Taguig City University studes claim P5,000 financial assistance; additional P5,000 given as merit incentive for academic achievers  


Students at the city-run university received last month, financial assistance from Taguig City, enabled by a newly approved city ordinance granting students a scholarship allowance each semester plus merit incentives for students who excel in academics.

The new City Ordinance No. 08, Series of 2019 provides that all students at Taguig City University (TCU) would receive P5,000 in educational assistance every semester.

“Syempre nung umpisa ay katulad din po ako ng iba na na-shock kasi una sa lahat ay zero tuition fee na nga — as in 100% na full scholarship na kami,” said beneficiary Dominic H. Dalaguit. He is a freshmen studying Bachelor of Science in Entrepreneurial Management. He is the youngest of 6 siblings.

Dalaquit said he would add some of the assistance to his savings and share the rest to his parents.

Edralyn A. Hernani, a senior Psychology student, shared the same thankful spirit: “Sobrang happy ko po… Big help siya sa parents in terms sa gastusin sa school.” Hernani plans to use the financial help to finish her thesis. She is a graduating student, who since her elementary days, benefitted from the comprehensive educational assistance of Taguig.

Still under the ordinance, the cream of the crop at TCU can receive an added P5,000 each semester.

The merit incentive will go to students garnering a general weighted average (GWA) of at least 1.75 with no failing and incomplete marks or dropped subjects in the preceding semester.

“While these students are already considered full scholars of the city since the local government shoulders all their tuition fees and miscellaneous expenses, we are fully aware that they still have other education-related expenses to deal with, hence, this ordinance that will encourage them to continue pursuing their dreams,” said Taguig City Mayor Lani Cayetano.

An interested TCU student can qualify for the scholarship program if he/she is a bonafide resident of Taguig City for at least three years immediately preceding the application; of good moral character; a duly registered voter of Taguig City if the applicant is already 18 years of age and, if not, at least one of his/her parents is a duly registered voter of Taguig City.

For the merit incentive, the Registrar’s Office of TCU will provide the list of regular college students with qualified GWA at the end and before the start of each semester.

The applicants for both grant will be evaluated by the Screening Committee created and authorized by the City Mayor.

The ordinance took effect on the second semester of the current school year 2018-2019.

The move is only one of several proofs that quality does not come with a price at TCU, which for years has provided tertiary education to Taguigeños at no cost to them.

The  City of Taguig is transforming TCU into a university offering quality education. All programs and courses at the city-run university are CHED accredited/recognized. Passing rates for the licensure examination for criminologists, teachers and psychometricians are higher than the average national passing rates. TCU has also recently produced a topnother (8th) in the Criminologist Licensure Examination. The city has also made sure that sound policies are implemented in TCU including a competitive and fair entrance examination and a No-Collection policy.

Under Mayor Lani Cayetano’s administration, the probinsyudad has continued emphasizing education, devoting the highest budget to its educational programs from preschool to college.

The City of Taguig also continues to implement the Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI), a scholarship program designed to cater to all Taguigeño youth. Its coverage has only increased through the years as, in July 2017, the city government of Taguig raised scholars’ allowances. The packages now range from P15,000 to P60,000, depending on the type of scholarship a student has availed.

In addition to all these, Taguigeño students in public schools receive free school supplies before the start of each school year. These freebies include shoes, school bags, uniforms, raincoats, notebooks, hygiene kits, and emergency grab bags.

Mayor Cayetano noted that all the initiatives in education were toward a vision of a more porgressive probinsiyudad.

“We dream of a better Taguig City. What we can do as a city in order to fulfill this is to provide various initiatives that will allow our children to dream and have the means to fulfill them,” she said.###

FILIPINO VERSION

Estudyante ng TCU may P5K ayudang pinansyal; karagdagang P5K bilang merit incentive para sa mga academic achiever

 

Nakakuha na nitong Marso ang mga estudyante ng Taguig City Unversity (TCU) ng kanilang ayudang pinansyal bunsod ng kaka-apruba pa lang na city ordinance kung saan bibiyayaan ang mga  estudyante ng scholarship allowance kada semestre at may karagdagan pang merit incentives para naman sa mga estudyanteng nagta-top sa kanilang academics.

Sa bagong City Ordinance No. 08, Series of 2019, bibigyan ang lahat ng estudyant ng TCU ng P5,000 na educational assistance kada semestre.

“Syempre nung umpisa ay katulad din po ako ng iba na na-shock kasi una sa lahat ay zero tuition fee na nga — as in 100% na full scholarship na kami,” wika pa ng benepisaryo na si Dominic H. Dalaguit, na isang freshman na kumukuha ng Bachelor of Science in Entrepreneurial Management. Siya ang pinakabata sa anim na magkakapatid.

Saad pa ni Dalaquit na iipunin niya ang makukuha niyang pera at ibabahagi naman ang iba sa kanyang mga magulang upang tulong sa mga gastusin sa bahay.

Si Edralyn A. Hernani naman, na isang senior Psychology student, ay malaki rin ang pasasalamat sa Taguig sa nakuha niyang tulong.

“Sobrang happy ko po… Big help siya sa parents in terms sa gastusin sa school,” wika pa niya. Ayon pa sa kanya, plano niyang gamitin ang pera upang tustusan ang mga gastos niya sa pagkuha ng thesis. Si Hernani ay isang graduating student na mula pa noong elementarya ay naging scholar din sa ilalim ng comprehensive educational assistance ng Taguig.

Sa ilalim pa rin ng bagong ordinansa, ang mga estudyante na makakakuha ng mataas na grado o nasa top students ng TCU ay may karagdagang benepisyo na P5,000 kada semestre.

Sa merit incentive, ang mga estudyante na may general weighted average (GWA) na 1.75 at walang bagsak o incomplete na marka o dropped subjects sa preceding semester ay pasok sa insentibo.

“While these students are already considered full scholars of the city since the local government shoulders all their tuition fees and miscellaneous expenses, we are fully aware that they still have other education-related expenses to deal with, hence, this ordinance that will encourage them to continue pursuing their dreams,” saad naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Ang interesadong TCU student ay pwedeng mag-qualify sa scholarship program basta lamang na ito ay bonafide na residente ng Taguig City at may residency na ng tatlong tatlong taon; may good moral character; isang rehistradong botante ng Taguig City kung siya ay 18 taong gulang, at kung hindi pa ay dapat kahit na isa sa kanyang mga magulang ay isang rehistradong botante ng Taguig City.

Para naman sa merit incentive, ang mismong Registrar’s Office ng TCU mismo ang magbibigay ng listahan ng regular college students na kwalipikado sa GWA sa katapusan at bago magsimula ang kada semestre.

Ang mga aplikante ng nasabing programa ay sasailalim ng evaluation ng Screening Committee na binuo at pinahintulutan ng City Mayor.

Ang ordinasang ito ay naging epektibo noong second semester ng kasalukuyang school year 2018-2019.

Ang inisyatibong ito ng Taguig City government ay isa lamang na patunay na ang kalidad ng edukasyon ay hindi magastos at mahal para sa mga estudyante at kanilang magulang lalo na sa mga taga-TCU. Ang TCU ay ilang taon na nagbibigay ng libreng edukasyon para sa mga nais makakuha ng kalidad na edukasyon.

Ang City of Taguig ay humuhubog sa TCU upang ito ay patuloy na maging isang unibersidad na may mataas na kalidad. Ang lahat ng programa at mga kurso sa TCU ay pawang mga CHED accredited/recognized.

Ang passing rates para sa licensure examination ng criminologists, guro at psychometricians sa TCU ay may mas mataas sa average national passing rates. May topnotcher (8th) na nagmula sa TCU sa Criminologist Licensure Examination. Ang Taguig City ay sinisiguro na may maayos at sistematikong polisiyang ipinapatupad sa TCU kasama na ang competitive at fair entrance examination at ang No-Collection policy.

Sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Lani, ang tinaguriang “probinsyudad” ay patuloy na binibigyang halaga ang edukasyon sa mga bata, kung saan malaking pondo ang ibinubuhos ng lokal na pamahalaan sa mga educational program nito mula sa preschool hanggang kolehiyo.

Patuloy pa rin ang pagpapatupad sa Taguig ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI), na isang scholarship program na dinisenyo sa lahat ng Taguigeño youth. Patuloy ang karagdagang coverage sa mga scholarship nito sa loob ng mga nakaraang taon.

Noong July 2017, ang city government ng Taguig ay itinaas ang halaga ng allowance para sa mga scholars. Ang halaga ngayon ay aabot na sa P15,000 hanggang P60,000, depende kung anong klase ng scholarship ang pinasukan ng estudyante.

Bukod pa rito, ang mga estudyanteng Taguigeño sa public schools ay palaging may libreng school supplies bago pa magsimula ang klase kada taon. Ang mga freebies na ito ay sapatos, school bags, notebooks, uniforms, raincoats, hygiene kits, at emergency grab bags.

Saad pa ni Mayor Lani na ang mga inisyatibong ito ay upang itaas ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay sa mga bata at sa gayun ay maging mas progresibo ang “probinsyudad” sa darating na panahon.

“We dream of a better Taguig City. What we can do as a city in order to fulfill this is to provide various initiatives that will allow our children to dream and have the means to fulfill them,” wika pa ni Mayor Lani.###

 


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854