Taguig City to take part in DSWD’s Cash-for-Work program this year


Think it’s impossible to help save the environment and earn cash at the same time?

Thanks to the government, in Taguig it’s possible!

The government is giving 3,000 Taguigeños the chance to earn the extra money through a Cash-for-Work (CFW) program — a Department of Social Welfare and Development initiative done in partnership with the Department of Environment and Natural Resources (DENR) under the Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) fund.

Launched in 2015, Cash-for-Work allows indigent, unemployed, underprivileged or distressed individuals to earn for 10 days–75 percent of the daily minimum wage set by the Department of Labor and Employment (DOLE)–as they participate in or undertake preparedness, mitigation, relief, rehabilitation or risk reduction projects and activities in their communities or in evacuation centers.

In Taguig, beneficiaries of the program are beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), solo parents, drug surrenderees, persons with disability, and senior citizens who can still work.

The 3,000 CFW beneficiaries will be assigned to do different work during the ten days–the 1,000 will do urban gardening in vacant and unused lots across the city, while the first 2,000 recipients will help in the clearing operations of water lilies in Hagonoy Creek along C-6 Road.

Water lilies that can be used will be processed to create handicrafts under the Taguig Waterlily Livelihood Center headed by Taguig City Councilor Gigi Valenzuela De Mesa.

The rest of the water lilies will be used for charcoal briquetting and as compost for urban gardens and farms.

“Taguig City is also at risk when it comes to climate change. That’s why we are very grateful for this opportunity because it will not only generate an extra income for our constituents but also encourage them to help in maintaining cleanliness of our environment,” Taguig City Social Welfare and Development Office officer-in-charge Nikki Rose Operario said.

The project is only one of many implemented by the government to ensure the welfare of Taguigeños.

The CSWDO has, for instance, already increased the burial assistance to qualified residents–families of indigent persons who have been Taguig residents for at least five (5) years prior to their death—from P15,000 to P20,000 in 2016.

World War II (WWII) veterans and their spouses, including those listed as widows of WWII veterans can also avail of burial assistance amounting to P20,000, up from the previous P10,000.00.

The CSWDO also provides interventions for the prevention of violence and child trafficking or exploitation through community education, among others.

FILIPINO VERSION

Taguig makikibahagi ngayong taon sa Cash-for-Work program ng DSWD

Imposible bang kumita ng pera habang tumutulong na maging malinis ang kapaligiran?

Para sa pamahalaang lungsod ng Taguig, ito ay posible!

Sa Taguig City, mabibigyan ng pagkakataon ang mahigit 3,000 Taguigeño na kumita ng karagdagang pera sa pamamagitan ng Cash-for-Work (CFW) program. Ito ay isa sa pangunahing programa ng Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilalim ng Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) fund.

Inilunsad noong 2015, ang Cash-for-Work program ay layuning magbigay sa mga mahihirap, walang trabaho at mga nangangailangang kababayan ng pagkakataong kumita sa loob ng sampung araw ng mahigit 75 porsyento ng daily minimum wage na itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kailangan lamang na makilahok sa paghahanda, sa relief operation, rehabilitation o risk reduction projects sa kanilang komunidad o evacuation centers.

Sa Taguig, ang mga nabigyan ng pagkakataon na makilahok sa programa ay mga nasa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga solo parent, drug surrenderees, may mga kapansanan, at senior citizens na meron pang kakayanang magtrabaho.

Ang 3,000 na benepisaryo ng CFW ay sasailalim sa sampung araw na iba’t-ibang trabaho. Mahigit sa 1,000 sa kanila ang magsasagawa ng urban gardening sa mga bakante o hindi na nagagamit na mga lote, samantalang ang unang 2,000 na kasapi ay tutulong naman sa clearing operations ng mga water lilies sa Hagonoy Creek sa kahabaan ng C-6 Road.

Ang mga water lilies na makukuha ay pwede ring maging bahagi ng mga handicraft na gagawin sa ilalim ng Taguig Waterlily Livelihood Center sa pangunguna ni Taguig City Councilor Gigi Valenzuela De Mesa.

Ang iba namang water lily ay magiging bahagi ng charcoal briquetting o mga uling at bilang compost para sa urban garden at farm.

“Ang lungsod ng Taguig ay apektado rin ng climate change, kaya naman kami ay natutuwa na hindi lamang mabigyan ng pagkakataon na kumita ng pera ang ating mga kababayan kundi mahimok din silang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran,” wika ni Taguig City Social Welfare and Development Office officer-in-charge Nikki Rose Operario.

Ang proyektong ito ay isa lamang sa maraming ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang tulungan ang kapakanan ng mga Taguigeño.

Bukod pa rito, ang CSWDO ay nagtaas na ng burial assistance para sa mga kuwalipikadong residente, kagaya ng mga mahihirap na pamilyang nakatira sa Taguig nang mahigit limang (5) taon na bago kamatayan. Ang halaga ng burial assistance ay itinaas na sa P20,000 noong 2016, mula sa P15,000.

Ang mga World War II (WWII) veterans at kanilang asawa, kasama na ang mga naulilang asawa o nakalista bilang widows of WWII veterans, ay makakakuha na rin ng burial assistance sa halagang P20,000, mula sa dating P10,000.00.

Ang CSWDO ay gumagawa rin ng mga hakbang upang maisawata ang mga karahasan sa mga kabataan at kababaihan at matulungang masagip ang mga biktima ng child trafficking o exploitation sa pamamagitan ng pagbibigay edukasyon sa mga komunidad. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854