TAGUIG EARNS ‘EXCELLENT’ RATING FOR ITS ANTI-RED TAPE EFFORTS
Taguig City has earned yet another accolade from the Department of Interior and Local Government (DILG) after it gave the city government a rating of “excellent” in cutting red tape.
In a letter to Taguig Mayor Lani Cayetano dated November 9, DILG National Capital Region Director Renato Brion sent a copy of the city’s Report Card based on a survey of its red tape efforts, where Taguig obtained a final grade of 90.11%, equivalent to a rating of “Excellent”.
“The City Government of Taguig scored 90.11, with a descriptive rating of Excellent. It passed all the five areas being rated which are compliance with ARTA provisions, frontline service provider, service quality, physical working condition, and overall satisfaction,” the DILG report said.
The survey was conducted by the DILG last July 5-9, 2012 in compliance with the provisions of Republic Act 9485 or the Anti-Red Tape Act of 2007 (ARTA).
The ARTA survey is used to obtain feedback on how the provisions of the Citizens Charter are being followed and how the agency is performing on delivery of services.
The survey is also conducted to determine an agency’s compliance with the provisions of RA 9485 such as the observance of “No Lunch Break” policy and posting of Citizen’s Charter, among others.
A total of 15 “frontline” services provided in the Office of the Civil Registry and City Health Office were covered by the DILG survey.
Among these frontline services, the most commonly availed of are: health certificate for local employment, change of surname in birth certificate, certified true copy of death certificate, certified true copy of birth certificate, and certified copy of birth certificate.
“Based on the overall result at the time of the survey, positive findings were given on most of the areas including no showing of hidden costs in the transactions, wearing of proper identification, high compliance with the service standards especially in the ‘maximum time to conclude process,’ ‘amount of fees,’ etc.,” the DILG said.
“Satisfaction rating in terms of Physical Working Condition such as physical setup/layout and provision of basic facilities got a considerable very good total rating,” the report added.
Mayor Lani, for her part, said that the DILG rating proves that her administration has made significant inroads in its anti-red tape campaign.
“We have instituted measures to streamline services in Taguig and make transactions easier and faster as part of good governance,” said Mayor Lani.
In July this year, the DILG cited Taguig as among the country’s Top 10 Highly Urbanized Cities for 2011 based on the Local Governance Performance Management System.
Also in 2011, a study conducted by the World Bank, the International Finance Corporation, and the Asian Institute of Management Policy Center entitled Doing Business in the Philippines 2011 named Taguig as one of the most business-friendly local government in the country.
In that same year, the Department of Budget and Management recognized Taguig City as the only local government among the Top 10 government departments or agencies in terms of compliance with President Benigno Aquino III’s Administrative Order No. 17.
AO No. 17, series of 2011, mandates the use of the Procurement Service (PS) and its Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) in the procurement of goods, services and civil works to enhance efficiency and eliminate corruption.
TAGALOG VERSION:
Isa pang pagkilala ang ipinagkaloob ng Department of Interior and Local government (DILG) sa lungsod ng Taguig matapos itong bigyan ng markang “excellent” sa paglaban sa red tape.
Kalakip ng liham ni DILG National Capital Region Director Renato Brion kay Taguig Mayor Lani Cayetano na may petsang Nobyembre 9 ang Rport Card kung saan ginawaran ang lungsod ng final grade na 90.11% na katumbas ng “excellent” rating sa survey para sa paglaban sa red tape.
“Nakakuha ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng gradong 90.11 na katumbas ng descriptive rating na Excellent. Pumasa ito sa lahat ng limang kategorya ARTA provisions, frontline service provider, service quality, physical working condition at overall satisfaction,” ayon sa DILG report.
Ang survey ay isinagawa ng DILG noong Hulyo 5 – 9, 2012 alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act 9485 o ng Anti-Red Tape Act of 2007 (ARTA).
Ginagawa ang ARTA survey para makakuha ng mga komento upang malaman talagang nasusunod ang mga probisyon sa Citizens Charter at ganun din ang kalidad ng serbisyo publiko.
Isa rin itong paraan para malaman kung nagagawa ng isang ahensya ang mga probisyon sa RA 9485 katulad ng “no lunch break” policy at ang pagpapaskil ng citizen’s Charter at iba pa.
May kabuuang 15 “frontline” service sa Office of the Civil Registry at City Health Office ang sakop ng DILG survey.
Sa mga naturang frontline services, pinaka-karaniwan ang mga sumusunod: pagkuha ng health certificate para sa empleyo, pagpapalit ng apelyido sa birth certificate, certified true copy ng death certificate, certified true copy ng birth certificate at certified copy ng birth certificate.
“Batay sa kabuuang resulta sa panahong ginawa ang survey, nakitaan ng positibong katangian karamihan sa mga serbisyo, kabilang na ang kawalan ng hidden cost sa mga transaksyon, paggamit ng pagkakilanlan, mataas na antas ng pagsunod sa service standards lalo na sa tagal bago matapos ang proseso, halaga ng babayaran, at iba pa,” ayon sa DILG.
“Nakakuha rin ng kaaya-ayang rating sa Physical Working Condition tulad ng physical setup/layout at provision of basic facilities,” dagdag pa ng report.
Para kay Mayor Lani, ang pinakahuling pagkilala mula sa DILG ay isang patunay na ang kanyang administrasyon ay nagtatagumpay sa kampanya nito para mabura ang red tape.
“Naglagay tayo ng mga paraan para maging mas maayos at mabilis ang serbisyo bilang bahagi ng ating programa para sa good governance,” ani Mayor Lani.
Nito lamang Hulyo ng taong kasalukuyan, ay kinilala rin ng DILG ang Taguig bilang isa sa Top 10 Highly Urbanized Cities ng 2011 batay sa Local Governance Performance Management System.
Taong 2011 din ng kilalanin ang Taguig sa pag-aaral na pinamagatang “Doing Business in the Philippines 2011” sa pagtutulungan ng World Bank, International Finance Corporation at ang Asian Institute of Management Policy Center, bilang isa sa most business-friendly local government sa bansa.
Sa parehong taon din ay kinilala ng Department of Budget and Management ang Taguig bilang tanging lokal na pamahalaan na kabilang sa Top 10 government departments o agencies na tumugon sa Administrative Order no. 17 ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sa ilalim ng AO NO. 17 Series of 2011 ay inaatasan ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na gamitin ang Procurement Service (PS) at ang Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) sa pagkuha o pagbili ng mga gamit at serbisyo sa layuning mawala ang korapsyon.