Taguig hikes benefits for WWII veterans, spouses


Good news for the World War II veterans in Taguig City.

 Mayor Lani Cayetano has announced an increase in the benefits being given by the local government of Taguig to the veteran officers of WWII and granted a monthly allowance to the bonafide war veterans residing in the city.

 Mayor Lani made the announcement during the wreath-laying ceremony for the 70th celebration of the Liberation of Taguig held at the Taguig City hall grounds on February 23.

 The city council has approved a series of city ordinances granting a monthly allowance and an increase in the benefits being extended to the WWII veterans in Taguig.

 The city is also providing other benefits for the veterans’ spouses and children, in recognition of their sacrifices, dedication and loyalty to the country.

 In a City Ordinance No. 53, Series of 2014 approved in December, the City Government of Taguig has granted an increase of P5,000 in the monthly allowance of the commander and secretary of the Veterans Federation of the Philippines (VFP) District 17 covering Taguig-Pateros.

With this new city ordinance, a veteran with a position of District Commander in the VFP Taguig-Pateros will get P7,000 monthly, from the previous P2,000; the Vice Commander will get P6,500, from the previous P1,500; and P6,000, from the previous P1,000 for the concurrent Secretary/Clerk/Post Commanders.

For the living WWII veterans residing in the city, Mayor Lani said the local government granted a monthly allowance of P5,000 for the veterans whose names are listed in the official roster of the city.

“We should reflect on the heroism of these few good Filipinos who stood their ground for the sake of our country’s freedom. It has been a while since their monthly allowance had been increased and now is the time to further increase the financial assistance being given to them by the City of Taguig,” Mayor Lani said.

 In a City Ordinance No. 54, Series of 2014, the city council also granted the increase in the burial assistance being extended to the recognized WWII veterans and their spouses, including those listed as widows of WWII veterans in the City of Taguig.

 Under this ordinance, veterans and their spouses, including those who are widows of veterans listed in the official roster of veterans in Taguig, are entitled to P20,000 burial assistance, from the previous P10,000.

 In a City Ordinance No. 55, Series of 2014, the city council also granted an increase in the monthly honorarium of personnel assigned at the Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) in Taguig-Pateros. These PVAO personnel are either sons or daughters of war veterans are serving at PVAO to deliver benefits and services to veterans and their families.

 The monthly honorarium of these PVAO personnel in Taguig-Pateros district will now be P1,500, from the previous P500.

 “These incentives are just a simple token of appreciation for the heroism shown by these brave soldiers who fought for our freedom during the World War II,” Mayor Lani pointed out. ###

FILIPINO VERSION:

Dagdag benepisyo, insentibo para sa WWII veterans sa Taguig

 Magandang balita para sa mga World War II veterans sa Lungsod ng Taguig.

 Malugod na ibinalita ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang karagdagang benepisyong ipinamamahagi ng pamahalaang Lungsod ng Taguig sa mga beteranong opisyal ng WWII, maging ang pagbibigay ng monthly cash allowance sa mga rehistradong WWII veterans sa Taguig.

 Una nang inihayag ni Mayor Lani ang pagtataas ng nakukuhang monthly cash allowance ng mga nakatalagang commander at secretary ng Veterans Federation of the Philippines (VFP) District 17 na sakop ang Taguig-Pateros.

 Inihayag ni Mayor Lani ang magandang balita sa selebrasyon para sa ika-70th Liberation of Taguig na ginanap sa Taguig City hall nitong nakalipas na February 23.

 Masayang inanunsyo ng alkalde na tatlong ordinansa ang ipinasa at inaprubahan ng city council ng Taguig, na ang layunin ay palakihin ang nakukuhang buwanang cash allowance ng mga beteranong opisyal at ang pagkakaroon naman ng buwanang cash allowance para sa mga kinikilalang beterano ng WWII na kasalukuyang naninirahan sa Lungsod ng Taguig.

 Kasama na rin dito ang pagbibigay ng insentibo sa mga anak at asawa ng mga beterano, bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan at pagpapahalaga sa kalayaan ng Pilipinas.

 Sa inaprubahang City Ordinance No. 53, Series of 2014, magbibigay ang Taguig ng karagdagang P5,000 sa nakukuhang buwanang allowance ng nakatalagang commander at secretary ng VFP District 17.

 Dahil dito, ang beteranong may posisyon na District Commander sa VFP Taguig-Pateros ay makakakuha na kada buwan ng P7,000, mula sa nakaraang P2,000; ang Vice Commander ay P6,500 mula sa nakaraang P1,500; at P6,000 naman para sa kasalukuyang Secretary/Clerk/Post Commanders, mula sa nakaraang P1,000.

 Ayon pa sa mayora, ang mga beterano na kasalukuyang naninirahan sa Taguig at opisyal na rehistrado sa talaan ng veterans office ng lungsod ay magkakaroon na ng buwanang cash allowance na P5,000.

 “Dahil sa ninanais natin na bigyang parangal at pagkilala ang mga beterano ng World War II, itinaas natin ang insentibong nakukuha ng mga beteranong opisyal ng VFP sa Taguig, at maging ang pagkakaroon ng buwanang cash allowance naman para sa mga beteranong naninirahan sa lungsod,” ayon pa kay Mayor Lani.

 Sa isa pang City Ordinance No. 54, Series of 2014, maglalaan din ang pamahalaan ng Taguig ng karagdagang halaga sa burial assistance ng mga beterano at ang kanilang asawa na kasalukuyang nakatala sa opisyal na listahan ng Taguig.

 Sa ilalim ng ordinansa, ang mga beterano at ang kanilang asawa, maging ang mga biyuda na ng mga pumanaw na beterano, ay magkakaroon ng karagdagang P10,000 burial assistance, kaya ngayon ay aabot na sa P20,000 ang kabuuang burial assistance ang inilalaan ng Taguig para sa kanila.

 Ayon naman sa City Ordinance No. 55, Series of 2014, bibigyan din ng karagdagang insentibo kada buwan ang mga empleyado na nagtatrabaho sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na sakop ng Taguig-Pateros.

 Ayon sa talaan, ang mga empleyadong ito ng PVAO ay ang mga anak ng mga war veterans na naglilingkod sa PVAO para magbigay ng serbisyo sa mga beterano at kanilang mga pamilya.

 Ang buwanang honorarium ng mga PVAO personnel sa Taguig-Pateros district ay itinaas na sa P1,500, mula sa nakaraang P500 kada buwan.

 “Ang pagbibigay ng ganitong insentibo sa mga beterano at sa kanilang pamilya ay maituturing na pagkilala sa kadakilaan na kanilang ipinakita noong ikalawang digmaan. Ito ang kontribusyon ng Lungsod ng Taguig sa kabayanihan ng ating mga beterano,” wika pa ni Mayor Lani. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854