TAGUIG OFFERS FREE EXAMINATION TO COMBAT BREAST CANCER
With the threat of the potentially-fatal breast cancer continuously unabated, the Taguig City government decided to strengthen its campaign against the dreaded disease.
In accordance with such effort, the city government will launch on March 26—in time for the celebration of the International Women’s Month the project “Ating Dibdibin”, in cooperation with the I Can Serve Foundation.
Under the program, the city government will provide free breast examination screening for the women in the city.
Mayor Lani Cayetano stressed that early detection is very important in addressing the problem of breast cancer.
“Early detection is crucial in successful treatment of breast cancer, as it is in other diseases. The City Government is ready to assist any of the women of Taguig who would be found to symptoms of the disease,” she said.
“They don’t have anything to fear and we assure them of utmost assistance under my administration,” Mayor Lani added.
The program will be opened formally at the Taguig City Hall Auditorium with women employees chosen as the first batch to undergo the breast cancer screening services. After this, the program will be brought to all barangays of the city.
Atty. Darwin Icay, chief of the Public Information Office, the city government is aware of the difficulties of the poor residents who need to undergo breast cancer treatment.
This is the reason, Icay said, for the recent memorandum of agreement the city government entered into with the Philippine General Hospital, where all those found to have symptoms of breast cancer can undergo the proper treatment.
In connection with the program, the PIO and the Taguig City Health Office will also disseminate information on the different ailments common to women and the appropriate measures to protect themselves from these diseases.
Based on the data from the World Health Organization, breast cancer is the most common form of cancer afflicting women, or equivalent to 16 percent of all forms of cancer of women around the world.
Breast cancer has also surpassed lung cancer as the foremost form of cancer disease in the country.
Apart from the I Can Serve Foundation, the City Government is also working with the World Health Organization (WHO), Department of Health (DOH), Philippine General Hospital (PGH), Taguig-Pateros District Hospital (TPDH), Philippine Cancer Society and Springfield Breast Care Center in the campaign against breast cancer.
FILIPINO VERSION:
Dahil sa patuloy na pananalasa ng nakamamatay na sakit ng kababaihan na breast cancer, pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ang kampanya laban dito.
Kaugnay nito, ilulunsad ng pamahalaang lungsod sa Marso 26, kasabay sa pagdiriwang ng International Women’s Month ang proyektong “Ating Dibdibin” sa pakikipagtulungan sa I Can Serve Foundation.
Sa ilalim ng naturang programa, magbibigay ng libreng breast cancer examination para sa mga kababaihan sa lungsod.
Ipinaliwanag ni Mayor Lani Cayetano na importate ang “early detection” sa pagtugon sa naturang sakit.
“Krusyal ang early detection sa pagtatagumpay sa breast cancer at sa halos lahat ng karamdaman. Handa po ang Pamahalang Lungsod na umalalay sa mga Taguiguena na matutuklasang may kahina-hinalang bukol sa kanilang mga dibdib,” ani Mayor.
“Wala pong dapat ikatakot dahil tinitiyak ko po ang tulong na ipagkakaloob ng aking administrasyon,” dagdag pa niya.
Sa araw ng paglulunsad ng programa, unang isasailalim sa breast cancer screening ang mga babaeng kawani ng pamahalaang lungsod. Matapos nito, ibababa ang programa sa lahat ng barangay ng lungsod.
Ayon kay ni Atty. Darwin Icay, hepe ng Public Information Office (PIO), nauunawaan ng administrasyong Cayetano ang mga kaakibat na suliranin sa pagpapagamot kaugnay sa breast cancer.
Ito aniya ang dahilan kung bakit pumasok sa kasunduan ang Taguig City Government sa Philippine General Hospital (PGH) upang doon gawin ang iba’t ibang procedure gayundin ang gamutan sa mga may sintomas ng sakit.
Kaugnay ng programa, ang PIO at ang Taguig City Health Office ay magpapalaganap ng mga impormasyon tungkol sa ibat ibang karamdaman na maaring makuha ng kababaihan at mga tamang hakbang upang proteksyunan ang kanilang sarili.
Batay sa ipinalabas na datos ng World Health Orgnization (WHO) ang breast cancer ang pangunahing cancer na tumatama sa kababaihan sa kasalukuyan o katumbas ng 16 na porsiyento nga lahat ng klase ng cancer ng mga kababaihan sa buong mundo.
Nahigitan na rin nito ang lung cancer bilang pangunahing klase ng cancer sa bansa.
Bukod sa I Can Serve Foundation, katuwang din ng Taguig City government sa naturang kampanya ang World Health Organization (WHO), Department of Health (DOH), Philippine General Hospital (PGH), Taguig Pateros District Hospital (TPDH), Philippine Cancer Society (PCS) at Springfield Breast Care Center.