Taguig City receives E-readiness award


Taguig City was among the top 10 cities recognized for the excellent use of information and communication technologies for the advancement of the delivery of services during the 2014 E-readiness Leadership Awards held last June18 at the Hotel Intercontinental Manila.

E-readiness reflects that local governments are inclined to adapt e-Government. E-governments allow a competitive edge in the global market place, creating an investment environment that can help drive local and foreign investors.

“Our efforts to adapt technology in our changing times have paid off. Technology is an effective tool in our campaign for faster and more efficient delivery of services,” said Mayor Lani Cayetano, saying that the award is indeed an honor for the city.

She added that the award shows that the city’s efforts on revenue/tax collections, as well as the promotion of transparency in the local government improved with the use of the Information and Communications Technology (ICT).

The awarded cities were chosen through the E-readiness Assessment Survey conducted by the Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Science and Technology (DOST) and the Department of Trade and Industry (DTI).

143 cities were assessed for their (1) ICT capability, (2) technology environment and (3) web presence maturity. Other sub-indicators are presence of an ICT development plan, internet connectivity, and the presence of an ICT/MIS unit.

“We are in fast-paced and changing society and we, in the local government, want to adapt to that. The main concern here is how we can further the services, and with the system and technologies provided, I think that in Taguig, it is possible,” the local chief executive said.

Other cities recognized were: Cagayan de Oro City, Cebu City, Mandaluyong, San Fernando City, Pampanga, Balanga City, Bataan, Angeles City, Batangas City, Valenzuela and Makati City. ####

FILIPINO VERSION:

Taguig, tumanggap ng E-readiness award

Napabilang ang Taguig City sa sampung lungsod na kinilala sa 2014 E-readiness Leadership Awards para sa kanilang mahusay na paggamit ng information and communication technology para sa ikauunlad ng paghahatid ng serbisyo noong ika-18 ng Hunyo sa Hotel Intercontinental Manila.

Ang E-readiness ay nagpapakita na ang mga lokal na pamahalaan ay may kakayahang maging E-government. Ang isang E-government ay kayang makipagsabayan sa global market place upang mapalakas ang investment environment at makahikayat ng mga lokal at dayuhang negosyante.

“Ito ay bunga ng ating pagsisikap na makasabay sa mga bagong teknolohiya sa panahong ito. Ang teknolohiya ay isang mabisang paraan sa ating kampanya para sa mas mabilis at mas epektibong paghahatid ng serbisyo,” sabi ni Mayor Lani Cayetano. Kanya ring idinagdag na ang pagkilala ay isang karangalan para sa lungsod.

Ayon pa sa kanya, ang karangalan ay nagpapakita lamang na ang revenue at tax collection, pati na rin ang pagtataguyod ng transparency sa pamahalaang lokal ay mas napabuti sa tulong ng Information and Communications Technology (ICT).

Ang mga naparangalang lungsod ay pinili sa pamamagitan ng E-readiness Assessment Survey na isinagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Science and Technology (DOST) at ng Department of Trade and Industry (DTI).

143 syudad ang sinukat sa kanilang (1) kapasidad sa ICT, (2) technology environment at (3) web presence maturity. Ang iba pang pamantayan ay ang kanilang pagkakaroon ng ICT development plan, pagkakaroon ng internet connection at ang pagkakaroon ng ICT/MIS unit.

“Tayo ay nasa pabago-bagong lipunan, at nais nating makasabay ang lokal na pamahalaan dito. Ang pangunahing layunin natin ay mapaunlad ang mga serbisyo, at sa tulong ng makabagong teknolohiya, kaya natin ito sa Taguig,” ani pa ng punong lungsod.

Ang iba pang kinilalang lungsod ay: Cagayan de Oro City, Cebu City, Mandaluyong, San Fernando City, Pampanga, Balanga City, Bataan, Angeles City, Batangas City, Valenzuela at Makati City. ####


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854