Taguig opens annual Business One-Stop Shop; entrepreneurs assured of hassle-free transactions


Taguig opens annual Business One-Stop Shop; entrepreneurs assured of hassle-free transactions

Bosses, come to BOSS!

Entrepreneurs and business owners will once again experience the business-friendly — and leisure-friendly — environment in Taguig with the local government’s Business One-Stop Shop (BOSS) slated to run at the start of the new year.

BOSS, which allows for processes for renewing business licenses and registrations to be streamlined, is held simultaneously at the Taguig City Hall Auditorium and at the 9th floor of the City Hall Satellite Office in SM Aura, from January 3 to 20, 2018, including weekends.

Business owners are encouraged to take advantage of the annual event which will see them enjoying a free massage, film showing and refreshments while waiting for their documents to be processed.

Tokens like umbrellas and clocks are also provided to the first 100 attendees.

“Taxes are the lifeblood of the city’s programs and social services,” Business Permit and Licensing Office (BPLO) officer-in-charge Atty. Fanella Joy Panga-Cruz explained. She also highlighted that taxes translate to social services that include door-to-door delivery of medicines, scholarship assistance, among others.

“The more taxes we collect from the business community, the more we can provide services to Taguigeños,” she said.

Taguig has received a Blue Certification Award from the Office of the Ombudsman for its streamlined frontline services, and an excellent rating from the Civil Service Commission (CSC) for its compliance with the Anti-Red Tape Act (“ARTA”).

The City of Taguig is currently home to top corporations, embassies and government offices. New hotels, educational institutions and shopping malls have also sprung up in recent years within the fast-growing business districts of Bonifacio Global City (BGC) and ARCA South.

Taguig City, despite being one of the youngest cities in the country, was also recognized last August 2017 by the National Competitiveness Council of the Philippines as one of the Most Improved Local Government Units in the category of Highly Urbanized Cities. ###

FILIPINO VERSION

Business One-Stop Shop binuksang muli sa Taguig

Mabilis, komportable at maayos na transaksyon siniguro para sa mga negosyante

Para sa mga boss, pwede na muli kayong magpunta sa BOSS!

Ito ay matapos binuksang muli ng pamahalaan ng Taguig ang taunang programa na Business One-Stop Shop (BOSS) kung saan ang mga negosyante at mga may-ari ng negosyo ay maaaring makipag-transaksyon sa lokal na pamahalaan nang mabilis, maayos at organisado.

Ang BOSS, na sinimulan muli ngayong pagpasok ng bagong taon, ay programa ng Taguig kung saan pwedeng mag-proseso ang mga negosyante ng renewal ng kanilang business license at registrations nang maayos at mas mabilis.

Ginaganap ang BOSS sa Taguig City Hall Auditorium at maging sa 9th floor ng City Hall Satellite Office sa SM Aura. Ito ay sinimulan noong January 3 at magtatapos sa January 20, 2018. Bukas ito maging sa Sabado at Linggo.

Hinihikayat ang mga business owner na magtungo sa dalawang venue upang maranasan ang maaliwalas at maayos na business transaction. Meron ding libreng masahe, film showing at refreshments para sa mga negosyante at mga entrepreneur habang inaantay nila ang pag-proseso ng kanilang papeles.

Namimigay rin ng mga token kagaya ng payong, orasan at iba pa sa unang 100 na nagtungo sa mga nasabing venue.

“Ang buwis ang nagbibigay buhay sa mga programa ng lungsod at ibang social services na inilalaan sa mga tao, kaya naman ginagawa ang BOSS kada taon upang hikayatin ang mga nagmamay-ari ng negosyo na danasin ang mabilis, maayos at maaliwalas na pagproseso ng kanilang mga lisensya at permit,” saad ni Business Permit and Licensing Office (BPLO) officer-in-charge Atty. Fanella Joy Panga-Cruz.

Dagdag pa ni Cruz na ang mga buwis ay katumbas ng social services kagaya ng door-to-door delivery ng mga gamot, scholarship assistance ng mga estudyante, at iba pa na ibinibigay sa mga Taguigeño.

“Mas maraming buwis na makokolekta ang Taguig mula sa business community, mas maraming serbisyo ang maibabalik sa mga Taguigeños,” wika pa ni Cruz.

Ang Taguig ay nagawaran ng Blue Certification Award mula sa Office of the Ombudsman para sa maayos at mabisang frontline services sa tao, at ng excellent rating mula sa Civil Service Commission (CSC) sa masugid na pagtupad ng pamahalaang lungsod sa Anti-Red Tape Act (ARTA).

Ang lungsod ng Taguig ngayon ay primyadong lugar para sa mga malalaking kumpanya, mga embahada at opisina ng pamahalaang nasyunal.

Sa Taguig din matatagpuan ang mga sikat na hotel, educational institutions o kolehiyo, mga shopping malls na kasalukuyang nag-ooperate sa business district ng Bonifacio Global City (BGC) at ARCA South.

Sa kabila ng pagiging batang syudad sa bansa, kinilala at ginawaran ang Taguig noong August 2017 ng National Competitiveness Council of the Philippines bilang isa sa mga Most Improved Local Government Units sa kategorya ng Highly Urbanized Cities. ###


Taguig City Hotlines

Taguig City Hall 555- 7800 Police Taguig Mobile Patrol 0921-7221972
Fire Department at City Hall 642-9982 Public Order & Safety Office 642-1261
Fire Department Taguig Central 837-0740 / 837-4496 Taguig Environmental / Solid Waste 642-7557
Fire Department at FTI 837-4496 Traffic Management Office 640-7006
Lake & River Patrol 628-1377 Taguig-Pateros District Hospital 838-34-85
Office of Social Welfare & Development 555-7919 Taguig City Rescue 0919-0703112
PNP Taguig / COP 642-35-82 Taguig Emergency Hotline 165-7777
Tactical Operation Center Police 642-3582 Taguig Command Center 789- 3200
Police 117 / Emergency 1623 Doctors-On- Call 0917- 8210896
Trunkline 555-78-52/555-7854