Taguig City invests in securing youth’s lives
To enable residents to report any form of abuse against children, Taguig City launched an emergency hotline at Taguig Lakeshore Hall in Barangay Lower Bicutan on May 2.
Through the hotline (0937-587-0000), Taguigenos will be able to report any looming threat to children, which in turn will enable city authorities to respond faster.
The emergency hotline was launched simultaneously with the Taguig Comprehensive Youth Welfare, Protection and Development Program. The said program aims to protect the youth from specific dangers to their health, welfare and well-being such as cybersex and sexual exploitation, teenage pregnancy, drugs, bullying and smoking.
Taguig City Mayor Lani Cayetano led the launching of the program. She pointed out that the city government has always been “dedicated and aggressive” in addressing the issues faced by children through the continuous implementation of programs that will surely uplift and improve their lives.
“We believe that the young generation is a gift from the Lord, so we need to prepare and protect them; and therefore we will also need the support of our hardworking employees in attaining this goal,” Mayor Lani added.
The City Social Welfare and Development Office (CSWDO) continues to conduct interventions for the prevention of violence and exploitation or child trafficking by creating community awareness through community education and assistance for the victims-survivors of these cases.
Rescue operations were also organized by different agencies such as the Philippine National Police (PNP) Cybercrime Group, PNP Women and Children Protection Center (WCPC) Anti-Human Trafficking Division of Camp Crame, the National Bureau of Investigation (NBI) and even the US Department of Homeland Security to save the children from abuse.
Aside from this, Taguig City has also implemented programs like the Adolescent Health Program, which promotes healthy lifestyle, responsible sexuality, and provides youth-friendly comprehensive health care and services in order to protect them from the effects of early pregnancies, sexually transmitted infections and other psychosocial concerns.
The local government is also committed in protecting the youth against illegal drugs by endorsing the users to Department of Health Treatment and Rehabilitation Center in Bicutan. Taguig also provides assistance and support by allocating funds for the procurement of equipment that will be used by schools to address bullying problems.
With Taguig City’s concerted effort to protect and support children’s rights and welfare, the local government unit received the Seal of “Child-Friendly Local Governance” for two consecutive years (2014-2015) from the Department of Social Welfare and Development (DSWD) and the Department of the Interior and Local Government (DILG).
Mayor Lani also stressed that Taguig should not only be home to children who are receiving quality education, but also to young ones who are protected and cared for. ###
FILIPINO VERSION
Taguig, nakatuon sa pangangalaga at pagsagip sa buhay ng mga kabataan
INILUNSAD ng lungsod ng Taguig ang “emergency hotline” na kung saan maaring isumbong ng mga residente ng lungsod ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga bata. Isinagawa ito noong nakaraang Mayo 2 sa Taguig Lakeshore Hall sa Barangay Lower Bicutan.
Sa pamamagitan ng hotline (0937-587-0000), maaring isumbong ng mga Taguigeños ang anumang pagbabanta ng pananakit sa mga bata, at ito’y kagyat naman na sasaklolohan ng mga otoridad.
Ang nasabing “hotline” ay kasabay na inilunsad sa Taguig Comprehensive Youth Welfare, Protection and Development Program na naglalayong bigyan ng proteksyon ang mga kabataan laban sa anumang kapamahakan sa kanilang kalusugan at kapakanan gaya ng “cybersex” at pagsasamantalang sekswal, maagang pagbubuntis, droga, pananakot (bullying) at paninigarilyo.
Ang paglulunsad ng naturang programa ay pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano. Idiniin ni Mayor Lani na ang lungsod ng Taguig ay laging dedikado at agresibo sa paglutas ng mga isyung kinakaharap ng mga kabataan sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang magpapabuti sa kanilang mga buhay.
“Naniniwala kami na ang batang salinlahi ay isang handog mula sa Panginoon, kaya’t dapat natin silang bigyan ng proteksyon. Kaugnay nito, kailangan din namin ang suporta ng lahat ng ating masisispag na empleyado para makamit ang layuning ito,” dagdag ni Mayor Lani.
Patuloy naman ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Taguig na namamagitan para pigilan ang karahasan at “child trafficking” sa pamamagitan ng pagmumulat at edukasyon ng komunidad kasabay ng pag-aaruga sa mga naging biktima nito.
Ilang operasyon din ang isinagawa ng iba’t-ibang ahensya gaya ng Philippine National Police (PNP) Cybercrime Group, PNP Women and Children Protection Center (WCPC) Anti-Human Trafficking Division ng Camp Crame, ang National Bureau of Investigation (NBI), at maging ang US Department of Homeland Security para iligtas ang mga kabataan sa pag-aabuso.
Maliban pa dito, ipinatupad na rin ng lungsod ng Taguig ang ilang programa para itaguyod sa kabataan ang malusog na pamumuhay at “responsible sexuality” gaya ng Adolescent Health Program. Nilalayon ng programang ito na magbigay ng isang komprehensibong serbisyong pangkalusugan at ilayo ang mga kabataan sa panganib ng maagang pagbubuntis, mga sakit na nakukuha sa pagtatalik at iba pang “psychosocial concerns.”
Naninidigan din ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa pagbabantay sa kabataan laban sa kapahamakan na dulot ng iligal na droga sa pamamagitan ng pag-eendorso sa mga “drug users” sa kalinga ng Department of Health Treatment and Rehabilitation Center sa Bicutan at sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal at suporta sa pagbili ng mga kagamitan na siya namang ilalagay sa mga paaralan para sugpuin ang problema ng “bullying.”
Dahil na rin sa pinaigting na pagsisikap ng lungsod ng Taguig sa pagbibigay proteksyon sa karapatan at kapakanan ng mga kabataan, ito ay nakatanggap ng “Seal of Child Friendly Governance” mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa loob ng magkasunod na taong 2014 at 2015.
Idinagdag pa ni Mayor Lani na ang lungsod ng Taguig ay di lamang dapat maging tahanan ng mga kabataang tumatanggap ng de-kalidad na edukasyon, pero maging ligtas na tahanan din na nagbibigay proteksyon at kalinga sa mga kabataan.
###