Taguig officials personally hand over calamity assistance to victims of ‘Nina’
Extending the city’s services
Taguig City Mayor Lani Cayetano and Senator Alan Peter Cayetano, together with Vice Mayor Ricardo Cruz Jr. and some city councilors recently visited the provinces of Albay and Camarines Sur to personally turn over the calamity assistance checks given by the city government of Taguig for the areas adversely affected by Typhoon Nina.
“We want to personally see the situation of the people in Bicol region after the devastation of Typhoon Nina. Seeing the typhoon’s aftermath, we saw that the residents really need assistance. We hope that from the amount and aid we have given them, it would help them build a new life,” said Mayor Lani, whose hometown, Tiwi in Albay province, was one of the hardest hit areas of the typhoon.
Aside from the turnover of checks, Mayor Lani also donated toys to the children of the cities and municipalities they visited.
Taguig City Vice Mayor Ricardo Cruz Jr. expressed his sympathy to the victims of the calamity. “It’s really overwhelming – there’s no electricity, you can see buses and trucks turned upside down, light posts and schools were also destroyed. As we were giving checks for the calamity assistance, one of the Mayors of the municipalities we visited even cried,” the vice mayor added.
The Taguig City Council, headed by the Vice Mayor, passed a resolution last December 27, 2016 authorizing the release of calamity assistance in the total amount of P9 Million to the people of the areas severely affected by Typhoon Nina and Typhoon Lawin.
The P9 million calamity assistance was donated to the provinces of Albay, Camarines Sur, Cagayan and Cordillera Administrative Region (CAR). The five municipalities of Albay – Libon, Polangui, Tiwi, Oas and Malinao – received P1,000,000 each; the province of Camarines Sur was given P2,000,000 while the province of Cagayan and CAR each received P1,000,000.
“Taguigeños will continue to give assistance to our fellow Filipinos. We will always try to extend our support as much as we can to those who are really in need,” Mayor Lani added.
In December 2016, Typhoon Nina left destruction to more than 77,754 families in the province of Albay and Camarines Sur while Typhoon Lawin created P5.2 billion agricultural damage in the province of Cagayan and displaced 106,456 families in CAR last October 2016. ###
FILIPINO VERSION:
Serbisyo ng lungsod pinalawig
Taguig nag-abot ng tulong pinansyal para sa mga biktima ng bagyong “Nina”
Binisita kamakailan nina Taguig Mayor Lani Cayetano, Senator Alan Peter Cayetano, Taguig Vice Mayor Ricardo Cruz Jr., at ilang konsehal ng lungsod ang mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur upang personal na ibigay ang tulong pinansyal para sa mga lugar na lubhang nasalanta ng bagyong Nina.
“Gusto po talaga naming makita ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa Bicol Region. Matapos ang pananalanta ng bagyong Nina, nakita namin na kailangan talaga nila ng tulong. Umaasa kami na mula sa tulong na aming naipagkaloob ay muli silang makababangon sa trahedya,” wika ni Mayor Lani, na ang bayang kinalakhan- ang bayan ng Tiwi sa Albay ay isa sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo.
Maliban sa pagkakaloob ng tulong, namigay rin ng mga laruan si Mayor Lani sa mga bata mula sa mga lungsod at munisipalidad na kanilang binisita.
Nagpahayag din ng simpatya sa mga biktima ng kalamidad si Taguig City Vice Mayor Ricardo Cruz Jr. “Nakapanlulumo po talaga – walang kuryente tapos makikita mong nagbaliktaran ang mga bus at truck, nasira rin pati ang mga poste ng ilaw at mga paaralan. Mayroon pa nga pong isang Mayor na umiyak habang iniaabot namin ang tulong,” dagdag pa ng vice mayor.
Noong ika-27 ng Disyembre 2016 ay nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panglungsod na nagpapahintulot sa pamahalaang lungsod na magpalabas ng calamity assistance na nagkakahalaga ng (P9-M) siyam na milyon para sa mga residente ng mga lugar na lubos na nasalanta ng bagyong Nina at bagyong Lawin.
Ang P9-M calamity assistance ay ibinigay sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur, Cagayan at Cordillera Administrative Region (CAR). Nakatanggap ng tig-iisang milyon (P1-M) ang limang munisipalidad ng Albay – ang Libon, Polangui, Tiwi, Oas at Malinao; dalawang milyon (2-M) ang ibinigay sa probinsya ng Camarines Sur samantalang tig-isang milyon (P1-M) naman ang natanggap ng probinsya ng Cagayan at CAR.
“Patuloy po na tutulong ang mga Taguigeño sa ating mga kapwa Pilipino. Sisikapin natin na mapalawak pa ang ating suporta para sa mga taong talagang nangangailangan,” dagdag ni Mayor Lani.
Noong Disyembre ng nakaraang taon ay mahigit 77,754 na pamilya sa probinsya ng Albay at Camarines Sur ang nasalanta ng bagyong Nina habang P5.2 bilyong halaga ng agrikultura ng probinsya ng Cagayan at 106,456 na pamilya naman sa CAR ang naapektuhan ng bagong Lawin noong Oktubre 2016.