Taguig conferred with prestigious Nutrition Honor Award


 

Highest nutrition distinction

 

Taguig City has added another feather on its cap!

 

The city government received on Friday another award from the National Nutrition Council (NNC) for being among the top local government units across the country with outstanding nutrition programs since 2013.

 

Taguig is the only city from the National Capital Region to receive the prestigious National Nutrition Award, the highest distinction given by the NNC to an LGU in recognition of its outstanding planning, management and implementation of local nutrition programs.

 

“We are so happy about this!” an ecstatic Julie Bernabe, Taguig City Nutrition Action Officer, said.

 

According to Bernabe, the journey to the top was not easy. For the city to get this prestigious recognition, Taguig had to hurdle the requirement of getting an award for six consecutive years.

 

She recalled the sleepless nights of planning and the countless visits of the City Nutrition Office’s personnel to all of Taguig’s barangays to ensure everyone had proper nutrition.

 

In 2013, Taguig received the Green Banner award, which is given to a city, municipality or province which has shown a very satisfactory performance in its implementation of nutrition programs.

 

The city again received the award in 2014 and 2015, further inspiring city officials.

 

But the awards did not stop there.

 

For being a recipient of the Green Banner Award for three consecutive years, Taguig was named the Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition again for three consecutive years, from 2016 to 2018.

 

In 2018, then-Mayor and now-Taguig 2nd Dist. Rep. Lani Cayetano described the CROWN award as a proof of the hard work of the city to achieve its goals in nutrition.

 

“This is a testament to our city’s collaborative hard work in providing quality health programs for our constituents,” Cong. Lani added.

 

Recognized through the awards are the city’s programs aimed at eradicating malnutrition–the “Laging Alagaan Nutrisyon ni Inay” where pregnant women especially those in their teenage years are taught a balanced diet and a healthy lifestyle to ensure a safe pregnancy, the Operation Timbang Plus in which the height and weight of children aged 0-5 years old are collated to determine the child’s nutritional status, and from there, come up with complementary programs.

 

Under the Dietary Supplementation Program, undernourished children are fed for a period of 120 days to help them get the nutrition they need.

 

“The awards for me are but proof  that the Taguig government genuinely cares about its constituents, so much so the city government goes all out, and I mean all out, to ensure the residents’ nutritional wellbeing,” Bernabe said.

 

The Taguig government will surely not stop there.

 

Under the leadership of Mayor Lino Cayetano, the city’s health programs shall be expanded and intensified under his 10-point agenda.

 

“We will prioritize preventive healthcare services and curative health services through additional nutrition programs; improved health services in health centers; programs for sports and wellness and build linkages with other healthcare facilities to improve the medical assistance in the city,” Mayor Lino said.

 

Nutrition is only one of the many areas of health prioritized by the City of Taguig. In the probinsyudad, free medicines, wheelchairs, crutches and hearing aids are delivered to the doorsteps of the residents. Physical therapists, nurses and other medical personnel also visit debilitated patients in their homes to respond to their medical needs and teach their families how to properly take care of them.

 

Aside from these, Taguig also runs 31 health centers plus 3 super health centers which are open 24/7. All these centers are Philhealth accredited.###

 

FILIPINO

 

Pinakamataas na pagkilala sa larangan ng nutrisyon

Taguig nagawaran ng prestihiyosong Nutrition Honor Award

 

Nadagdagan na naman ang listahan ng tagumpay ng Taguig City dahil sa panibagong pagkilala sa larangan ng nutrisyon.

 

Tinanggap ng pamahalaang lungsod ng Taguig ngayong Biyernes ang award mula sa National Nutrition Council (NNC) sa pagiging pinakamataas na local government unit sa buong bansa na may maayos at mabisang nutrition programs simula pa 2013.

 

Ang Taguig ang nag-iisang syudad sa buong Metro Manila na nakakuha ng prestihiyosong Nutrition Honor Award, ang pinaka-mataas na pagkilala na ibinibigay ng NNC sa LGU na may mahusay na pagpa-plano, pagsasaayos ng implementasyon ng lokal na programang pang-nutrisyon.

 

“Nagagalak tayo dahil sa wakas ay nakuha na natin ang award na ito makalipas ang ilang taon ng pagsisikap!” saad ni Julie Bernabe, Taguig City Nutrition Action Officer.

 

Ayon kay Bernabe, ang biyahe patungo sa pinakamataas ng pagkilalang ito ay hindi naging madali. Para makuha ng Taguig ang prestihiyosong pagkilalang ito, kinailangan ng lungsod na paghirapang makakuha ng award sa loob ng 6 na sunud-sunod na taon.

 

Gunita pa niya na halos hindi na nakakatulog ang mga kawani para sa pagpa-plano ng masusing programa at sa palagiang pagbisita ng kanyang mga tauhan sa City Nutrition Office sa mga bara-barangay upang masiguro na ang lahat, bata man o matanda, ay nakakakuha ng sapat at maayos na nutrisyon.

 

Noong 2013, ang Taguig ay nabiyayaan ng Green Banner award, na ibinibigay sa isang lungsod, munisipalidad at probinsya na nagpapakita ng maayos na pagpapatupad ng programang pang-nutrisyon.

 

Ang lungsod ng Taguig ay nabigyang muli ng Green Banner award noong 2014 at 2015, kung saan lalong ginanahan ang mga kawani na magpursige sa mga pagpapatupad ng mga programa.

 

Hindi rin natapos ang pagbuhos ng pagkilala.

 

Sa pagiging awardee ng Green Banner Award sa tatlong magkakasunod na taon, ang Taguig ay pinangalanang Consistent Regional Outstanding Winner (CROWN) in Nutrition ng tatlong magkakasuni na taon, mula 2016 hanggang 2018.

 

 

Noong 2018, ang dating mayor at ngayo’y Taguig 2nd Dist. Rep. Lani Cayetano ang nagsabi na ang CROWN award ay patunay ng pagsisikap ng lungsod upang makamit ang mga layunin para sa nutrisyon.

 

“Ito ay testamento ng pagkakaisa at pagsasamasama ng buong syudad na pagtrabahuhan ang pagbigay ng dekalidad na health programs sa mga Taguigeño,” wika ni Cong. Lani.

 

Ang mga kinilalang mga programa ng syudad ay upang masawata ang malnutrisyon ay ang “Laging Alagaan Nutrisyon ni Inay” kung saan ang mga buntis lalo na yung mga teenager pa lamang ay natuturuan ng balanse sa diet at maayos na healthy lifestyle upang masiguro ang ligtas na panganganak, ang “Operation Timbang Plus” kung saan ang bigat at laki ng mga bata edad 0-5 years old ay naitatala upang ma-monitor ang nutrition status ng kabataan, at mula rito ay ipapatupad ang mga programa upang mapanatili silang malusog at hindi mababa ang timbang at laki.

 

Sa Dietary Supplementation Program, ang mga undernourished na kabataan naman ay pinapakain ng 120 araw upang ibalik sila sa tamang timbang at nutrisyon na kinakailangan.

 

“Ang award na ito ay pruweba na ang Taguig City government ay sinserong nagmamalasakit sa mga Taguigeño, at buo ang pagbigay ng lungsod ng suporta sa tao upang masiguro ang kanilang nutritional wellbeing,” saad pa ni Bernabe.

 

Hindi pa rin titigil ang Taguig at palalakasin pa ang mga programang ito sa mga darating na taon.

 

Sa ilalim ng liderato ni Mayor Lino Cayetano, ang mga programang pangkalusugan ay palalakasin, palalawigin bilang kasama ito sa 10-point agenda ng bagong alkalde.

 

“Uunahin natin ang preventive healthcare services at curative health services sa pamamagitan ng mga karagdagang programang pangkalusugan; mas maayos na health services sa mga health center; programang pang-sports at wellness upang magkaroon ng tandem ito sa mga Healthcare Facilities bilang parte ng medical assistance sa syudad,” saad pa ni Mayor Lino.

 

Ang nutrisyon ay isa lamang sa maraming programa na nasa ilalim ng pagbibigay kalusugan na isinusulong ng City of Taguig. Sa probinsyudad, libre ang gamot, wheelchairs, saklay at hearing aids na dinadala mismo sa bahay ng nangangailangang residente. Ang mga physical therapist, nurses at iba pang medical personnel ay bumibisita rin sa mga pasyente sa kanilang bahay upang alamin ang kanilang kalusugan ang pangangailangang medikal at tinuturuan naman ang kanilang miyembro ng pamilya kung paano mag-alaga ng may sakit.

 

Bukod pa rito, ang Taguig ay patuloy na nangangalaga ng 31 health centers at tatlong super health centers na bukas 24/7. Ang lahat ng mga health centers na ito ay Philhealth accredited. ###

 

 

 


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854