Taguig honors its top taxpayers for 2016
Partners for development and continued growth
For their indispensable role in the city’s continuing growth, the top taxpayers of Taguig City were honored during its annual thanksgiving luncheon at the Kalayaan Hall of the city’s Satellite Office in SM Aura, Bonifacio Global City on Friday.
“This annual event is a tribute to you – our partners – and an opportunity for us to acknowledge your important role in developing our city. You are all instrumental in sustaining the city’s various socio-economic and infrastructure programs,” said Mayor Lani Cayetano in recognizing the city’s top taxpayers.
The city’s top 10 taxpayers include Team Energy Corp., Alveo Land Corp., BGNorth Properties Inc., Fort Bonifacio Development Corp., Metro Retail Stores Group Inc., Station Square East Commercial Corp., Makati Development Corp., BGSouth Properties Inc. and Samsung Electronics Phil. Corp.
“We like what the Mayor and her team are doing. We are happy to be here,” said Manuel R. Lozano of Therma Luzon Inc. (TLI), the top taxpayer for 2016.
TLI is a power generation company which runs a coal-fired power plant in Pagbilao, Quezon. Mr. Lozano praised Taguig for creating a great environment for investment including accessibility to the banking sector. “It’s very ideal for our business,” he added.
The city government aims to create more opportunities for its citizens and to continue having a great partnership in doing business with these investors through its business-friendly policies such as the low tax rates; transparent and corruption-free environment; and the implementation of ease of doing business strategies like the annual Business One-Stop Shop (BOSS) and the cashless transactions of taxes and other fees.
“The city government will continue to improve peace and order, prepare our people through manpower and livelihood training, establish programs for job matching and create more opportunities through infrastructure projects in the year 2017,” Mayor Lani added.
Taguig City has been continuously implementing innovative programs in various sectors, principally on education and health. The Lifeline Assistance for Neighbors In-Need Scholarship Program offers free schooling and other educational assistance to students and their families. Public school students also enjoy free school uniforms and school supplies, air-conditioned classrooms and even free prescription glasses. Because of this superb support for education, Taguig City is ranked No. 1 in the National Capital Region’s National Achievement Test (NAT) for elementary and high school for two consecutive years.
On the health front, the Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) has been modernizing its equipment and four Super Health Centers operate 24/7. The city also implements the “Doctor On Call” program which is designed for quick response to emergency calls or texts through hotline 0917-8210896. There are also free home-care nursing services for bedridden patients.
Taguig has also been given a Blue Certification Award by the Office of the Ombudsman for its streamlined frontline services and was recognized by the Civil Service Commission (CSC) for having the highest rating in the Anti-Red Tape Act compliance measures among 46 first-class cities. A World Bank Ease of Doing Business study said that Taguig is one of the best places in the country to do business in. ###
FILIPINO VERSION
Taguig taxpayers ng taong 2016, pinarangalan
Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang mga natatanging taxpayer sa taunang Thanksgiving Luncheon na ginanap sa Kalayaan Hall sa 10th floor ng Taguig Satellite Office sa SM Aura Tower sa Bonifacio Global City (BGC).
Ito ay bilang pagkilala sa mga negosyante sa kanilang patuloy na suporta sa pagpapaunlad ng Taguig.
“Ang munting pagtitipon natin ngayon ay oportunidad para kilalanin at bigyang parangal ang napakahalaga at napakalaking papel na ginagampanan ng ating mga katuwang sa patuloy na pag-unlad at paglaganap ng mga programang pangsocio-economic at imprasktraktura,” wika ni Mayor Lani Cayetano.
Kabilang sa top 10 taxpayers ng lungsod ang Team Energy Corp., Alveo Land Corp., BGNorth Properties Inc., Fort Bonifacio Development Corp., Metro Retail Stores Group Inc., Station Square East Commercial Corp., Makati Development Corp., BGSouth Properties Inc. at Samsung Electronics Phil. Corp.
“Masaya kami sa mga polisiya na ipinatutupad ni Mayor Lani at ng kanyang administrasyon kaya naman hindi kami nagsisisi na dito namin sa Taguig piniling magsimula at manatili,” saad ni Manuel R. Lozano ng Therma Luzon Inc. (TLI), isang power generation company na nagpapatakbo ng isang coal-fired power plant sa Pagbilao, Quezon, na siyang numero unong taxpayer ng Taguig sa taong 2016.
Idinagdag din ni Lozano na akma ang Taguig para pagdalhan ng negosyo dahil sa dami ng bangko sa lugar.
Kaugnay nito, umaasa ang lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng mababang tax rates, transparent at corruption-free na proseso, pagsasagawa ng mga taunang Business One-Stop Shop at cashless transaction sa pagbabayad ng mga buwis at iba pang bayarin ay lalo pang titibay ang relasyon nito sa mga investor nang sa gayon ay dumami pa ang trabaho para mga Taguigeño.
“Ipagpapatuloy po natin ang pagpapaigting sa kapayapaan at kaayusan sa buong bayan, magsasagawa pa po tayo ng mga programa na makatutulong sa job matching, at sa pamamagitan ng bagong imprastraktura ay makalikha pa ng mas maraming oportunidad para sa mga Taguigeño sa darating na taong 2017,” dagdag ni Mayor Lani.
Kilala ang lungsod ng Taguig sa pagsasagawa at pagpapatupad ng mga programang pangedukasyon at pangkalusugan gaya ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need Scholarship Program kung saan naipagkakaloob sa mga batang Taguigeño ang tunay na libreng edukasyon. Maliban dito ay libre rin ang mga gamit at uniporme ng mga bata, air-conditioned ang kanilang mga classroom at mayroon silang libreng prescription glasses o salamin sa mata na nakatulong upang sa dalawang magkasunod na taon ay manguna ang Taguig sa National Achievement Test (NAT) sa National Capital Region.
Nakatuon naman ang mga programang pangkalusugan sa pagpapabuti ng serbisyo at pagpapahusay sa mga pasilidad ng Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) at mga Super Health Center na bukas 24/7. Mayroon ding programa na “Doctor On Call” kung saan mabilis na tinutugunan ang mga emergency call at text ng mga residente sa hotline na 0917-821-0896. Libre rin ang home-care services para sa mga pasyenteng may maselang kondisyon.
Minsan nang ginawaran ng Blue Certification Award ang Taguig ng Office of the Ombudsman dahil sa mabilis at maasahang serbisyo na ibinibigay nito sa publiko. Kinilala rin ang Taguig ng Civil Service Commission (CSC) dahil nakamit nito ang pinakamataas na rating sa Anti-Red Tape Act compliance measures kung saan naungusan nito ang 46 first-class cities sa bansa.
Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng World Bank Ease of Doing Business, Taguig ang isa sa pinakamaganda at pinakamaaasahang lugar sa buong bansa para magtayo ng mga negosyo. ###