Taguig COMELEC demos PCOS machines to public
The Commission on Elections in Taguig is gearing up for the coming local elections this May as it urges voters to participate in the demonstration of the poll machines now being held at the ground floor of Puregold Supermarket beside the city hall in Barangay Tuktukan.
At the same time, Taguig election officer Atty. Michael Camangeg also encouraged those qualified to vote on May 13 to verify their respective precincts in order to avoid confusion when election time comes.
“Araw-araw po mula Lunes hanggang Biyernes ay bukas ang aming tanggapan para umalalay at maipaalam sa kanila kung saang lugar sila boboto. Sa ganitong paraan ay hindi na magkakaroon pa ng kalituhan ang mga botante,” he said.
Taguig has a total of 325,498 registered voters in 377 clustered precincts, for a total of 2,023 polling precincts all over the city.
The demo of the PCOS machines, Camangeg said, will run in the said venue until April 30 from 9 a.m. to 5 p.m., Mondays through Saturdays.
He explained that the demonstration is being undertaken to help voters familiarize themselves with the use of the PCOS machines in order to avoid any delays come May 13.
Comelec-Taguig personnel, he said, will be manning the demonstration area and will be ready to answer all questions of the public in relation to the elections. ###
FILIPINO VERSION:
Puspusan na ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) Taguig sa papalapit na halalan sa Mayo. Kasabay nito ay hinihimok din nila ang mga botante na lumahok sa PCOS machine demonstration na ginagawa sa ground floor ng Puregold Supermarket katabi ng city hall sa Barangay Tuktukan.
Hinihikayat din ni Taguig election officer Atty. Michael Camangeg ang mga botante na alamin kung saang presinto sila dapat bumoto upang maiwasan ang kalituhan pagdating sa araw ng botohan.
“Araw-araw po mula Lunes hanggang Biyernes ay bukas ang aming tanggapan para umalalay at maipaalam sa kanila kung saang lugar sila boboto. Sa ganitong paraan ay hindi na magkakaroon pa ng kalituhan ang mga botante,” pahayag nito.
Ang Taguig ay may kabuuang 325,498 na bilang ng mga botante. Mayroon itong 377 clustered precincts para sa kabuuang 2,023 na presinto sa lungsod.
Sinabi ni Camangeg na ang PCOS demonstration ay tatagal hanggang April 30, mula Lunes hanggang Sabado sa pagitan ng alas 9 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Ipinaliwanag ni Camangeg na ginagawa ito upang maging pamilyar ang mga botante sa paggamit ng PCOS machine at makaiwas sa antala sa kanilang pagboto sa May 13.
Ang mga kawani ng COMELEC-Taguig aniya na siyang nangangasiwa sa PCOS demonstration ang siyang magtuturo ng tamang paraan sa pagboto bukod pa sa nakahanda rin silang sagutin ang anumang katanungan na may kinalaman sa halalan.