Taguig City’s hospital gets an upgrade
ICU facility now fully operational
The city government of Taguig has dramatically improved the scope and quality of service at the Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) by recently opening its fully furnished Intensive Care Unit (ICU).
The ICU at the TPDH is a special department that provides intensive treatment with brand new medical equipment. The ICU facility has sections for adults (10 beds), pediatric (6 beds), and newborn (12 beds).
The ICU caters to patients with severe and life-threatening illnesses and injuries and who require constant and close monitoring from specialists and staff using high-tech equipment and medications. The new ICU will be manned by highly trained doctors and nurses who specialize in caring for critically ill patients.
“We simply owe it to our constituents. This upgrade in medical treatment is a testament to our determination to give Taguigeneos the best service that their local government can deliver,” said Taguig Mayor Lani Cayetano.
“The city government of Taguig has been working hard to open and operate an ICU which is really needed by its residents,” added Dr. Quilatan. With the new ICU, Taguig residents will no longer have to go to neighboring city hospitals to avail of an ICU facility which is also variously known as an intensive therapy unit, intensive treatment unit, or critical care unit.
Since her first term in 2010, Mayor Lani Cayateno has been improving the facilities at the city hospital. TPDH now operates the Taguig City Human Milk Bank, a Mammography Center, a CT scan facility, the Taguig Social Hygiene Drop-in Center, and a TB DOTS clinic.
TPDH’s bed capacity has been increased over the years. Its ER bed capacity has doubled and it has a refurbished, fully-airconditioned emergency and operating rooms.
Last year, the Department of Health (DOH) recognized TPDH as a Mother-Baby Friendly Hospital.
Other significant improvements in health care services under Mayor Lani’s watch include the improved condition of the 31 Barangay Health Centers which are all Philhealth accredited; the establishment of four (4) Super Health Centers which offer 24/7 services; the implementation of door-to-door delivery of maintenance medicines for diabetes, asthma, and hypertension; the citywide eye check up and distribution of prescription glasses to senior citizens and students; the implementation of “Doctors On Call” program” (designed for quick response to emergency calls or text through dedicated hotline number); and free home care nursing services for bedridden patients.
The city also makes it a point to enroll indigent patients to PHILHEALTH and implements a “no balance billing” scheme which make their treatment at TPDH free-of-charge. ###
FILIPINO VERSION:
TPDH mayroon nang ICU facility
Binuksan na ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang Intensive Care Unit (ICU) facility ng Taguig Pateros District Hospital (TPDH).
Ang ICU ng TPDH ay nagtataglay ng mga bagong medical equipment. Mayroon itong sampung kama (10 beds) para sa adult, anim na kama (6 beds) para sa pediatric, at 12 kama (12 beds) para sa newborn.
Magagamit ng mga pasyenteng may maselan at malalang mga karamdaman ang ICU na pinangangasiwaan ng mga sinanay na doctor at nurse sa pangangalaga sa mga pasyenteng kritikal ang kalagayan.
“Obligasyon namin ito sa aming mga nasasakupan. Ang pagtataas sa kalidad ng gamutan ay isang patunay sa aming determinasyon na bigyan ng pinakamahusay na serbisyo ang mga Taguigeño,” pahayag ni Mayor Lani Cayetano.
“Ang pamahalaang lokal ng Taguig ay nagsumikap para magkaroon ng ICU ang pagamutan na kailangan ng mga residente,” dagdag ni Dr. Anna Richie Quilatan, ang officer-in-charge ng TPDH.
Dahil dito, hindi na kailangang magtungo sa ibang pagamutan ang mga residente ng lungsod na mangangailangan sa serbisyo ng ICU facility.
Sapul manungkulan noong 2010, tuluy-tuloy ang pagpapabuti ni Mayor Lani sa TPDH. Ngayon, mayroon na itong Taguig City Human Milk Bank, Mammography Center, CT scan facility, Taguig Social Hygiene Drop-in Center, at TB DOTS clinic.
Tumaas din ang bed capacity ng pagamutan. Ang ER bed capacity ay nadoble ang bilang at naayos na rin ang emergency at operating rooms na ngayon ay fully-airconditioned na.
Noong nagdaang taon, ginawaran ng Department of Health (DOH) ang TPDH ng titulong Mother-Baby Friendly Hospital.
Ang ilan pa sa mahahalagang pagbabago sa health care services sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lani ay ang pag-aayos ng 31 Barangay Health Centers na Philhealth accredited na ngayon; ang pagtatayo ng apat na Super Health Centers na nagbibigay ng 24/7 na serbisyo; ang door-to-door delivery ng mga maintenance medicine para sa diabetes, hika, at alta presyon; ang city wide eye check-up at pamimigay ng mga may gradong salamin sa mata para sa mga senior citizen at mga estudyante; ang Doctors On Call program na kung saan mabilis na natutugunan ang mga emergency call ng mga residente; at ang libreng home care nursing services para sa mga pasyenteng hirap nang bumangon.
Tinitiyak din ng pamahalaang lungsod na ienrol sa Philhealth ang mga pasyenteng walang kakayahang magbayad ng serbisyo ng ospital at ipinatutupad nito ang “no balance billing” dahilan kung bakit nagiging libre na ang kanilang pagpapagamot sa TPDH. ###