape Act compliance measures na kung saan naungusan nito ang 46 na first-class cities sa bansa.
Sa kasalukuyan, ang Taguig ay nagsisilbing tahanan ng mga malalaking korporasyon, mga embahada, at iba’t ibang tanggapan ng gobyerno. Matatagpuan din dito ang mga bagong hotel, shopping malls at fast-growing business districts gaya ng Bonifacio Global City (BGC) at ARCA South. ###