Taguig City to provide P3-million worth of calamity assistance to Albay
The Taguig City government is extending a helping hand to the province of Albay, with its Sangguaniang Panlungsod approving the release of P3,000,000 in calamity assistance to Albay residents.
The assistance came on the heels of the declaration of the Sangguniang Panlalawigan of Albay placing the province under a state of calamity after the continuous eruption of Mayon Volcano from January 13 to January 19.
Taguig City’s P3 million assistance includes a total of 3,000 relief goods consisting of hygiene kits, face masks, rice and canned goods.
The city also started on Sunday at Bagumbayan Central School in Legazpi City its medical mission which provided free medical assistance to the families living in the evacuation center. Free checkups and medicines were also provided to the residents. The medical mission will continue in Sto. Domingo town in Albay on Monday.
“We’ve seen the news and we know that they really need our help. We hope that through this simple act, we will be able to give them hope and love,” Taguig City Mayor Lani Cayetano, who also hails from Albay, said.
Mayor Lani also asked everyone to include the safety and well-being of the Filipinos affected in the province of Albay in their thoughts and prayers.
The financial assistance being extended by Taguig City is just the latest of the regular help that it extends to other local government units.
When Typhoon Nina severely struck Bicol Region in December 2016, Taguig City provided a P9-million calamity assistance. Taguig City Mayor Lani Cayetano, Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, together with Vice Mayor Ricardo “Ading” Cruz Jr. and some city councilors, also personally visited the provinces of Albay and Camarines Sur and the people of the areas adversely affected by the typhoon.
And last September 2017, House Deputy Speaker and Taguig 2nd District Rep. Pia Cayetano and other city officials made a personal visit to Marawi residents and turned over 46 crates of relief goods to the disaster operation center of Department of Social Welfare and Development Region 10 in Marawi City.
The city also handed a P1-million calamity assistance to the residents affected by Typhoon Lawin which lashed the provinces of Kalinga, Apayao, Mountain Province, Abra and Benguet in October 2016. In January 2014, the local government also turned over a total of P1.25 million in calamity assistance funds to five municipalities in Eastern Samar hit by Super Typhoon Yolanda.
“Taguigeños will continue to give assistance to our fellow Filipinos. We will always try to extend our support as much as we can to those who are really in need,” Mayor Lani added. ###
FILIPINO VERSION
P3-M calamity assistance inilaan ng Taguig City para sa Albay
Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ng Taguig ang P3-milyon calamity assistance para sa lalawigan ng Albay at sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Mayon.
Ang tulong pinansyal na nakatakdang ilaan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ay upang makatulong sa pagbangon muli ng mga apektadong residente ng Albay, kung saan isinailalim ito sa state of calamity matapos ang mga pagsabog ng bulkan mula January 13 hanggang January 19.
Kasama sa P3-milyon tulong ng Taguig City ang 3,000 relief goods na naglalaman ng mga hygiene kits, face masks, bigas at mga pagkaing de lata.
Sinimulan na rin ng lungsod ngayong Linggo sa Bagumbayan Central School sa Legazpi City ang medical mission na nagbigay libreng medical assistance para sa mga pamilyang lumikas sa nasabing evacuation center. Libreng check up at libreng gamot ang inilaan ng Taguig para sa mga residente. Magpapatuloy ang medical mission sa bayan ng Sto. Domingo, Albay sa Lunes.
“Napanood natin sa telebisyon at nabasa sa mga balita ang sinapit ng Albay dulot ng pag-alburuto ng bulkang Mayon. Kaya naman alam natin ang kalagayan ng mga residente doon. Nandito tayo upang bigyan sila ng pag-asa at pagkalinga sa pamamagitan ng simpleng tulong mula sa Taguig,” wika ni Mayor Lani Cayetano na tubong Albay.
Hiniling din ni Mayor Lani sa mamamayan lalo na sa mga Taguigeño na isama sa panalangin ang maayos at ligtas na kalagayan ng bawat residente ng Albay sa panahong ito.
Ang tulong pinansyal ng Taguig City ay isa lamang sa regular na inisyatibo ng lungsod upang makatulong sa kapwa LGU na nangangailangan sa panahon ng kagipitan at kalamidad.
Noong panahon ng bagyong “Nina” na nanalasa sa rehiyon ng Bicol noong December 2016, nakapagbigay ang Taguig City ng mahigit P9-milyong calamity assistance. Kasama sina Mayor Lani, Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, pati na rin sina Taguig Vice Mayor Ricardo “Ading” Cruz Jr. at ilang konsehal na nagtungo sa Albay at Camarines Sur upang bisitahin at tugunan ang ilang pangangailangan ng mga residenteng nasalanta ng bagyo.
Nito lamang September 2017, si House Deputy Speaker at Taguig 2nd District Rep. Pia Cayetano, kasama ang mga ilang opisyal ng Taguig City hall ay nagtungo sa Marawi upang bigyan ang mga residente ng mahigit 46 crates ng relief goods sa pakikipagugnayan sa disaster operation center ng Department of Social Welfare and Development Region 10 sa Marawi City.
Nagbigay rin ang Taguig ng P1-milyon calamity assistance sa mga apektadong residente ng Kalinga, Apayao sa Mt. Province at Abra sa Benguet na sinalanta ng Typhoon Lawin noong October 2016.
Noong January 2014, nakapaglaan din ng kabuuang P1.25 milyon calamity assistance funds ang Taguig para sa limang munisipalidad sa Eastern Samar na tinamaan ng Super Typhoon Yolanda.
“Ang mga Taguigeño ay patuloy na magbibigay ng tulong sa ating kapwa Pilipino. Palagi po kaming narito at handang ibigay kung ano man ang kayang ilaan ng lungsod upang makatulong sa kaginhawahan ng mga apektado nating kababayan,” saad pa ni Mayor Lani. ###