Taguig LGU tells public: Be vigilant vs squatting syndicates


The Taguig City government warned the public against entertaining individuals who sell land in Taguig at a low price.

 

Local Housing Office head Engr. Generoso Ignacio cited in particular the Building Enhancement for Livelihood and Environmental Network (BELEN) Inc. led by one Evelyn “Belen” Fuentes, which, in Taguig, operates in New Lower Bicutan.

 

The syndicate, however, also operates in other parts of Metro Manila such as Parañaque, Pasig, Novaliches and Quezon City.

 

Ignacio said the modus operandi of members of the group involves offering to individuals what they say is property along Circumferential Road 6 (C6) at low prices.

 

To convince prospective victims that they are indeed owners of what they say is that parcel of land measuring 80.925 hectares, the members of the syndicate show a piece of paper that they say transfers the rights to that supposed land to one Belen Fuentes.

 

The mere piece of paper is signed by Fuentes, and one Lorenzo Villar Elambo, who supposedly initiated the transfer.

 

What they say is property, however, turns out to be only water that is part of Laguna de Bay.

 

“These kinds of syndicates are never tolerated in Taguig. They will be prosecuted in accordance with the law,” Mayor Lani Cayetano said.

 

She highlighted that Republic Act No. 7279 or the Urban Development and Housing Act, for instance, imposes a penalty of six years imprisonment or a fine of not less than P60,000 but not more than P100,000, or both, depending on the discretion of the court, to groups proven to be squatting syndicates.

 

Executive Order No. 129 also establishes a mechanism to “curtail the activities of professional squatting syndicates and professional squatters, and (intensifies) the drive against them.”

 

It further empowers the local government unit, the Presidential Commission for the Urban Poor and the Philippine National Police in enforcing the penalty clause of RA 7279.

 

On December 23, the local government also fenced the area of C6 to ensure that no member of the syndicate will be able to erect structures there.

 

“Rest assured that we are doing everything we can to prevent these syndicates from victimizing people,” Mayor Lani added. ###

 

 

FILIPINO VERSION

 

Maging mapagmatyag kontra squatting syndicate, paalala ng Taguig LGU sa publiko

 

Nagbigay paalala ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa publiko laban sa modus ng mga squatting syndicate na nagbebenta ng mga lote sa murang halaga gamit ang mga peke at iligal na papeles.

 

Ayon kay Local Housing Office head Engr. Generoso Ignacio, isa sa mga natuklasang iligal na grupo ang Building Enhancement for Livelihood and Environmental Network (BELEN) Inc. sa pangunguna ng isang nag-ngangalang Evelyn “Belen” Fuentes, na bumibiktima ng mga residente sa Taguig partikular sa New Lower Bicutan.

 

Dagdag pa, ang sindikato ay bumibiktima rin ng mga kawawang kababayan sa ibang bahagi ng Metro Manila kagaya ng Parañaque, Pasig, Novaliches at Quezon City.

 

Ayon pa kay Ignacio, ang modus operandi ng mga miyembro ng sindikato ay nag-aalok ng mga bakanteng lote sa Circumferential Road 6 (C6) sa mga tao sa mababang halaga.

 

Hihikayatin ng grupo ang mga binibiktimang tao na ang BELEN ang nagmamay-ari ng malaking bakanteng lote na aabot sa 80.925 hektarya sa pamamagitan ng pekeng papeles na nagsasaad na si Belen Fuentes ang may-ari ng lupa sa isang transfer rights.

 

Ang pirasong papeles na ito ay pirmado ni Fuentes at ng isang Lorenzo Villar Elambo, na nagsasabing nag transfer ng lupa kay Fuentes.

 

Ang sinasabing lote ay matatagpuan pala sa gitna ng tubigan na parte ng Laguna de Bay.

 

“Ang mga ganitong klaseng modus ng sindikato ay hindi na dapat mangyari pa sa Taguig at nakahanda ang pamahalaan na kasuhan ang mga mahuhuling gumagawa nito,” ayon pa kay Mayor Lani Cayetano.

 

Sinabi pa ni Mayor Lani ang mga nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 7279 o ang Urban Development and Housing Act, kung saan may parusang anim na taong pagkabilanggo o penalty na hindi bababa sa P60,000 subalit hindi sosobra ng P100,000, o pareho. Ito ay depende sa hatol ng korte laban sa mga mapapatunayang sangkot sa squatting syndicates.

 

Sa ilalim ng Executive Order No. 129, nakasaad dito ang pagsawata sa mga sindikato ng squatting na nagsasabing “curtail the activities of professional squatting syndicates and professional squatters, and (intensifies) the drive against them.”

 

Binibigyan din ng kapangyarihan ang LGU, ang Presidential Commission for the Urban Poor at ang Philippine National Police na ipatupad ang batas na ito sa ilalim ng penalty clause ng RA 7279.

 

Noong December 23, nagtayo ng bakod ang pamahalaan ng Taguig sa lugar ng C6 upang masiguro na walang miyembro ng sindikato ang makapagpapatayo ng anumang iligal na istruktura sa lugar.

 

“Sinisiguro po namin sa city hall na pipigilan ng pamahalaan ang ano mang hakbang ng mga sindikatong ito na makapanlinlang ng tao sa kanilang squatting schemes,” wika pa ni Mayor Lani. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854