Taguig: Law must take its course on former city solon
Taguig City has released a statement noting that the “law should be allowed to take its course” on the case of the city councilor who faces charges of drug possession and theft.
“We do not condone his conduct,” the statement said of the councilor who has since resigned. “We commend those responsible for the apprehension.”
The city’s leadership puts its full trust on the government regarding the cases, the statement said. “The law should be allowed to take its course, and we expect nothing less than the firm implementation of the government’s hard line stance against illegal drugs.”
The national government’s approach to the drug menace has been effective in Taguig City, the statement further noted. In 2016, Taguig was No. 1 in southern Metro Manila in terms of the arrest of drug peddlers. It has also arrested, jailed and prosecuted drug personalities, including those in PNP’s Top 10 list.
During her administration, Mayor Lani Cayetano has led a campaign to end the notoriety of Taguig as an “illegal drug hot spot” that was mainly due to the extensive operations of the Tinga Drug Syndicate.
In 2017, a member of the syndicate, Elisa Tinga, was meted out reclusion perpetua and a substantial fine for selling illegal drugs. She is the seventh member of the Tinga Drug Syndicate nabbed by the authorities since 1996. She is the wife of Noel Tinga, reportedly cousins with former Taguig City Mayor Freddie Tinga.
“The case of the councilor is a timely reminder to us that the drug menace is real, and that it continues to exist in our midst despite the unrelenting campaign by the national and local governments,” Taguig noted. “This only proves that instead of going easy on the anti-drugs campaign, as being insisted by a misguided few, the government must remain focused on this fight against illegal drugs.”
Taguig said it would continue its own crusade versus illegal drugs. It has espoused a holistic approach dubbed Drug-Free Community Program, which runs on an anti-drug abuse advocacy but also aims to transform drug dependents into productive members of the society.
“To those who are selling or using drugs, it’s not too late: we ask you to avail of our programs before the law catches up with you,” the City added in its statement. ###
FILIPINO VERSION
Taguig: Hayaang gumulong ang batas sa kaso ng dating konsehal
Naglabas na ng pahayag ang pamahalaang lungsod ng Taguig kaugnay sa isa sa mga konsehal nito na nahuli dahil sa iligal na droga.
Sa isang statement, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Taguig na hayaan na lamang gumulong ang batas sa kaso ng konsehal na nahuli dahil umano sa drug possession at theft.
“Hindi namin kinukunsinti ang mga ganitong klase ng insidente,” saad pa ng statement ng Taguig ukol sa konsehal na nagresign na bilang opisyal ng lungsod. “Hinahangaan din namin ang mga responsable sa naturang paghuli.”
Malaki ang tiwala ng pamunuan ng lungsod ng Taguig sa kasalukuyang gobyerno lalo na sa kampanya kontra droga sa buong bansa.
“Hayaang gumulong ang batas laban sa mga nagkasala, at inaasahan natin ang matinding pagpapatupad ng batas mula sa gobyernong seryoso sa pagsawata ng krimen at iligal na droga,” ayon pa sa pamunuan ng Taguig City.
Nasasaad din sa statement ng lungsod na ang kampanya ng national government kontra iligal na droga ay naging epektibo sa lungsod ng Taguig. Noong 2016, ang Taguig ay naging No. 1 sa southern Metro Manila sa kampanya ng paghuli sa mga drug peddler. Marami na ang naaresto, nakulong at nasentensyahan na mga miyembro ng sindikatong sangkot sa droga, kasama na rito ang mga nahuli sa Top 10 list ng PNP.
Sa ilalim ni Mayor Lani, pinangunahan niya ang kampanya upang matuldukan ang talamak na droga sa Taguig sanhi ng malawakang operasyon ng mga sindikato kasama na ang Tinga Drug Syndicate.
Noong 2017, isa sa mga miyembro ng Tinga Drug Syndicate na kinilalang si Elisa Tinga ang hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagtutulak ng iligal na droga. Si Elisa Tinga ang pang-pitong miyembro ng Tinga Drug Syndicate na nahuli ng awtoridad simula pa noong 1996. Siya ang asawa ni Noel Tinga na umano’y pinsan ng dating Taguig Mayor Freddie Tinga.
“Ang kaso ng naarestong konsehal ng Taguig ay nagsisilbing paalala sa lahat na ang problema sa droga ay seryoso at patuloy na nangyayari. Kaya naman patuloy ang lungsod sa pagsasagawa ng mga kampanya upang malabanan ang salot na droga,” dagdag pa ng statement ng Taguig.
“Dapat lamang na maging seryoso ang pamahalaan na sugpuin ang iligal na droga at managot ang mga sindikatong ito sa batas,” saad ng statement.
Patuloy pa rin ang Taguig City sa pagpapalakas ng kampanya kontra droga sa pamamagitan ng malawak na Drug-Free Community Program. Kasama sa programang ito ang pag-transform sa mga lulong sa paggamit ng droga upang sila ay maging maayos at produktibong miyembro ng komunidad, at ang pag-promote sa Anti-Drug Abuse Advocacy ng Taguig.
“Para naman sa mga taong nagbebenta o gumagamit pa rin ng iligal na droga, hindi pa huli ang lahat. Hinihikayat namin kayo na sumailalim sa programa ng lungsod upang sila ay tumino bago pa man mahuli sila ng mga ahente ng batas.” ###