Taguig City hands birthday cash gift to almost 7K seniors for first two months of 2018


Taguig City hands birthday cash gift to almost 7K seniors for first two months of 2018

Beneficiaries ecstatic with whopping increase

Seventy-six-year-old Nelita Amores could not contain her happiness upon receiving her birthday cash gift from the Taguig City government this March.

The whopping P4,000 she received after all, was eight times the amount she used to receive on her birthdays in 2008.

“I’m happy…I’m just really happy,” the resident of Barangay Ususan said, as she claimed the amount with her grandson at the City Social Welfare Development Office. Nanay Nelita is just one of the almost 7,000 senior citizens who already received their cash gifts from January to February of this year. Cash gift distribution is done all year round.

According to Ramonita Jordan, head of the Office of Senior Citizens Affairs, Nanay Nelita was not alone in her merry celebration.

She said since the birthday cash gift has been increased under Ordinance No. 25 series of 2017, other residents in the city cannot wait to get older and qualify for the Taguig City program that ensures the well-being of the elderly.

Under the ordinance, the grandmas and grandpas of Taguig now receive P3,000, P4,000 and P5,000 as birthday cash gifts, depending on the age bracket they fall under — the 60 to 69 bracket, the 70 to 79 bracket, and the 80 to above bracket, respectively.

The increase is the second since the City Council, through City Ordinance No. 09, made compulsory the distribution of P500 monetary gifts to the elderly during their birthdays in 2008.

The first was in 2013, when the P500 was increased to P1,000.

“Saan ka nakakita na ang mga senior, gusto na magkaedad,” Jordan said, noting that aside from the birthday cash gifts, Taguigeño senior citizens are given a P1,500 social pension that is distributed quarterly.

She added that centenarians living in the city are even given P100,000 and continue to receive the same amount every year after their 100th birthday.

For Nanay Nelita, who no longer works, the cash gift could be one of the best gifts she could ever receive. She said the money, after all, could be used for the purchase of her medicines, and to address her other needs.

“Napakalaking tulong po nito sa amin. Thank you po Mayor Lani! What can we do to thank you?” she exclaimed.

But for Mayor Lani Cayetano and the Taguig City government in general, Nanay Nelita’s smile is more than enough.

Other programs for the elderly in Taguig include a house-to-house delivery of free maintenance medicines for those with diabetes, high blood and asthma the TLC Home care Service, which allows the elderly to experience free nursing services at the comfort of their homes; and the Oplan Linaw program, which allows grandmas and grandpas to avail of free eye checkups and prescription glasses. The local government also provides wheelchairs and canes to the city’s lolos and lolas.  ###

FILIPINO VERSION

Birthday cash gift sa 7K senior naipamigay na ng Taguig sa unang dalawang buwan

Mga senior citizen nagalak sa malaking dagdag sa halaga ng biyaya

Para sa 78-anyos na si Nelita Amores, nag-uumapaw ang galak na kanyang nadama nang makuha niya ang birthday cash gift mula sa Taguig City government noong buwan ng Marso.

Laking gulat ni Nelita sa halagang P4,000 na kanyang nakuha mula sa Taguig dahil halos walong beses na dinoble ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang birthday cash gift para sa mga senior kumpara noong 2008.

“Masaya ako… Talagang sobrang saya,” saad ni Nelita na tubong Barangay Ususan, Taguig. Kasama ang kanyang apo, kinuha niya ang cash gift sa Taguig City Social Welfare Development Office.

Isa lamang si Nelita sa mahigit 7,000 senior citizens na kumuha ng kanilang cash gifts para sa buwan ng Enero hanggang Pebrero ngayong taon. Ang pagbigay ng cash gift sa mga birthday celebrants na senior ng Taguig ay ginagawa sa buong taon.

Ayon kay Ramonita Jordan, pinuno ng Office of Senior Citizens Affairs sa Taguig, hindi nag-iisa si Nanay Nelita sa mga nabigyan ng mataas na cash gift dahil sa pagpapatupad ng ordinansa na naglalayong taasan ang birthday cash gift ng mga senior citizen sa Taguig.

Sa ilalim ng Ordinance No. 25 series of 2017, ang ibang mga senior ay hindi na kailangan pang mag-antay nang matagal para makakuha ng mas mataas na cash gift na may layuning ipamigay upang mapanatili ang kalusugan at katiwasayan ng mga senior citizen sa lungsod.

Ayon sa ordinansa, ang mga lolo at lola ng Taguig ay makakakuha ng P3,000, P4,000 at P5,000 na birthday cash gifts, depende ito sa age bracket kung saan sila kabilang.

Ang mga age bracket na pasok sa 60 hanggang 69 ay may P3,000 sa kanilang kaarawan, ang 70 hanggang 79 ay may P4,000 at ang 80 pataas naman ay P5,000.

Ang increase sa cash gift ay pangalawa na sa mga inaprubahan ng City Council, simula nang magkaroon ng City Ordinance No. 09, na naglalayong magbigay ng compulsory distribution na P500 monetary gifts sa mga senior na may kaarawan noon pang 2008.

Ang unang increase ay naisakatuparan noong 2013, kung saan ang P500 ay dinoble at ginawang P1,000.

“Saan ka nakakita na ang mga senior, gusto na magkaedad,” wika pa ni Jordan. Ayon pa sa kanya, ang birthday cash gifts sa mga Taguigeñong senior citizen ay karagdagang biyaya lamang sa P1,500 social pension na ipinamimigay quarterly.

Saad pa ni Jordan, ang mga centenarian, o yung may edad 100 pataas, na buhay na naninirahan sa Taguig ay makakakuha ng P100,000, at makukuha nila ang ganitong halaga taun-taon.

Para kay Nanay Nelita, na hindi na nakakapagtrabaho dahil sa kanyang edad, isa ang cash gift ng Taguig sa mga inaabangan niya at malugod na nakukuha tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

Aniya, ang cash gift ay nagagamit niyang pandagdag sa pambili ng gamot at iba pang gastusin.

“Napakalaking tulong po nito sa amin. Thank you po Mayor Lani! What can we do to thank you?” dagdag pa ni Nanay Nelita.

Para naman kay Mayor Lani Cayetano at sa kabuuan ng Taguig City government, makita lamang niyang nakangiti ang mga senior at masayang naninirahan sa Taguig ay sapat na bilang kabayaran sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Ang ibang programa ng Taguig sa mga lolo at lola ay ang house-to-house delivery ng libreng maintenance medicines para sa may mga diabetes, high blood at asthma sa ilalim ito ng TLC Home Care Service. Sa ganitong klaseng programa ay nararanasan ng mga may edad ang libreng nursing services sa loob mismo ng kanilang bahay. Isa pa ay ang Oplan Linaw program, kung saan ang mga lolo at lola ay nakakakuha ng libreng checkup sa mata at libreng prescription glasses. Ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay namimigay rin ng mga wheelchair at saklay para sa mga lolo at lola ng lungsod. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854