Taguig City to provide P1.5-million worth of calamity assistance to war-torn Marawi
The Taguig City government is extending a helping hand to a local government unit in need, this after its local council passed a resolution approving the release of P1,500,000 in calamity assistance to war-torn Marawi.
The resolution said the local council of Marawi declared the city under a state of calamity through Resolution No. 60, after “terrorist attacks” that saw the Maute Group and the military engaging in gunfights in Barangay Basak Malutlut on May 23.
It added that over 30,000 families or 140,000 individuals were displaced as a result, while property was “severely damaged.”
“We are very eager in helping our brothers and sisters. We want them to feel that they are not alone in this battle. We want this simple act to give them hope in their hearts,” Mayor Lani Cayetano, who primarily urged the council to provide the needed assistance to Marawi, said.
The lady mayor also asked everyone “to include the restoration of peace in Marawi City in their prayers,” as she enjoined everyone to do what they could to help. ###
FILIPINO VERSION
Taguig City gov’t maglalaan ng P1.5M ayuda para sa Marawi
Nakahandang maglaan ang Taguig City government ng halagang P1.5 milyong pondo para sa lokal na pamahalaan ng Marawi City upang tulungang ibangong muli ang lungsod mula sa nagaganap na kaguluhan.
Ito ay matapos aprubahan ng konseho ng Taguig ang isang resolusyon na naglalayong bigyan ng P1.5 milyong calamity assistance ang pamahalaang lokal ng Marawi.
Ayon sa inaprubahang resolusyon, ang lungsod ng Marawi ay idineklarang nasa ilalim ng state of calamity base sa anunsyo ng Marawi Local Council sa kanilang Resolution No. 60, dahil sa atake ng mga terorista na Maute group. Kasalukuyang nasa estado ng giyera ang mga sundalo at terorista simula pa noong Mayo 23.
Mahigit nang 30,000 na pamilya o 140,000 katao ang nawalan ng tirahan at hanap-buhay dulot ng giyera na sumira na rin sa milyun-milyong halaga ng ari-arian sa Marawi.
“Kami po sa Taguig ay handang maglaan ng tulong sa ating mga kapatid sa Marawi. Nais naming maramdaman ng ating mga kapwa Pilipino sa Mindanao na hindi sila nag-iisa o napapabayaan sa kabila ng kaguluhang ito sa Marawi. Maliit man o malaki kung maituturing ang halaga na aming inilalaan para sa Marawi, ito naman ay tunay na galing sa aming puso,” saad ni Mayor Lani Cayetano, na naghikayat sa konseho ng Taguig na tumulong sa mga biktima sa Marawi.
Hinihikayat din ng alkalde ng Taguig ang lahat na palaging isama sa dasal ang ating mga kababayan sa Marawi kasama na ang mga sundalo na lumalaban sa ngalan ng kapayapaan at kaayusan. ###